You are on page 1of 96

IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Unang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKALIMANG LINGGO:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

-Ang mga teorya/dulog sa panunuring pampanitikan


-“Ang Isang PunongKahoy” bilang repleksyon kaugnay sa nalalapit
na paglisan ng isang tao sa mundo. Ito’y pagsipat sa danas ng
tao—sa kanyang paniniwala, mga karanasan, at pakikisangkot sa
kalagayan ng bayan gayundin ang pagtanaw sa Hinaharap—ang
kanyang mga tula bilang bantay at liwanag para sa Progresibong
Lipunan
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Unang Bahagi)
a. MANGGAGAWA
• Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
• Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
• Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
• Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
• Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
I. PAMAGAT NG TULA: MANGGAGAWA

II. PAKSA NG TULA

Ang tulang MANGGAGAWA ay


para sa mga nagpupunyagi at
nag-aalay ng kanilang pawis
sa laban ng industriyalisasyon
sa Pilipinas o ang mga
tunituring nating bayani ng
lipunan – ang mga
manggagawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

III. URI AT ESTILO NG AKDA


A. URING PAMPANITIKAN - Tulang Liriko na Oda
- Ito ay Tulang Liriko na Oda o kung panoong
nagpapahayag o nagpapakita ito ng paghanga o
papuri sa isang bagay at ito na ay ang paghanga sa
mga manggagawa.
B. Estilo ng Paglalahad
- Sinikap ng may-akda na ipakita gamit ang
matalinghaga at masining na pagpapahayag ang
bawat karanasan, damdamin at gampanin ng
manggagawa bilang mahalagang bahagi ng bansa
C Simbolismong Ginamit
- Martilyo (pwersa, kagamitan, pag-asa, tiyaga)
- Ilaw (linawag, saya, pag-asa, motibasyon,
pangarap)
- Pawis (dangal, buhay, pangarap, pamilya,
kakayahan)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
IV. MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga manggagawa?

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Mararamdaman sa tula kung gaano


kalaki ang nagging gampanin ng mga
manggagawa sa industriya ng isang
bansa.. Hirap, pagod, pagtitiya subalit
may mga nagyayabang o may ilan
lamang nakikinabang o nananamantala
sa kanilang lakas-paggawa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Si Erwiana Sulistyaningsih, isang


kasambahay na Indonesian na
biktima ng pang-aabuso at di
pagpapasweldo sa Hong Kong
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Pila sa libreng distribusyon ng


prutas sa Greece noong 2013.25
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Kilos-protesta ng mga Singaporean


noong Abril 2014 laban sa
pagdaraos ng pagdiriwang ng Araw
ng Kalayaan ng Pilipinas sa
Orchard Road, Singapore
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Mag-asawang Nepalese na
namatayan ng dalawang anak
na migranteng manggagawa sa
Malaysia at sa Qatar
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

• Anti-migranteng patalastas
sa mga van na pinondohan
ng gobyerno ng United
Kingdom noong 2013
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Anti-migranteng patalastas na pinondohan ng gobyerno


ng Australia noong Oktubre 2014.20
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?

Abot 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic,


ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay
maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa
ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
1. Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa mga
manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang kagalayan ng ating


mga manggagawa sa loob at labas ng
bansa. Ito ay isang patunay lamang na
ating nasasaksihan kung sarado na nga
ba ang ating isip at damdamin para sa
pakikibahagi sa kalagayan nila.
Gayundin ang patuloy nating pagtingin
sa mga manggagawa nang may dangal
dahil alam natin ang mga pagsisikap nila
at malaking bahagi o gampanin sa pag-
unlad ng ating bansa.
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Ikalawang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKAANIM NA LINGGO/UNANG BAHAGI:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Unang Bahagi ng Pagsusuri:


-Pagbasa ng Tula
-Pamagat ng Tula
-Paksa ng Tula
-Uri at Estilo ng Akda
-Mensahe ng Tula
1. Sarado na ba ang ating isip at
damdamin para sa mga manggagawa?
IKAANIM NA LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“MANGGAGAWA”

