You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG ARAW

PETSA: HULYO 15-22 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ Mangrove/Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Mangosteen/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ Mangosteen / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Tangili/ Mangrove

MODYUL 3: LIPUNANG PANGEKONOMIYA

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa lipunang ekonomiya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakatataya ang mag-aaral ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop).

I. LAYUNIN
KP1: Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.

II. NILALAMAN
Paksa: LIPUNANG PANGEKONOMIYA
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

B. PAGBABALIK ARAL
“WALANG SINUMAN ANG NABUBUHAY PARA SA SARILI LAMANG” Ano ang pakahulugan ng wikang
ito para sayo?

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA


Gawain: Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan na ugnay sa ating aralin

 Ipaliwanag ang ibig pakasakahulugan ng nasa larawan


 Bakit nangangailangan ng pagkakapanta-pantay?
 Pantay pero hindi patas?
 Hindi Pantay Pero Patas
 Sino si Max Scheler sa pagtakbo n gating aralin?

D. PAGSUSURI
Ano ang magagawa ng isang kabataan sa pagkamit ng mabuting ekonomiya?

IV. TAKDANG ARALIN


Magdala ng Stick na may habang 2 pulagada para sa susunod na paksa.
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG ARAW

PETSA: HULYO 15-22 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ Mangrove/Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Mangosteen/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ Mangosteen / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Tangili/ Mangrove

MODYUL 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin
nito (kabutihang panlahat).
PAMANTAYAN SA PAGGANAP - Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, kultural at kapayapaan
I. LAYUNIN
KP3: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong sobrang
mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.

II. NILALAMAN
Paksa: LIPUNANG PANGEKONOMIYA
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9 pp 1 – 23
Kagamitan - Visual Aids, Larawan, Paper Bag

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

A. PAGPAPATULOY NG PAGPAPALALIM

PAGKAKAPANTAY-PANTAY
Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may nagsasabing
pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa
kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang
hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa
ibaba. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa
kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

MAX SCHELER
Para kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino.
DISCLAIMER! Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.

STO. TOMAS DE AQUINO NA PRINSIPYO NG PROPORTIO,


ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-
pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila.

PERO HINDI PATAS


Maganda ang hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na taglay ng bawat isa.
Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na gumawa ng matinong pagpapasya para sa kaniyang sarili at para sa
iba. Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa
anomang yaman na ibabahagi sa mga tao, sa mas malakihang pagtingin.
HINDI PANTAY PERO PATAS
Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. Patas.
Nakatutuwang malaman na ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na
“oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay.
Mayroong sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin
(kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao
sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.

ANG LIPUNANG PANG-EKONOMIYA


Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng
estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha sila ng
mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang mabigyan ang mga
mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng
estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng
bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot, ang
bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng
bansa. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit
pang mga pagkakataon para sa mga tao—pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding
tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa
loob ng Lipunang Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa—isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

You might also like