You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG ARAW

PETSA: AGOSTO 30 SETYEMBRE 2 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ Mangrove/Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Mangosteen/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ Mangosteen / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Tangili/ Mangrove

MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL


PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga batas na
nakabatay sa likas na batas moral o natural law.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakabubuo ang mag-aaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol
sa mga kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral.

I. LAYUNIN
KP1: Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa likas na batas moral
KP2: Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod nito sa batas na likas
moral

II. NILALAMAN
Paksa: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

B. PAGBABALIK ARAL
Pagrereview ng unang pagsusulit.

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA


Gawain: TEAM PUZZLE, Pag-gawa ng isang malaking puzzle ng grupo upang makabuo ng sampung
mahahalagang utos o bilin ng mga magulang. Paghambingin ang lahat ng utos na magagawa ng lahat ng grupo at isulat
ang sa tingin ninyo ang sampung mahahalagang utos ng magulang sa inyo.

D. PAGSUSURI
Bakit sa tingin ninyo mahalaga ang mga utos ng ating mga magulang sa atin?
Bakit nila tayo parating pinapapalalalahanan?
Anong magandang epekto nito sa atin? Anu ang aral ang makukuha mula dito?

IV. TAKDANG ARALIN


Dalhin ang mga sumusunod:
* Coloring Materials
* ESP KIT
* Cartolina

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


IKALAWANG ARAW
PETSA: AGOSTO 30 SETYEMBRE 2 (LUNES-BYERNES) 03:50 – 04:50 Lanete/ Alcapulco/ Acacia/ Mangrove/Ipil
12:30 – 01:30 Avocado/ Asana/ Apitong/Mangosteen/Tangili 04:50 – 05:50 Alcapulco/ Acacia/ Ipil
01:30 – 02:30 Asana/ Mangosteen / Apitong/ Avocado 05:50 – 06:50 Tangili/ Mangrove

MODYUL 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL


PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN- Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga batas na
nakabatay sa likas na batas moral o natural law.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP - Nakabubuo ang mag-aaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol
sa mga kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral.
I. LAYUNIN
KP3: Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagaratiya sa
pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay
mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat
KP4: Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat

V. NILALAMAN
Paksa: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Sanggunian- Eduksayon sa Pagpapakatao 9
Kagamitan - Visual Aids, Larawan

VI. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagsisiyasat at kaayusan ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban

A. PAGPAPATULOY NG PAGPAPALALIM
ANG MABUTI
* Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Ang tanungin ang tanong na "Mabuti
ba?" bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Hindi agad-agad
lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang
taong agad may sagot at hindi nag-iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili sa
kaniya. Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano ang mga posibleng
epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na
paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga
ugnayan

Ang MABUTI ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili.


Ang TAMA ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon.

FIRST DO NO HARM
Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at
tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan
ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang
tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin
ang tao. 
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na maging makatao (panig sa tao): ito
ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

You might also like