You are on page 1of 2

Casa Del Niño Schools System, Inc.

Region 02
CASA DEL NIÑO MONTESSORI SCHOOL OF ILAGAN
Guinatan, City of Ilagan, Isabela
S.Y 2020-2021

EPP4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Module 1

Paksa:Pakinabangan sa Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental.


Nilalaman: Sa araling ito matutunan ng mga mag- aaral ang kahalagahang dulot ng
paghahalamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayang pampamilya .Maaasahan mong
malaki ang maibabahagi ng gawaing ito hindi lamang sa sarili, pamilya bagkus sa bayan.
Layunin:
a. Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental
bilang isang pagkakakitaang Gawain.
b. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at sa
pamayanan.
Saklaw ng Aralin: Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isang pamilyar na libangan sa
maraming mga Pilipino.Subalit sa maraming mga lugar sa bansa, ito ay isa na ring maunlad na
hanapbuhay. Ang pagpaparami at pagbibili ng mga halamang ornamental ay karaniwan na rin sa
maraming mga lugar sa bansa tulad ng Bulacan at Laguna.

Talakayan ng Paksa:
Mga Kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang Ornamental
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at baha – Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental
sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa.
2. Naiiwasan ang polusyon - Nililinis ang hangin ng mga halaman at punong ornamental
kung kayat nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan.
3. Nagbibigay lilim sa sariwang hangin – Sinasala ng mga halaman at punong ornamental
ang maruruming hangin at napapalitan ng malinis na oksihena na siya nating nilalanghap.
4. Napagkakakitaan - Maaaring ibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim.
Maaari ding magtanim sa paso, itim na plastik o sa lata para maibenta
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran - Gumaganda ang kapaligiran kung maraming
halamang ornamental ang nakatanim lalo na ang mga ito ay namumulaklak at
humahalimuyak.

Tandaan:
Ang mga halaman ay bahagi n gating kalikasan kaloob ng may kapal. Dapat natin itong
alagaan, pahalagahan at pagyamanin.Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang
kawili-wili at nakalilibang na Gawain. Maraming kapakinabangan ang makukuha rito na
makakatulong sa pamilya at pamayanan

Gawain 1
A. Sagutin kung Tama o Mali ang sumusunod na tanong.
________ 1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakakatulong sa pagbibigay ng
malinis na hangin.
________ 2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at ibang
tao sa pamayanan.
________ 3. Maaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
________ 4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental.
________ 5. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong upang maiwasan ang pagguho ng
lupa

B. Gumawa ng album sa kapakinabangan na makukuha ng pamilya at pamayanan sa pagtatanim


ng halamang ornamental.

You might also like