You are on page 1of 6

Mindanao State University

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pangkatauhan


Kagawaran ng Filipino at Iba Pang Wika
Lungsod Marawi

Proyekto sa Filipino 102 Ww2


Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan

ULAT PANGKALIKASAN NG MUNISIPYO/ BARANGAY


DATU ESMAEL, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE

May 23, 2022

I.Saliksikin ang inyong komunidad/lugar na tinitirahan at gawan ng ulat na


sumasaklaw
sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsagot sa TALATANUNGANG ito.

1. Pangalan ng Komunidad/Lugar: Brgy. Datu Esmael


2. Lokasyon: Datu Esmael, 4114 Dasmariñas, Cavite. Ang Datu Esmael ay matatagpuan sa
humigit kumulang 14.3338, 120.9587, sa isla ng Luzon. Ang taas ng mga coordinate na ito ay
tinatantya sa 95.6 metro o 313.6 talampakan sa itaas ng average na antas ng dagat.
3. Paglalarawan ng Lugar
Gaya ng ibang komunidad, ang mga naninirahan sa Datu Esmael ay mayroong ring iba’t
ibang Relihiyon gaya ng kristianismo, Iglesia ni Cristo, Muslim at iba pa. Subalit ang
nangungunang Relihiyon sa nasabing Komunidad ay Muslim / Meranaw. Ayon sa
senso 2020 ito ay may 145,166 na kabahayan , Ang populasyon ng Barangay Datu
Esmael ay tinatayang nasa bilang 7,969, ayon sa senso 2020, nirerepresenta nito ang
1.13% na kabuuang populasyon ng Dasmariñas City. Ang Sultan Esmael Elementary School
ay ang tanging paaralan sa rehiyon IV - A na may populasyong Muslim / Meranaw . Itinatag noong
2001, ang paaralan ay tahanan ng mga bata ng karamihan sa mga mangangalakal ng Meranaw
na inilipat sa noon ay munisipyo ng Dasmariñas nang mawalan sila ng mga tahanan sa isang sunog
na tumupok sa kanilang komunidad sa Quiapo noong 1983.

4. May nagaganap bang pang-aabuso ng kalikasan sa inyong lugar? Kung ganoon


saan?
(Sa kagubatan, kalupaan, katubigan atbp, magpakita ng larawan bilang
dokumentasyon.

Basi sa aking pananaliksik sa aming barangay, ay walang nagaganap na pang-aabuso


sa kalikasan sa aming lugar. Sa makatuwid ay payapa at malinis ang aming lugar. Ang
mga residente sa aming barangay ay nag-kakaisa sa pangangalaga ng kapaligiran gaya
ng pag-tatapon ng basura sa tamang tapunan kung kaya naman ay hindi nangangamoy
basura at napakaaliwalas ng paligid , pag-tatanim ng mga halaman na syang nag
bibigay ng ganda at sariwang hangin sa aming lugar, wastong paggamit ng tubig at
kuryente, at pag-iwas sa labis na pag-susunog ng mga plastik dahil dito ay hindi gaano
kainit ang panahon sa aming lugar. Tuwing umaga ay nalilinis ang bawat isa sa
kanikanilang bakuran.
Pagdating sa tamang pag-tatapon ng basura ay mga patakarang dapat sundin ng mga
residente ng barangay Datu Esmael. Una ay kailangang i-segregate ang mga basurang
nabubulok ( Halimbawa nito ay mga pagkain, basurang papel at biodegradable na
basura) , di nabubulok ( Halimbawa nito ay lata, plastic, diapers at iba pa), at recyclable
( Halimbawa nito ay karton, tela, metal, baterya at iba pa). Pangalawa ay
kinakailangang maitapon ito sa tamang oras at panahon (Sabado-6:00am). Kung hindi
ito masusunod ng indibidwal ay hindi ito tatanggapin ng kolektor ng basura.
Dokumentasyon / Mga Larawan
II. (Ilagay sa huling pahina ng Ulat Pangkalikasan...

1.Bilang mag-aaral sa Fil.102, paano ka makatutulong sa iyong komunidad upang mabigyang


solusyon ang umiiral na pang-aabusong ito? Pangatwiranan.
Bilang isang mag-aaral sa kursong Fil.102, ako ay makatutulong sa aking komunidad na
mabigyang solusyon ang umiiral na pang-aabuso sa kalikasan sa dalawang paraan , Una ay sa
pamamagitan ng pag-aapply ng aking mga natutunan sa kursong ito sa kapaligiran halimbawa ay
ang pag tapon ng mga basura sa tamang tapunan at pag-sabihan ang mga taong huwag basta
basta magtapon ng basura kung saan-saan, limitahan ang paggamit ng gasolina at kuryente,
magtanim ng mga puno at halaman, at iba pa. Pangalawa ay ang pagsasagawa ng masinsinang
pananaliksik (paggamit ng lente ng ekokritisismo) sa pangaabuso sa kalikasan upang malaman at
mabigyan ng kasagutan kung ano nga ba ang ugat o pinakadahilan kung bakit naaabuso ng mga
tao ang kalikasan ng sa gayon ay maibahagi ito sa kataas-taasan at ng karamihan upang maibahagi
at nakatulong sa kanila ang mga kaalaman at makapagbigay babala. Sa ganoong paraan ay unti-
unting masusulosyunan ang mga pang-aabuso sa kalikasan.

2. Paano nakatulong sa iyo ang kursong ito upang maging mulat ka sa pagpapahalaga sa
kalikasan?
Sa pamamagitan ng kursong ito ay namulat ako sa katotohanan, na bilang isang tao ay dapat
nating pangalagaan ang kalikasan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng buhay at ito ang ating
tirahan. Kung wala ang kalikasan ay marahil wala narin tayong mga tao ngayon. Sa kursong ito ay
aking napag-alaman na ang ating ekonomiya ay nakadepende sa ating kalikasan, kung
mapapangalagaan ng mabuti ang ating kalikasan ay magiging malawak din ang ating ekonomiya
samantalang kung ito ay masisira magiging dahilan ito upang hindi umunlad ang ating ekonomiya
dahil ang lahat ng ating kailangan ay nagmumula sa kalikasan kung kaya’t dapat natin itong
pangalagaan.

3. Ano ang kaugnayan (relevance) ng bahagi ng awiting ito na Hangin ng Asin,


sa ating kursong Fil 102? Ipaliwanag.
O, hangin (O, hangin)
Pinalaya mo ang aking damdamin
O, hangin (O, hangin)
Linutas mo ang aking mga suliranin.
Ang kaugnayan ng bahagi ng awiting ito sa kursong Fil 102 ay isa itong ekokritisismong
kasulatan o isang poetic na kasulatan na nagbibigay solusyon sa problemang
nakakaapekto sa ekolohiya. Masasabing ang sipi ng awiting ito ay makapagbibigay
solusyon dahil ito ay isang kasulatan na may mensaheng dala patungkol sa
kahalagahang hangin, isa itong literatura na may kaugnayan sa pisikal na kapaligiran
at kung susuriin nating mabuti kung ano ang ugnayan nito sa Fil 102 , marahil ito ay sa
kadahilanang sa kursong ito ay binibigyang linaw ang EKOKRITISISMO.

You might also like