You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG ARAW

PETSA: December 5 - 9 (LUNES-BYERNES)


7:00 – 8:00 – MARIGOLD / POINSETTIA
8:00 – 9:00 – MARIGOLD / WALING-WALING
9:20 – 10: 20 – ROSE / TULIP
10:20 – 11:20 – JADE VINE / SANTAN / SUNFLOWER
11:20 – 12:20 – SANTAN / TULIP / SUNFLOWER / JADE VINE / ROSE

MODYUL 11:
PANGANGALAGA SA KALIKASAN
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa
kalikasan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP- Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pangangalaga sa kalikasan.
I. LAYUNIN
KP1: Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan
KP2: Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan

II. NILALAMAN
Paksa: PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 10
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban
4. Pagpapasagot sa paunang-pagtataya

B. PAGBABALIK ARAL

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA


* Pag-gawa ng isang skit kung papaanu mo mapapangalagaan ang iyong kalikasan.
* Pagpapagawa ng isang SLOGAN o ESSAY sa kung anu ang maitutulong mo upang mapanatiling maayus ang
ating inang kalikasan.
*Follow up discussion tungkol sa MODYUL 10 PAGMAMAHAL SA BAYAN
*Follow up sa kanilang proyetong ginagawa.

D. PAGSUSURI
TREE PLANTING AT ECO-WALK
Ang gawaing ito ay naglalayong matutuhan ng mga kabataan ang kahalagahan ng mga puno at kung paano magtanim at alagaan
ito para sa kinabukasan.
1. Magtalaga ng tatlong mag-aaral sa klase na siyang makikipag-ugnayan sa barangay para sa gawaing ito. Ipa-schedule ito sa
kanila.
2. Bigyan sila ng instruksiyon na maghanda ng sulat para sa namumuno ng barangay. Gayundin naman, makipag-ugnayan sa
DENR o kaya sa iba pang grupo na namimigay ng mga punla ng punongkahoy na gagamitin sa Tree Planting.
3. Ihanda ang mga mag-aaral sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dapat at hindi dapat gawin habang
isinasagawa ang mga ito.
4. Magbigay ng paalala na ang lahat ay kinakailangang sumali at makiugnay sa gawaing ito bilang pagpapakita ng pagmamahal sa
kalikasan.
5. ALTERNATIBO: PAGDADALA NG TANIM NA PWEDENG IBAHAGI SA TLE DEPT. UPANG MADAGDAGAAN
ANG PUNONG KAHOY SA PAARALAN.

IV. TAKDANG ARALIN


BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKALAWANG ARAW
PETSA: December 5 - 9 (LUNES-BYERNES)
7:00 – 8:00 – MARIGOLD / POINSETTIA
8:00 – 9:00 – MARIGOLD / WALING-WALING
9:20 – 10: 20 – ROSE / TULIP
10:20 – 11:20 – JADE VINE / SANTAN / SUNFLOWER
11:20 – 12:20 – SANTAN / TULIP / SUNFLOWER / JADE VINE / ROSE

MODYUL 11:
PANGANGALAGA SA KALIKASAN
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa
kalikasan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP- Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pangangalaga sa kalikasan.

I. NILALAMAN
Paksa: PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

II. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

III. LAYUNIN
KP 3: Napangangatwiranan na: a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo
sa iisang kalikasan (Mother Nature) b. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at
hindi maging (tagapagdomina) para sa susunod na henerasyon. c. Binubuhay tayo ng kalikasan.
KP4: Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

A. PAGPAPATULOY NG PAGPAPALALIM
RESOLUSYON
a. Una, ang kilos na isasagawa ay nararapat na likas na mabuti. Madali itong patunayan dahil ang isang kilos na masama ay
mananatiling masama kahit pa mabuti ang layunin nito. Sa isyu ng kaunlaran laban sa pagsira ng kalikasan, mabuti na ang tao ay
maghangad ng kaunlaran at pagkakaroon ng hanapbuhay. Ito ay naglalayong magkaroon ang mga mamamayan ng marangal na
buhay gayundin ng pamumuhay na may dignidad. Ngunit kinakailangan pa ring matugunan ang tatlo pang natitirang kondisyon
upang masabing ang nilalayon o gustong maganap ay tama at mabuti.

b. Ikalawa, ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon para sa sarili ngunit pinapayagan lamang mangyari dahil bunga
lamang ito ng naunang kilos na may layuning mabuti. Sa isyung nabanggit, hindi masamang maghangad ng kaunlaran. Ito ay
makabubuti lalo pa kung ito naman talaga ang nilalayon ng pagpapatayo ng mga establisimyentong komersiyal. Ang pagpuputol
ng mga puno ay maaaring maging mabuti kung ang naglalayong magpatayo ng mga establisimyento ay hindi lamang ang sarili
ang iniisip sa pagsagawa nito.

c. Ikatlo, ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masasamang gawain. Sa isyung ibinigay sa mga mag-
aaral, ang pagpuputol ng mga punongkahoy ay maituturing na masamang kilos lalo pa kung ang lugar ay itinuturing na isang
forest reserve. Maaaring payagang magtayo ng mga establisimyentong komersiyal kung iingatan ang mga puno lalo na iyong
malalaki at matatagal nang nabubuhay sa lugar na nabanggit. Sa pagtayo ng nasabing proyekto, maaari ding isaalang-alang ng
mga tagapagtayo ang kahalagahan ng lugar na nabanggit sa pamamagitan ng rehabilitasyon dito kung sakaling ito ay
maaapektuhan. Ang rehabilitasyon ay maaaring gawin sa muling pagtatanim ng mga puno bilang kapalit ng mga nauna nang
pinutol.

You might also like