You are on page 1of 5

Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level V

Quarter 3 Week No. 4


Date Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE Pagiging Responsableng Tagapangalaga ng Kapaligiran


II. MOST ESSENTIAL LEARNING 1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging
COMPETENCIES (MELCs) responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
a. pagiging mapanagutan
b. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa
mga programang pangkapaligiran
EsP5PPP – IIId – 27
2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang
pangangailangan
a. pagiging vigilant o mapanuri sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa kapaligiran
EsP5PPP – IIIe– 28
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita
ng mga natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para
sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga
ng kapaligiran.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
A. Introduction/ 30 minuto Bawat tao ay may tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa
Panimula kaniyang mga balikat na kailangan niyang gawin at isakatuparan. Isa sa
mga responsibilidad na ito ay ang responsibilidad na pangalagaan ang
ating kapaligiran. Maging mapanuring tagapangalaga ng mga likas na
yaman ng mundo. Kapag hindi tayo nagmalasakit sa kapaligiran natin,
tayo rin ang magdurusa sa bandang huli. Sa atin din mapupunta ang
maraming basura, maruming hangin, maruming tubig, at iba pa.
Sa araling ito ay iyong matututuhan ang mga paraan ng
pagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran, pagkakaroon ng malasakit sa kapaligiran
sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran at
pagiging vigilant o mapanuri sa mga ilegal na gawaing nakasisira dito.
Mahalagang maunawaan mo ito upang magamit mo ang kaalamang ito
sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Tungkol saan kaya ang kanilang
ipinapakita?

Tama! Ipinapakita nila ang mga responsibilidad na dapat mong


ginagampanan bilang bata at mamamayan.

Sa kabilang banda, anong pananagutan o responsibilidad na ba ang


ginagawa mo upang mapangalagaan ang kapaligiran? Paano mo ba
mapapangalagaan ang kapaligiran? Ano-ano ba ang mga dahilan kung
bakit patuloy na nasisira ang ating kalikisan?
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe

B. Development/ 60 miinuto
Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto 1: Ayusin ang Jumbled Letters upang mabuo ang
salitang tumutukoy sa mga gawaing ilegal na may masamang naidudulot
sa kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. TPGAGMI GN MIANTADI _______________________________
2. SOPAGTROTO ________________________________
3. ANIMIMGAP ________________________________
4. MUNGIMAR OSKU SA PABKIRA ________________________________
5. NGINKAIPAGKA

Ang pagiging vigilant o mapanuri sa mga pangyayaring illegal sa ating


kapaligiran ay isa rin sa mga responsibilidad natin bilang tagapangalaga
ng mundo. Ang pagiging sakim ng tao sa pag-angkin ng mga bagay na
sobra sa kanyang pangangailangan ang nagdudulot ng kasamaan at
pang-aabuso sa mga likas na yaman ng mundo.

Ilan sa mga responsibilidad o pananagutan natin sa kapaligiran ay ang


mga sumusunod:
1.Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
2.Pagpapanatiling malinis ng daluyan ng tubig.
3.Pagtatanim ng puno minsan sa isang taon.
4.Pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran sa pamayanan.
5.Pagpapanatiling malinis ng paligid.
6. Maging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Gawain sa Pagkatuto 2: Basahin at unawain ang maiksing diyalogo.


Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Ana: Paano mo pinangangalagaan ang ating kapaligiran, Denis?


Denis: Itinatapon ko ang aming mga basura sa tamang basurahan.
Inihihiwalay ko ang nabubulok sa di-nabubulok at
napapakanibangan pa. Ikaw?
Ana: Tumutulong ako kay nanay na maglinis ng aming paligid.
Inaalagaan ko ang mga tanim ni tatay. At katulad mo, hindi rin
ako nagtatapon ng basura kahit saan.

Tanong:
1.Anong pag-uugali ang ipinapakita ng dalawang bata?
2. Paano nila pinahahalagahan ang kapaligiran?
Maglulunsad ang barangay nina Pako ng isang programa tungkol sa
pagtatanim.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin sa Matuto sa Iba sa pahina 144-145


sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon – Ikalimang Baitang – Ikatlong
Markahan ang isang kuwento at alamin ang epekto sa pangingisda ng
paggamit ng dinamita sa pamamagitan ng pagkumpleto sa concept
map sa ibaba ng kuwento. Gawin ito sa sagutang papel.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe

Kawawang mga Nilalang sa Dagat

Palubog na ang araw. Tahimik ang lahat ng mga nilalang sa


Kaharian ni Haring Neptuno. Bigla, dumating si Pating, ang lider ng
puwersang militar ng mga nilalang sa dagat.
“Haring Neptuno, nakakita ako ng dalawang bangka na
maraming lulang mangingisda. May dala silang mga dinamita! Papunta
sila sa gawing ito,” pag-uulat ni Pating.
“Ano? Dali! Iipunin lahat ng nilalang sa dagat at dalhin sa ligtas na
lugar!” utos ni Haring Neptuno.
Tinipon ni Pating ang lahat at dinala sa kanilang taguan.
“Kawawang mga nilalang ng dagat! Mawawalan na sila ng
pagtataguan pagdating ng panahon kung magpapatuloy ang mga
mangingingisda sa paggamit ng dinamita. Baka mamatay tayong lahat,”
pagdadalamhati ni Pating.
Samantala sa di kalayuan, naliligo si Tulingan at ang kaniyang
anak. Wala silang malay sa nakaambang panganib. Nasalubong nila si
Talakitok.
“O, pinsang Tulingan, mukhang masaya kayong lumalangoy. ‘Yan
na ba si Tuling? Ang laki mo na!” pagbati ni Talakitok.“Oo, pinsang
Talakitok. Dadalhin ko ang anak kong si Tuling sa ilang magagandang
lugar kung saan maaari siyang lumangoy. O, sige, pinsang Talakitok.
Magkita na lang tayo uli,” tugon ni Tulingan.

