You are on page 1of 2

“Ang buhay ng Tao”

Sa tula na ito ay pinapakita na ang buhay ay isa lamang yugto-yugtong proseso na mula sa
pagpanganak hanggang sa pagkamatay. Ang bawat saknong sa naturang tula ay may kasamang
mensahe na tungkol sa mga pangyayari na pwedeng maranasan sa isang buhay ng tao. Mga
pagsubok at pagdedesisyon sa buhay, tukso, bisyo, at iba pa na maaaring pagdaanan sa isang buhay
ng tao ay ang prosesong nasabi.
Ang Buhay ng Tao ay isa sa mga tulang isinulat ni Jose Corazon de Jesus. Ito ay tungkol sa
pagkakaiba at mga hindi patas na karanasan ng mga tao sa kanilang buhay. Kung susuriin ang tula
sa bawat saknong nito, makikita ang pagpapahayag na sa paglalakbay ng persona sa kanyang
pinanggalingan ay kanyang nabalikan at nakita ang kanyang maitim na budhi o hindi kagandahang
karanasan mula sa kanyang nakaraan. Ang pagkadismayado ng tao ay nagrerepresinta ng pagtanto
nito sa buhay. Ang buhay ng tao ay mahirap, mahirap mapagtanto ang tama sa mali, at ang mali sa
tama.
Ang tula ay sumisimbolo sa pangangailangan at kasanayan ng mga Pilipino na umasa’t
maghangad ng nararapat para sa henerasyon ng kasalukuyan at ikabubuti ng mgasumasapaloob sa
kinabukasan ng bansang atin. Patungkol sa interpretasyon na ito, ang konteksto ng paghahangad at
pag-asa ng mga Pilipino para sa kung ano ang nararapat, ito ay mahahati sa magkakaibang aspeto
na maihahahluntalad nang higit sa pangkasalukuyang panahon. Ayon sa naisagawang poster ng
grupo, ang pinahahalagahang interpretasyon dito ay ang pagsusumikap at “pagsagot” ng mga
Pilipino sa pilosopikong kaisipan na ang hindi pagkilos ng kasalukuyan ay ang hindi pag-usad ng
kinabukasan. Maraming interpretasyon, pagsasalin, at pagkakasulat ang kaisipan na ito habang
patuloy na lumalabas sa iba’t ibang sulating makabayan, isa na dito ang kay De Jesus. Iginuhit ito ng
grupo upang mabigyang diin o pagpapahalaga ang isa sa mga namumunong konsepto sa tula ni De
Jesus patungkol sa pighati ng mga Pilipino upang makaraos ang buhay na pansirili at Pambansa.
Subalit, ang presensiya ng dalawang hubog ng lipunan mula sa naisagawang poster ay sumisimbolo
sa presensiya ng mapait na kinagisnan ng matamis nakasalukuyan o higit na ikagagandang
kinabukasan; sa aspeto man ng edukasyon, lipunan, o pulitika, ang kahulugan ng kasaysayan ang
nakaraang pagsusumikap ng mamamayan ay patuloy na dapat pahalagahan sabawat henerasyong
magdadaan.

Mga miyembro:
Trisha Ann Mae Falqueza
Hans Tristan Gallardo
Dianne Geneblazo
Lea Angela He
Ivan Mark Lucas

You might also like