(Ikalawang Bahagi)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”
IV. MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Pagpupugay para sa lahat ng mga manggagawa dahil sa


kanilang nagging mahalagang gampanin sa pag-unlad ng
kabihasnan. Ang pagpupugay ay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga maaayos na polisiya na uugnay sa
pagtataas pa ng kalidad ng pamumuhay ng mga
manggagawang Pilipino.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

Ipatupad Ang Disenteng Sahod Para sa


Mga Manggagawa
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

MENSAHE NG TULA
2. Mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas

• Gamitin Ang Pondo ng Bayan Para sa mga


manggagawa sa sector na pangreporma sa
Lupa, Modernisasyon ng Agrikultura,
Makabansang Industriyalisasyon at
Nasyonalisasyon ng Mga Pangunahing
Industriya at Serbisyo
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Tanong:Ano pa ang mga repormang nais mong ialay


para sa mga manggagawa?
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

Ito ang iba’t ibang mga mungkahing


repormang maka-manggagawa sa
Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang
kailangang mabigyang pokus o linaw
kung ano ang mga panukala o detalye na
kailangang matugunan para sa kabutihan
ng buhay o kalagayan ng pamumuhay ng
ating kapwa manggagawa sa Pilipinas
lalo na’t sila ang may malalaking
gampanin sa patuloy na pagtakbo ng
ating industriya.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“MANGGAGAWA”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan


TEORYA PALIWANAG
IMAHISMO -naiwan ang imahen ng martilyo, bakal bilang
larawang diwa na gamit ang mga ito ay may
pwersang binibigay ang mga manggagawa
kaakibat ang kanilang buhay sa kanilang paggawa
SOSYOLOHIKAL -kalagayan ng mga manggagawa sa lipunan
REALISMO -ang katotohanang silang mga manggagawa ang
yumayari ng buong kabihasnan. Totoong dapat
natin silang dakilain para sa lahat ng kanilang
pagpupunyagi o pagpapakasakit o pagpapawis
para lamang sa kanilang mithiin sa buhay at sa
kapakanan ng bansa
KONGKLUSYON
“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa
mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay
sa mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa
mga manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at
tumutungo sa ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng
iba’t ibang mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
para sa patuloy nating paghahangad ng progresibong bansa.
IKALIMANG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG
PUNONGKAHOY”

(Unang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKAAPAT NA LINGGO:
TALAMBUHAY AT PAGSUSURI SA SINING NI JOSE CORAZON
DE JESUS

✓ PAGSUBOK SA ISANG MAPAGPALAYANG


PAGKILALA’T PAGTAYA SA SINING NI JOSE
CORAZON DE JESUS - Pinagbuhatan ng Organikong
Intelektwal, Parametro ng Pagbabalikwas, Pagtuklas sa
Ideya at Katunayan, Maskara ng Proletaryong Memorya
IKALIMANG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG
PUNONGKAHOY”
A. MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG

REALISMO Katotohanan kaysa Kagandahan

Mga Simulain o Prinsipyong nais ipahatid sa


Katotohanan tao ng realista:
1. Walang hangganan ang pagbabago.
kaysa 2. Katotohanan ang una’t huling hantungan
ninuman.
Kagandahan 3. Hindi magaganao ang palsipikasyon ng
tao sa realidad ng lipunan.
4. Nagtatala ng iba’t ibang
mukha ang buhay.
HALIMBAWA NG REALISMO
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
HISTORIKAL Pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga aspektong
nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-
akda, at ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang
sa akda.Mahalaga ang papel ng mga institusyon –
lipunan, edukasyon, pamilya, relihiyon, ekonomiya o
gobyerno.
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
IMAHISMO Mailarawan nang ganap ang isang paksa, mailahad
nang walang pagkiling at malayang makapamili ng
mga larawang maikikintal sa isip ng mambabasa.

