You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG ARAW

PETSA: Pebrero 12-15 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ /Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Talisay

MODYUL 14: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan
ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakabubo ang mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay.
I. LAYUNIN
KP 14. 1: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
KP 14 2: Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

II. NILALAMAN
Paksa: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

B. PAGBABALIK ARAL
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA
Pagsulat ng mga positibong katangian at pagpili mula sa isinulat ng isang pinakagustong katangian.
 Pamilya
 Paaralan
Pagsulat ng isang linya na awiting napili na sa tingin moa ng nagbigay sayo ng matinding pagpapahalaga sa
buhay. Ilagay ito sa isang makulay na papel

IV. TAKDANG ARALIN


Pagsukat sa mithiin sa buhay kung ito ay pangmadalian o pangmatagalan.
Pagguhit sa television screen ng nais mong mapanood sa iyong sarili.

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


IKALAWANG ARAW

PETSA: Pebrero 12-15 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ /Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Talisay

MODYUL 14: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan
ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakabubo ang mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay.
I. LAYUNIN
KP3: Napatutunayan na sa pamamagitan ng pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay,
nagkakaroon ng malinaw na direksyon ang kurso o karera.

II. NILALAMAN
Paksa: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Sanggunian- Eduksayon s a Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan,

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

IV. PAGPAPALALIM
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assesment sa iyong
kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat
mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya.
1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng pagtatala
ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan
ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga
pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo
sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga impormasyon
na naitala, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na
misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na
iyong tatahakin.
Ang pagsulat ng personal na misyon sa buhay ay hindi madalian
o nabubuo lamang sa ilang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan,
paglaanan ng sapat na oras/panahon at bigyan mo ng buong sarili sa iyong
ginagawa. Sa oras na ito ay mabuo mo, ito ang magiging saligan ng iyong
buhay. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong
gagawin o iisipin ay nakabatay na dito.
Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa kung ano ang nais mo na mangyari sa mga taglay mong
katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ito. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting personal na
misyon sa buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay.
Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa
konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa
pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin,
tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong
hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong buhay.
Sa pagbuo mo ng personal na misyon sa buhay dapat na masasagot nito ang mga katanungang:
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

You might also like