You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO

Edukasyon sa Pagpapakatao ESP


KWARTER 4 Linggo 2-Leksyon 2
4

Pangalan: Petsa:

PANIMULANG KONSEPTO

Bilang isang mag-aaral malaki ang bagay na maiaambag mo sa pangangalaga sa mga


halaman sa ating kapaligiran gaya ng paglahok sa ibat-ibang proyekto ng ating barangay
upang maging luntian ang ating kapaligiran, pagtatanim sa mga bakanteng lote o lugar,
pagtitipon at pamamahagi ng mga buto at binhi sa ating mga kaibigan o kabarangay,
pagtulong sa pagkakalat ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng mga halaman at
punongkahoy at iba pa. Sa mga simpleng hakbang na ito magkakaroon ng solusyon ang ating
suliranin sa ating kapatagan lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay ang pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy
upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na puno’t halaman. Naipapakita ang
pagmamahal sa Poong Maykapal kung pinahahalagahan at inaalagaan ang mga halaman.
Huwag nating balewalain ang pagkakataong gawing luntian ang ating kapaligiran.
Makatitiyak tayo na tagumpay ang ating makakamtan para sa gawaing ito.

KASANAYANG PAGKATUTO MULA SA MELC

13.3 Halaman: pangangalaga sa mga halaman gaya ng:


13.3.1 Pag-aayos ng mga buwal na halaman
13.3.2 Paglalagay ng mga lupa sa paso
13.3.3 Pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid (EsP4D-IVe-g—12)

1
MGA GAWAIN

GAWAIN 1

Direksyon: Iguhit ang punongkahoy kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pangangalaga sa ating mga halaman sa
kapaligiran at ekis (X) kung hindi. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Paglahok sa proyektong “Plant a Tree a Day” sa komunidad.

2. Pagtanim ng mga gulay sa likod bahay.

3. Paglalagay ng kawayang bakod sa mga bagong tanim na puno at

halaman.

4. Pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman.

5. Pagsasawalang-bahala sa mga hayop na kumakain ng bagong tanim na

halaman.

6. Nakikilahok ako sa programang “Clean and Green”.

7. Pinipitas ko ang anomang bulaklak na aking nakikita.

8. Tumutulong ako sa pagtatanim ng halaman sa aming paaralan at komunidad.

9. Binubuwal ko ang mga halaman sa aming bakuran.

10. Hinihikayat ko ang aking mga kaibigan na aktibong

makilahok sa programa ng pagsasaluntian sa aming


komunidad.

2
GAWAIN 2

Direksyon: Punan ang graphic organizer ng mga paraan upang maipakita ang pagtulong at
pagpapahalaga sa pagpapanatili ng luntiang kapaligiran.

Paraan upang maipakita ang pagtulong


at pagpapahalaga sa
luntiang kalikasan

PAGPAPALALIM

 Ang mga puno at halaman sa ating kapaligiran ay biyaya ng Maykapal na dapat nating
pangalagaan.
 Bilang isang mag-aaral dapat maging masigasig tayo sa paglahok sa iba’t-ibang
proyekto ng pamahalaan upang maging luntian ang ating kapaligiran.

3
SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Kagamitan ng Mag- aaral, Unang


Edisyon, 2015, pahina 308-318

GAWAIN 1
SUSI SA PAGWAWASTO
GAWAIN2

1. 6. Iba-iba ang
kasagutan ng mag-aaral
2. 7. depende sa kanilang paraan
upang maipakita ang
3. 8. pagtulong at pagpapahalaga
4. 9. sa pagpapanatili ng luntiang
5. 10. kapaligiran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet (LAS)

Manunulat : GINA V. CASTOR


Content Editor: MARY ANN M. GUAVES Language
Editor: MARY ANN M. GUAVES Design and Layout:
MA. LIZA D. PAGLINAWAN
Tagasuri : GERUMI S. SEÑAR,EPS-EsP SDO Camarines Sur
: MARIA ALICIA L. BALCE

You might also like