Layunin ng panitikan ay gumamit ng


mga imahen na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi
ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang
ng karaniwang salita
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG

KLASISISMO Pinaniniwalaan ng dulog na ito na dahil walang


katapusan ang diwa at espiritu ng tao kung kaya’t ibig
nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Katangian
ng Akdang Klasiko: Pagkamalinaw, Pagkamarangal,
Pagkapayak, Pagkamatimpi, Pagkaobhetibo,
Pagkakasunud-sunod, Pagkakaroon ng hangganan.
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
FEMINISMO Ang sistemang pangkababaihan bilang mga
indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
HUMANISMO Ang pokus ng dulog na ito ay ang tao-
ang humuhubog at lumilinang dito.
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
BAYOGRAPIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda.
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
Kalagayan ng mga panlipunang insitusyon gaya
SOSYOLOHIKAL ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang
mga nasasangkot sa lipunan.
“Ang Igorota sa Bagiuo” ni Fausto Galauran
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
“Landas sa Bahaghari” ni Benjamin Pascual
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez
“Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza
Matute “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual
“Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez
“Tata Selo” ni Rogelio Sikat
“Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo M.
Reyes
MGA TEORYA/DULOG SA
PANUNURING PAMPANITIKAN
TEORYA/DULOG PAGPAPALIWANAG
ROMANTISISMO
Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng
mga romantisista para mabatid ang
nakakubling katotohanan, kabutihan at
kagandahan.
IKALIMANG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG
PUNONGKAHOY”

(Ikalawang Bahagi)
PAGBABALIK-ARAL SA IKALIMANG LINGGO/UNANG BAHAGI:
TALAMBUHAY AT PAGSUSURI SA SINING NI JOSE CORAZON
DE JESUS

MGA TEORYA/DULOG SA PANUNURING PAMPANITIKAN

REALISMO HUMANISMO
HISTORIKAL BAYOGRAPIKAL
IMAHISMO SOSYOLOHIKAL
KLASISISMO ROMANTISISMO
FEMINISMO
IKALIMANG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG
PUNONGKAHOY”

(Ikalawang Bahagi)
B. ANG TULANG
“ISANG PUNONGKAHOY”
V.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
VI.
II.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Organong sa loob ng isang simbahan
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Ay nananalangin sa kapighatian,
Naging krus ako ng magsuyong laing
Habang ang kandila ng sariling buhay,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Magdamag na tanod sa aking libingan...
VII.
III.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Sa aking paanan ay may isang batis,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
VIII.
IV.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
isang kahoy akong malago't malabay;
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
at tsaka buwang tila nagdarasal.
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

I. PAMAGAT NG TULA:
ISANG PUNONGKAHOY
II. PAKSA NG TULA
Salamin ang ISANG
PUNONGKAHOY ng isang persona
o tao na mayroon nang imahinasyon
ng kanyang paglisan sa mundo. Sa tula
ay masasaksihan ang kanyang
repleksyon kaugnay sa kanyang mga
naging karanasan tulad ng pighati,
nagawa, maiiwan, pangarap, pag-asa,
at iba pang damdaming nagbibigay
lakas o kahinaan sa kanyang buhay.
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

III. URI AT ESTILO NG AKDA


A. URING PAMPANITIKAN
Tulang Pandamdamin o Liriko

-Ang tula ay isang Elehiya na tulang


may kinalaman sa kamatayan.

B. ESTILO NG PAGLALAHAD
-ang estilo ng akda tradisyunal,
masining, mayaman ang wika, at
umuugnay sa bawat karanasan ng
may akda.
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

III.C.SIMBOLISMONG
GINAMIT
Batis- luha
Kandila- liwanag
Kurus- kahandaan,
paniniwala
Punongkahoy- buhay
ng tao
Sanga- pagtulong
/katatagan/
masasandalan
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

IV. MENSAHE NG TULA


1. Pagsipat sa danas ng tao—sa kanyang paniniwala, mga
karanasan, at pakikisangkot sa kalagayan ng bayan
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

IV. MENSAHE NG TULA


1. Pagsipat sa danas ng tao—sa kanyang paniniwala, mga
karanasan, at pakikisangkot sa kalagayan ng bayan

- Jose Rizal
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

IV. MENSAHE NG TULA


1. Pagsipat sa danas ng tao—sa kanyang paniniwala, mga
karanasan, at pakikisangkot sa kalagayan ng bayan
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

