You are on page 1of 15

PERSONAL NA

PAHAYAG NG
MISYON SA BUHAY

ALPINE SKI HOUSE


MGA INAASAHAN:

NAAAYON ANG MGA GINAGAWANG PERSONAL


NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY NA MAY
PAGSASAALANG-ALANG SA TAMA.

PAGKATAPOS MONG PAG-ARALAN ANG MODYUL


NA ITO IKAW AY INAASAHAN NA:
ALPINE SKI HOUSE
A.LARGE
Naipapaliwanag
IMAGE SLIDEang kahalagahan ng pagkakaroon
ng misyon sa buhay ng tao;

B. Napahahalagahan ang misyon sa buhay sa


pamamagitan ng pagtukoy ng mga paraan ng pagkamit
nito; at

C. Naipahahayag ang mga pinahahalagahan at


inspirasyon sa buhay na makakatulong sa pagkamit ng
minimithi sa buhay.
ALPINE SKI HOUSE
PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO:
BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA
PAGSUBOK SA IBABA. PILIIN AT BILUGAN ANG LETRA
NG PINAKAANGKOP NA SAGOT SA BAWAT PATLANG
SA PANGUNGUSAP.
ALPINE SKI HOUSE
1. Ang __________ ang lilikha ng iyong patutunguhan sa buhay.
A. kaibigan B. magulang C. kapatid D. sarili
2. Ang mabuting ___________ sa buhay ang siyang magiging bunga ng
kahahantungan ng tao.
A. paghahalintulad B. pagsisilbi C. pagpapasya D. pangarap
3. Ang kabuuan ng hangarin ng tao sa buhay ay tinatawag na ___________.
A. hilig B. misyon C. kilos D. pamilya
4. Kailangan ng matalinong pagbuo ng ___________ sa pag-abot ng misyon sa
buhay.
A. pag-iisp B. paniniwala C. pangarap D. plano
5. Ang bawat tao ay tinawag ng ___________ upang gampanan ang misyon na
ipinagkaloob sa atin..
A. Diyos B. kapwa C. guro D. magulang

ALPINE SKI HOUSE


ARALIN
PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA
BUHAY

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa


buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan. Ang bawat tao ay tinawag ng
Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob sa kaniya. Ibig sabihin, tayo ay
lilikha ng ating patutunguhan. Anuman ang
iyong hahantungan ay bunga ng iyong mga
nagiging pagpapasya sa iyong buhay.

ALPINE SKI HOUSE 6


SA PAGLIKHA NG PERSONAL NA PAHAYAG
NG MISYON SA BUHAY, MAKAKATULONG NA
MAGKAROON NG PANSARILING PAGTATAYA
O PERSONAL ASSESSMENT SA IYONG
KASALUKUYANG BUHAY.

1. Suriin ang iyong ugali at katangian.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.

3. Tipunin ang mga impormasyon.

ALPINE SKI HOUSE 7


Isipin mo ang nais mong gawin sa kasalukuyan at nais
mong mangyari sa iyong buhay sa hinaharap. Mahalaga
ito upang magkaroon ng direksiyon ang pang araw-
araw na plano sa buhay.
Halimbawa, ikaw ay isang manlalaro sa basketball, ang
tuon mo ay manalo sa inyong laban. Ang iyong gagawin
ay ang paghahanda sa sarili at nararapat na gawain ng
isang manlalaro, tulad ng workouts, trainings at iba pa.
Isa sa mahalagang batayan ay ang mga taong
nagbibigay inspirasyon at gumagabay sa araw-araw.
ALPINE SKI HOUSE
MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto: Magbigay ng mga pangyayari sa iyong buhay na


kung saan nabuo sa iyong isipan ang mga nais makamit
para sa sarili at sa mga mahahalagang tao sa iyong buhay.
Tukuyin ang dahilan at ang nais mo para sa iyong sarili sa
darating na panahon.
Hal. Noong magkasakit ang aking lola, pinangarap kong
maging isang doctor upang sa darating na araw, ako ay
makakatulong sa mga maysakit. ALPINE SKI HOUSE
PANSARILING KARANASAN

PANGARAP SA BUHAY

MISYON NA NAIS GAMPANAN

ALPINE SKI HOUSE


GAWAIN 2
Pagtukoy sa mga taong kaagapay sa pagtupad ng misyon sa buhay

Panuto: Tukuyin ang mga taong gusto mong makasama sa pagtupad ng iyong misyon at
bakit sila ang dahilan ng iyong misyon sa buhay.

Pamilya

Kaibigan
Pangalan Guro

Kaklase

ALPINE SKI HOUSE


PAGLALAHAT
Ang pagkakaroon ng misyon sa buhay ay hindi lamang para sa
sarili kundi sa mga taong patuloy na naniniwala sa ating
kakayahan. Sila din ang mga nagsisilbing inspirasyon sa
pagkamit natin nito. Malaking bahagi ng plano ng ating buhay
ay ang mahahalagang tao na hindi tayo iiwanan tulad ng ating
pamilya, mga tunay na kaibigan, kamag-aral, guro at marami
pang iba.

ALPINE SKI HOUSE


PANUTO:
Isulat sa patlang ang salitang OK kung sumasang-ayon at DI-OK kung hindi
sumasang-ayon.

_____1. Kapag tumulong, dapat humingi ng kapalit.


_____2. Gawing inspirasyon ang mga taong may
mabubuting kalooban.
_____3. Hindi dapat umasa sa mga kaibigan.
_____4. Ang misyon sa buhay ay dapat na pansarili lamang.
_____5. Mas nararapat ang paghahanda sa pagkamit ng
misyon sa buhay.
ALPINE SKI HOUSE
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto:
Batay sa konsepto ng aralin ay isulat ang salitang TAMA kung ikaw ay
sumasang-ayon at MALI naman kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat
pangungusap.
_____1. Ang personal na pahayag ng misyon ay pwedeng mabago o mapalitan.
_____2. Mahalaga na may taong gumagabay sa pagkamit ng misyon sa buhay.
_____3. Maaaring ibatay sa pananaw ng iba ang iyong personal na pahayag.
_____4. Ang taong may paghahanda ay may matatanggap na pagpapala.
_____5. Sa iyong paghahanda pa lamang, maaari ka nang makaranas ng
pagsubok.
_____6. Mas maagap na maisasagawa ang iyong misyon kung mamadaliin ang
iyong paghahanda.
_____7. Ang tao ay tinawag ng Diyos upang gampanan ang kanyang misyon.
_____8. May mga taong nagbibigay ng inspirasyon sa ating buhay, subalit hindi sila
dahilan ng pagtatakda ng ating misyon sa buhay.
_____9. Kung hindi maraming kahaharaping pagsubok, huwag ng ipagpatuloy ang
pag-abot sa iyong pangarap sa buhay.
____10. Nauunawaan mo ang landas na iyong tatahakin kung alam mo ang nais
mong marating sa buhay. ALPINE SKI HOUSE
MARAMING
SALAMAT

ALPINE SKI HOUSE

You might also like