“Sige, pinsang Tulingan. Mag-iingat ka,” paalala ni Talakitok.


“Salamat, pinsang Talakitok. Dali ka, Tuling. Pumunta tayo roon,”
sabi ni Tulingan.
Ilang saglit pa, may napansin si Tuling.
“Inang, tingnan mo po! May mga nalalaglag na mga bagay, ano
po ang mga iyon?” tanong ni Tuling.
“Huwag na huwag mong lalapitan ang mga iyon. Dali ka, Tuling.
Basta sumunod ka sa akin,” babala ni Tulingan.
Hindi kaagad sumunod ni Tuling sa kaniyang nanay. Hindi niya
mapigilang lapitan ang bumabagsak na mga bagay.
“Ano ito? Para saan kaya ang taling ito?” sabi ni Tuling sa sarili.
Napansin ni Tulingan na wala na sa likuran niya si Tuling.
“Nawawala si Tuling! Saan siya nagpunta? Dapat akong bumalik at
hanapin siya,” sabi ni Tulingan sa sarili.
Pabalik na si Tulingan nang magulat siya sa isang malakas na
pagsabog.
“Naku! Doon nagmula sa pinanggalingan namin ang
pagsabog.Baka doon naiwan si Tuling! Tuling! Anak ko!” paiyak na sabi ni
Tulingan.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe

C.Engagement/ 30minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang mga sumusunod na


Pakikipagpalihan pahayag. Gumuhit ng bituin () sa patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagiging vigilant o mapanuri sa mga illegal na gawain
sa kapaligiran at buwan ()naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.

____1. Ipagbibigay alam ko sa mga kinauukulan ang mga taong


lumalabag sa batas na pangkalikasan.
____2. Bibigyan ko ng halaga ang ikabubuti ng nakararami kaya
iiwasan kong sumali sa mga ilegal na gawain.
____3. Bilang isang mamamayan, responsibilidad kong pangalagaan
ang aking kapaligiran.
____4.Titingnan ko lamang ang mga nagtatapon ng basura sa ilog.
____5.Makikiisa ako sa programang pangkapaligiran sa aming
barangay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Kompletuhin ang graphic organizer. Buuin


ang mga pangungusap na nagsasaad ng pamamaraan ng pagpapakita
ng responsableng pangangalaga sa kapaligiran. Isulat ito sa sagutang
papel.

Ang Aking Responsibilidad Sa Kapaligiran

_____________ako sa
Ang mga basura ay programang
aking____________ pangkapaligiran ng aking
pamayanan.

Pananatilihin kong ___________


ang daluyan ng tubig.

Magiging_________ Tutulong ako sa ______________ng


_________ako sa mga kalinisan ng aking paligid,
pangyayari sa maging sa tubig, hangin o
aking paligid. sa lupa man.
IV. LEARNING Suggested
Learning Activities
PHASES Timeframe
30 Assimilation/ 20minuto Sa iyong sagutang papel, punan ng tamang salita mula sa kahon ang
Paglalapat bawat patlang upang mabuo ang isang mahalagang kaisipan.

vigilant pakikiisa pagmamalasakit responsableng

pagmamahal alert

Bilang isang bata, ako ay isang ______________________


tagapangalaga ng kapaligiran. Ipakita ang ___________________ sa
pamamagitan ng______________________ sa mga programang
pangkapaligiran. Ang pagiging _________________o mapanuri sa mga
nangyayari sa paligid ay isa rin sa mahalagang responsibilidad ko bilang
tagapagbantay ng mga likas na yaman ng mundo.

VI. REFLECTION 20minuto Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang pagiging isang
mapanagutang tagapangalaga ng kapaligiran?

Sumulat sa iyong Journal Notebook ng 3 hangang 4 na


pangungusap ng iyong plano tungkol sa iyong pagtulong sa
pangangalaga ng ating kapaligiran at ang pagiging vigilant sa mga ilegal
na gawaing nakasisira sa kapaligiran.

Prepared by: Gellian S. Tiangson Checked by: Elizabeth C. Mira


Teacher I ESP-Key Administrator
Milagrosa West Elementary School Carmona District
Municipality of Carmona Josephine P. Monzaga
SDO Cavite Province EPS-ESP
SDO Cavite Province
Edited & Beverly D. Sastrillo LeaPEsPG5-Wk4- For Release
Reviewed by: Teacher III - SDO Batangas Province 20210401-IV04
Carolyn I. Chavez
MT II - SDO Batangas Province
Ma. Leticia Jose C. Basilan- EPS-EsP Batangas Province
Philips T. Monterola - EsP Regional Coordinator
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 136-145.

You might also like