IV. MENSAHE NG TULA


1. Pagsipat sa danas ng tao—sa kanyang paniniwala, mga
karanasan, at pakikisangkot sa kalagayan ng bayan

KAUGNAY SA KASALUKUYAN
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

IV. MENSAHE NG TULA


2. Pagtanaw sa Hinaharap: ang kanyang mga tula bilang bantay at liwanag
para sa Progresibong Lipunan
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”
IV. MENSAHE NG TULA
2. Pagtanaw sa Hinaharap: ang kanyang mga tula bilang bantay at liwanag
para sa Progresibong Lipunan

“Kung dumating ang panahong puti na ang buhok ko, Senyor,…at


nakita ko na ang ginawa ko’y para lamang sa aking sarili, at di ako
nakatulong sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, at sa mga
kababayang tumulong sa akin upang mabuhay, kung magkagayon,
bawat puti ng aking buhok aymagsisilbing tinik na sa halip
ipagmalaki ay aking ikahihiya!”
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”
IV. MENSAHE NG TULA
2. Pagtanaw sa Hinaharap: ang kanyang mga tula bilang bantay at liwanag
para sa Progresibong Lipunan
KAUGNAY SA KASALUKUYAN
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan


TEORYA PALIWANAG
IMAHISMO -nailahad o nagkaroon ng larawang diwa para sa hinaing,
kasawian, tagumpay, kasiyahan
ROMANTISISMO -napalutang ang damdamin ng persona kaugnay sa kanyang
paglalakbay sa buhay, pag-ibig sa kapwa at sa bayan
BAYOGRAPIKAL -naipamalas ang karanasan ng may-akda, ang kanyang
pagninilay kaugnay sa kanyang nalalapit na paglisan sa
mundo
HUMANISMO -ang bawat pakikisangkot niya sa bayan bunga ng kanyang
pagiging tao—siya ay hinubog para maging malay at para
maglingkod o makibahagi para sa progreso sa kanyang
panahon.
REALISMO -sa kanyang tula ay masisilayan ang katotohanan sa buhay.
C. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ISANG PUNONGKAHOY”

“Ang Isang PunongKahoy” ay repleksyon kaugnay sa


kanyang nalalapit na paglisan sa mundo. Ito’y pagsipat sa
danas ng tao—sa kanyang paniniwala, mga karanasan, at
pakikisangkot sa kalagayan ng bayan gayundin ang
pagtanaw sa Hinaharap: ang kanyang mga tula bilang
bantay at liwanag para sa Progresibong Lipunan
IKAPITONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”
PAGBABALIK-ARAL SA IKAANIM NA LINGGO:
PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TULA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “MANGGAGAWA”

“Sa patuloy na pag-uugnay ng tula sa kasalukuyan, makikita ang ilan sa


mensaheng nais iwan ni Jose Corazon De Jesus tulad ng mga mensaheng
magpapamulat sa ating kamalayan at tatagos sa ating pagkatao kaugnay
sa mga tanong na “Sarado na ba ang ating isip at damdamin para sa
mga manggagawa” at anuman ang sagot dito ay dapat umuugnay at
tumutungo sa ating gampanin na makiisa sa patuloy na pagbibigay ng
iba’t ibang mga mungkahing repormang maka-manggagawa sa Pilipinas
para sa patuloy nating paghahangad ng progresibong bansa.
IKAPITONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”
A. ANG BUHAY NG TAO
ni JOSE CORAZON DE JESUS

Inakay na munting naligaw sa gubat, At gaya ng isdang malaya sa turing


ang hinahanap ko’y ang sariling pugad; ang langit at lupa’y nainggit sa akin;
ang dating pugad ko noong mapagmalas subalit sa isang mumo lang ng kanin,
nang uupan ko na ang laman ay ahas. ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

Oh! ganito pala itong Daigdigan, At sa pagkabigo’y nag-aral na akong


marami ang sama kaysa kabutihan; mangilag sa mga patibong sa mundo;
kung hahanapin mo ang iyong kaaway, kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang. bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

Ako’y parang bato na ibinalibag, Ang buhay ng tao ay parang kandila


ang buong akala’y sa langit aakyat; habang umiikli’y nanatak ang luha;
nang sa himpapawid ako’y mapataas, buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak. ang luksang libinga’y laging nakahanda.

Mahirap nga pala ang gawang mabuhay, Ang palad ay parang turumpong mabilog,
sarili mong bigat ay paninimbangan, lupa’y hinuhukay sa ininug-inog;
kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan, subalit kung di ka babago ng kilos,
kung ikaw’y masama’y kinapopootan. sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

I. PAMAGAT NG TULA:
ANG BUHAY NG TAO
II. PAKSA NG TULA
Ang Buhay ng tao ay naglalahad
ng mga iba’t ibang mukha ng
buhay tulad ng kung
ano/kailan/sino ang dapat bigyan
ng pagtitiwala. Idagdag pa ang
pakikipagsalaparan sa laban ng
buhay at pagkakaroon ng pagkilos
o kamalayan habang may buhay
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

III. Uri at Estilo ng Akda


a. Uring Pampanitikan
-Ito ay Tulang Liriko na Awit
o pandamdamin
b. Estilo ng Paglalahad
-Tradisyunal, matalinghaga
c. Simbolismong ginamit
Gubat (iba’t ibang pangyayari,
pagkatao, pananaw, kayang gawin)
- Bato (Bigat, Tatag, tibay, Dalahin)
- Langit/Lupa (Kontradiksyon sa buhay)
- Patibong (Pag-iingat, tiwala, tukso)
- Turumpo (Patuloy na pag-ikot ng
buhay)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Oh! ganito pala itong Daigdigan, “subalit kung di ka babago ng


marami ang sama kaysa kabutihan; kilos, sa hinukayan mo’y doon
kung hahanapin mo ang iyong kaaway, mahuhulog”
huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ipinakita sa kanyang panahon Ito’y pahayag na nag-iiwan ng hamon


ang buhay ng mga Pilipino na na ang buhay ng tao sa kanyang
panahon ay isang laban ng
animo’y buhay na punong-puno
pagbalikwas sa mga katotohanang
ng pagtatrahidor at kung hindi man magandang tingnan, subalit
paanong magiging maingat o kailangan nang magkaroon ng
may pagkilos paninindigan para sa buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao


(mga Pilipino) sa Politikal
na Aspeto
“Paano ka pa magiging masaya
kapag namulat ka na sa politikal na
katotohanang hindi masaya ang
pambansang buhay? Kaya sa
kadalasan, wala nang ginagawa
kahit may rekurso sa mismong
politikal para matransforma ang
panlipunang buhay.”
-Prof. Rolando Tolentino
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga


Pilipino) sa pagiging Kolonyal
“Nang dumating ang mga taga-
Kanluran, may bagong
kapangyarihang kailangan nilang
kilalanin at dalanginan araw-araw
upang kanilang matiyak na sila’y
magtatamong-ginhawa sa kabilang
buhay.”
-Dr. Buenvenido Lumbera
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
Mukha ng Buhay ng Tao
(mga Pilipino) kaugnay
sa Kahalagahan ng
Karapatang Pantao
“Kung ang mga tao ay
pagkakaitan ng liwanag, ng
tahanan, ng kalayaan, ng
katarungan, hindi sila
magkakaroon ng
magandang buhay.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
At sa pagkabigo’y nag-aral na akong
“subalit kung di ka babago ng mangilag sa mga patibong sa mundo;
kilos, sa hinukayan mo’y doon kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t
mahuhulog” bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

makikita ang mensahe na iba’t ibang mukha ng buhay ng tao. Ang patuloy na
pagbibigay ng tiwala sa iba’t iba mang aspeto. Sa patuloy na paghahanap ng
kabutihan subalit may kaaway. Sa mga patibong na hihikit sa iyo para sa iyong
hukay. Sa patuloy na pakikipaglaban para sa buhay sa kabila ng iba’t ibang mukha
ng pain (pagtratrahidor) nito. Subalit sa bandang huli ay isang mapanghamon ang
sinabi ni Jose Corazon De Jesus na “Kung Di ka babago ng Kilos”, ito’y isang
mensahe mula noon hanggang ngayon na hawak natin ang ating buhay para
patuloy na kumilos at manindigan para sa kabutihan maging ito man ay sa
edukasyon, lipunan, pamilya, relihiyon, politika at iba pang bahagi ng ating buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao
Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino) kaugnay sa pagiging
Martir/Pag-aalay ng Buhay para sa Bayan:
“Sa mga nakaraang buwan, wala akong natatanggap na kahit ano
mula sa Pilipinas. Iyan ang dahilan kung bakit iniisip kong bumalik
na roon sa lalong madaling panahon...Ganoon din dapat ang
gawin ni Graciano….dapat siyang bumalik sa Pilipinas at maging
handang mamatay para sa kanyang mga paninindigan...Kung ang
isang tao’y mamamatay, bayaan siyang mamatay sa sarili niyang
bayan, para sa kanyang bayan at sa ngalan ng kanyang bayan.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino)


kaugnay sa paraan kung paano mapaunlad
ang Pilipinas nang walang gaano o minimal
na tulong ng mga dayuhan:
“At ang mga minahan ay magluluwal ng ginto na
makababawas sa kahirapan, bakal para sa mga sandata, tanso,
tingga at uling. Siguro, muling bubuhayin ng bansa ang mga
industriya ng pangangalakal at pagbabarko na akmang-akma
sa kalikasan, kakayahan at natural na gawi ng mga
mamamayan.”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

IV. MENSAHE NG TULA:


Iba’t ibang mukha ng Buhay ng Tao

Mukha ng Buhay ng Tao (mga Pilipino) kaugnay sa gampanin ng


kabataan sa pagpapaunlad ng bayan at pagbabagong
panlipunan:
“Nasaan ang mga kabataang handang mag-alay ng kanilang oras, ninanais,
at sipag para sa kapakanan ng bansa? Nasaan ang mga kabataang handang
magpatulo ng dugo upang hugasan ang gayong pagkamuhi [galit]? malinis at
walang bahid-dungis ang buhay na alay upang ang handog ay maging
karapat-dapat. Nasaan kayong mga kabataan na magpapatuloy ng buhay na
nagmula sa aming mga ugat, ang kalinisan ng mga ideyang naririto sa aming
isipan at ang sipag na nandirito sa aming mga puso. Naghihintay kami sa
inyo, mga kabataan!”
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“ANG BUHAY NG TAO”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan

TEORYA PALIWANAG
HUMANISMO -ang tao ay may sariling pagpapasiya sa mga nais
niya batay sa mga humuhubog at lumilinang sa
kanya
REALISMO -ang katotohanang sa buhay ay mga
kontradiksyon, may mga kaaway, may mga pain,
may mga pagtalo gayundin ang katotohanang may
iba’t iba’t mukha ang buhay.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG BUHAY NG TAO”

Sa Buhay ng tao ay hindi mawawala ang mga banggaan,


o mga kontradiksyon kaya mahalaga ang pagkakaroon
ng kaloobang buo at hindi pagagapi o patutumba sa
pakikipagsaparan sa buhay o sa iba’t ibang mukha ng
buhay. Gayundin ang patuloy na pagkilos o kamalayan
habang may buhay.
IKAWALONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG TREN”

(Unang Bahagi)
A. ANG TREN
ni JOSE CORAZON DE JESUS
Tila ahas na nagmula
sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan.
O, kung gabi’t masalubong
ang mata ay nag-aapoy,
ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol
at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.
Walang pagod ang makina,
may baras na nasa r’weda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.
“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

I. PAMAGAT NG TULA: ANG TREN

II. PAKSA NG TULA


- Ang tulang ANG TREN ni Jose
Corazon De Jesus ay nagpapakita
ng kalagayan ng paglalakbay o
pagpapatangay o pagdedesisyon
sa buhay ng mga Pilipino sa
panahon ng amerikanisasyon ng
bayan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

III. URI AT ESTILO NG AKDA


a. Uring Pampanitikan
-tulang Liriko o Pandamdamin
b. Estilo ng Paglalahad
-tradisyunal, matalinghaga
c. Simbolismong Ginamit
➢ Ahas : paggalaw, iba’t ibang direksyon o
desisyon sa buhay
➢ Bintana : pagtanaw, pangarap, pag-asa,
lungkot, alaala
➢ Daan : desisyon, paglalakbay
➢ Tren : paglalakbay
➢ Panyo : pag-asa, lungkot, alaala
➢ Makina : modernisasyon, industriyalisasyon
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
III. MENSAHE NG TULA
1. Kalagayan ng transportasyon bilang mukha ng
amerikanisasyon ng ating bansa

Tila ahas na nagmula


sa himpilang kanyang lungga,
ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana.
Ang rail na lalakara’y
nakabalatay sa daan,
umaaso ang bunganga at maingay na maingay,
sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan

✓ Paggamit ng may-akda sa “ahas” bilang kaisipan na ito


ay ang paggalaw o paglalakbay natin sa iba’t ibang
direksyon o kung paano na tayo nagpapatangay sa
pagtatakda ng amerikanisasyon sa ating bayan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

1. Kalagayan ng transportasyon bilang mukha ng


amerikanisasyon ng ating bansa
✓ Isang Amerikano, Si Col. Johnson
ang nakapirma sa deklasrasyon
ng Kalayaan ng Pilipinas noong
Hunyo 12, 1989.
✓ Noong 1917, ang Manila-
Dagupan Railway na
pagmamay-ari ng mga Ingles ay
binili ng pamahalaang
Amerikano. Ang pagtatayo ng
mga linya ng tren ang
nagpaunlad sa mga pook na
dinaraanan nito.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
a. Kalagayan ng transportasyon bilang mukha ng
amerikanisasyon ng ating bansa
✓Sa pamamagitan ng Ingles ay tinuro sa
mga kabataan ang kultura ng lipunang
Amerikano
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
a. Kalagayan ng transportasyon bilang mukha ng
amerikanisasyon ng ating bansa
✓Lumaganap ang dayuhang negosyo sa
pamamagitan ng:
LIBERALISASYON
PRIBATISASYON
KOMERSYALISASYON

KONTRAKTWALISASYON
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

Paglalakbay ng puso natin bilang mga


Pilipino kung anong desisyon ang
gagawin natin sa ating buhay sa
panahong naglalakbay na tayo sa
kolonyal na Sistema. Tayo ba ay
magpapadala na lamang o tayo ay
sasakay pabalik sa nais ng ating mga
puso para sa progreso ng ating bayan.
IKAWALONG LINGGO

PAGSUSURI SA
NILALAMAN NG TULA NI
JOSE CORAZON DE
JESUS NA
“ANG TREN”

(Ikalawang Bahagi)
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

III. MENSAHE NG TULA


2. Ang paglalakbay ng ating isip at puso bilang Pilipino tungo sa direksyong umiibig
at nangangarap para sa bansa
Walang pagod ang makina,
may baras na nasa r’weda,
sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.

“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.

Paglalakbay ng puso natin bilang mga Pilipino kung


mananatili na lamang ba tayong manhid na tila makina o
babalik tayo sa ating bayan para patuloy itong mahalin at
makiisa sa paglalakbay na may pag-asa, paggawa at
pagtulong para sa ating bayan
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

2. Ang paglalakbay ng ating isip at puso bilang Pilipino tungo sa


direksyong umiibig at nangangarap para sa bansa

Sa kalagayan ng paglalakbay ng ating puso


bilang makatao at may pagmamahal sa
bayan—natututo tayong gampanan ang
ating bahagi o tungkulin bilang Pilipino. Hindi
man madali o maganda dahil sa mga iba’t
ibang hamon sa ating bansa, nawa’y
patuloy tayong maging bahagi ng mga
reporma para sa ating paglalakbay sa
bansang ito bilang mga Pilipino.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
2. Ang paglalakbay ng ating isip at puso bilang Pilipino tungo sa
direksyong umiibig at nangangarap para sa bansa

✓Magkaroon ng malinaw na paglalakbay o


direksyon para sa mga pampublikong mga
serbisyo — transportasyon at
telekomunikasyon, kuryente at tubig, ospital
at mga paaralan
✓Magkaroon ng empleyong mapapasukan
sa bansa at nang ang tauntao’y
lumalaking hanay ng lakas-paggawa ay di
na masagot sa pamamagitan ng di-
umano’y “pansamantalang” pagluluwas
ng mga manggagawa
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
2. Ang paglalakbay ng ating isip at puso bilang Pilipino tungo sa
direksyong umiibig at nangangarap para sa bansa

✓ Kailangan makabayan at siyentipiko ang


oryentasyon ng edukasyon sa mga Pilipino para
makapag-ambag ito sa pambansang
industriyalisasyon—mga mamamayan upang
maging mapanlikha, kritikal at para sa bayan.
✓ mayroong mga hakbangin na dapat
kasangkutan ng mamamayan tulad ng pag-
iingat sa karapatan ng mga manggagawa,
pagpigil sa tuluyang pagkawasak ng
kapaligiran, at pagsiguro na ang
mamamayang Pilipino ang makikinabang sa
mga industriyang nalikha na.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

2. Ang paglalakbay ng ating isip at puso bilang Pilipino tungo sa


direksyong umiibig at nangangarap para sa bansa

✓Magpatupad muna ang tunay


na reporma sa lupa
✓Sa kalagayan ng
transportasyon, Kailangang
ayusin na tulad ng Mala-Japan
at Singapore na mga tren at
bus
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

III. MENSAHE NG TULA


3. Ang kahalagahan ng direksyong nagmamahal sa wika na
tulad ng isang tren
“Kailan ka magbabalik?”
“Hanggang sa hapon ng Martes.”
At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
sa bentanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.

Ang linya ay pagtatanong din sa puso natin kung kailan


tayo magbabalik sa pagmamahal sa wika natin. Ang
wika’y parang isang tren na kung walang mga
pasehero ay walang mga mensaheng maihahatid sa
patutunguhan. Ang mga pasahero ay ang mga letra at
salitang mekanikal na mga kasangkapan lamang na
kailangang kumakatawan sa kanyang mga pananaw,
kaugalian, asal, balyus, at sa lipunang iniiralan nito
upang magkaroon ng kahulugan.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”
3. Ang kahalagahan ng direksyong nagmamahal sa
wika na tulad ng isang tren
✓ Ating baligtarin ang agos—isakay natin sa pagtuturo ng
Ingles at ng ating wika ang kultura natin nang maintindihan
naman tayo ng ibang lahi. Kailangang patuloy pa ang
ating paglalakbay na mapalalim ang balon ng talino ng
ating kabataan sa pagtuklas ng bagong kaalaman upang
hindi na lamang tayo nagiging mga simpleng tagasilbi ng
mga mauunlad na industriyalisadong bansa.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE JESUS NA
“ANG TREN”

V. Teorya/Dulog sa Panunuring Pampanitikan


TEORYA PALIWANAG
IMAHISMO naiiwan ang imahe ng ahas, bakal, bintana
na nagpapakita sa ilang deskripsyon na
sumisimbolo sa mensahe ng paglalakbay sa
buhay ng tao.
ROMANTISISMO naiiwan damdaming nakapaloob sa tulang
may lilisan at may naghihintay na walang
kasiguraduhan. Ang tula ay may pag-atake
sa ating marubdob na damdamin o puso
kaugnay sa ating mga desisyon o tungkulin
sa buhay at saan man tayo dalhin nito.
B. PAGSUSURI SA AKDA NI JOSE CORAZON DE
JESUS NA “ANG TREN”

Samakatuwid, ito’y isang akdang pampanitikan na


nagpapakita ng mga paglalakbay natin bilang mga
Pilipino sa panahong tinatangay na ng mananakop
ang ating isip at puso patungo sa ibang direksyon ng
pagpapasya o pangarap o tungkulin. Kaya naman
ito’y isang hamon sa atin bilang Pilipino na sa
matinding pagpataw ng amerikanisasyon, paano pa
rin kaya tayo mag-iisip o iibig sa isang direksyon—ang
nasyonalistikong demokrasya.

You might also like