You are on page 1of 10

ESP V

Petsa: Enero 13, 2020 (Lunes) __________________

Aralin- Pagmamalasakit sa Kapaligiran


I. Layunin:
 Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran (ESP 5P – IIIe-28)
 Naipapakita ang paggiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
 Napapatunayang di nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran- Day 1


Mga Kagamitan: tsart (tarpapel), larawan, krayola, lapis
Sangguninan: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali pp. 186, 192
Integrasyon: Science, Environmental Education
Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

III. Pamamaraan:
 Panimula:
- Ipabasa at ipapaliwanag.
Tayo ay nakatira sa isang lupa. Lupa na may iba’t- ibang likas na kagandahan at kayamanan. Ang
biyayang ito nakaloob ng Diyos na dapat pangalagaan at bantayan, dahil kapagi to ay naubos at pinairal
ang kasakiman, ay di kalian man maibabalik pa. Ikaw, may malasakit ka ba sa ating kapaligiran?

A. ACTIVITY (Gawain)
1. Basahin ang tula
Disiplina para sa Kapaligiran
Damhin ang bango at lamig ng simoy ng hangin
Ibigin likha ng Maykapal
Sa kapaligiran ipadama ang pagmamahal
Iwasan ang pag-abuso sa inang kalikasan
Panuntunan ay sundin at ang batas ay nasa ati’y pinaiiral
Lingapin para sa pag-ayos ng kapaligiran
Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isa-alang-alang
Nasa disiplina natin upang kalikasan ay maingatan
Araw-araw ang kalinisan at pag-iingat sa kapaligiran
Dapat panatilihin sa isip, sa puso at isagawa ang tama
O, kay saya ng lahat, kung may disiplina para sakapaligiran

2. Pagkatang Gawain gamitang rumbled letters.

NAMIKKASA (Kasakiman) LITANIGV (vigilant) NGANGAALAPGA (pangangalaga)


SIRASIKANA (Kasiraan) NARIGILAPAK (Kapaligiran) GALLEI (Illegal)

 Buuin ang mga titik upang makabuo ng salita.


 Bigyan ng pansin ang bawat salitang nabuo.
 Ilalahad sa guro at pipiliin ang pangkat na nagwagi.

IV. Takdang-Aralin:
Magbigay ng sariling ACRONYM ng salitang DISIPLINA para sa Kapaligiran
- Bb. Erlyn L. German
Tayo ay nakatira sa isang
lupa. Lupa na may iba’t-
ibang likas na kagandahan
at kayamanan. Ang
biyayang ito nakaloob ng
Diyos na dapat
pangalagaan at bantayan,
dahil kapag to ay naubos
at pinairal ang kasakiman,
ay di kalian man maibabalik
pa. Ikaw, may malasakit ka
ba sa ating kapaligiran?
ESP V
Petsa: Enero 14, 2020 (Martes) __________________

Aralin- Pagmamalasakit sa Kapaligiran


I. Layunin:
 Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran (ESP 5P – IIIe-28)
 Naipapakita ang paggiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
 Napapatunayang di nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran- Day 2


Mga Kagamitan: tsart (tarpapel), larawan, krayola, lapis
Sangguninan: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali pp. 186, 192
Integrasyon: Science, Environmental Education
Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

III. Pamamaraan:

Gawain 1 : Tingnan ang mga larawan, ang bawat pangkat ay pipili ng larawan na pag-uusapan at
ipapaliwanag sa klase.

Gawain 2
Ano ang gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Pangatwiran ang sagot.
1. Narinig mong nangangailangan ang iyong tiyuhin ng maraming magagawang papel at ang
solusyon dun eh magpuputol ng maraming puno ang iyong ama. Ano ang gagawin mo?
2. Namamasyal kayo sa may lake ng may makita kang bata na walang pakundangan sa
pagtatapon ng basura sa lake. Ano ang iyong gagawin?
3. Nakita mo ang iyong nakakabatang kapatid na nagsisipilyo na bukas ang gripo ng tubig.
Ano ang gagawin mo?

IV. Takdang-Aralin:

Magdala ng mga materyales bukas para sa pangkatang gawain.


- Bb. Erlyn L. German
ESP V
Petsa: Enero 15, 2020 (Miyerkules) __________________

Aralin- Pagmamalasakit sa Kapaligiran


I. Layunin:
 Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran (ESP 5P – IIIe-28)
 Naipapakita ang paggiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
 Napapatunayang di nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran- Day 3


Mga Kagamitan: tsart (tarpapel), larawan, krayola, lapis
Sangguninan: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali pp. 186, 192
Integrasyon: Science, Environmental Education
Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

III. Pamamaraan:

IsapusoNatin: Tingnan ang larawan. Tungkol saan ang mga larawan. Pag-usapan ng guro at ng
mag-aaral angl larawan.

Tandaan Natin:
Hindi nakukuha ng kasakiman ang pangangailangan upang umangat tayo. Kahit masira
angkalikasanang kapaligiran. Kailangang maging vigilant o mapanuri sa mga bagay na maaring
makasira sa ating kapaligiran para sa darating napanahon may makikita pa ang ating mga
kapatid gayun din ang ating mga magiging anak.

Pangkatang Gawain: Bumuo ng limang pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng lider na


magpapaliwanag ng kanilang gagawin. Magpapa kita ang bawat pangkat ng skit o palabas ulok sa
sumusunod na gawain.
Pangkat 1 – Paggamit ng dinamita
Pangkat 2 – Illegal logging
Pangkat 3 – Pagtatapon ng basurasakanal
Pangkat 4 – Pagsusunog ng basura
Pangkat 5 – Pag-aaksaya ng tubig
IV. Takdang-Aralin:

Pag-aralan ang mga natapos na aralin at humanda sa Ikatlong Markahang Pagsusulit.

- Bb. Erlyn L. German


Isapuso Natin (Day3)

1. Talakayin isa isa ang mga larawan (Larawan ng illegal at kasakiman)


Bigyang pansin ng guro ang naging bunga at reaksiyon ng mgabata.
2. Lalong bigyan ng pansin ang magiging bunga nito kung pababayaan ito ng mga tao. Bigyang
patunay ang mga nasa larawan sa pamamagitan ng pagkalap ng mga sagot mula sa mga mag-
aaral kung paano nila ito mapapatunayan na di nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan at
maging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
MgaLarawan PosiblengMensahe ng larawan
1 Huli na para magsisi ang mga tao, ubos na ang puno
2 Sa internet na lang nakikita ang mga magandang
kagubatan.
3 Pagkakalbo ng bundok dahil pinagkukunan ng paggawa
ng papel
4 Pagkaubos ng isda dahil sa paggamit ng dinamita

Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa.
Ipaliwanag na mahusay na walang magandang resulta ang pagiging sakim at kailangang maging
mapanuri para sa kalikasan.
ESP V
Petsa: Enero 16, 2020 (Huwebes) __________________

Aralin- Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan


I. Layunin:
 Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga
ng kapaligiran (ESP 5P – IIId-27)
 Naipapakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.
 Napapahalagan ang pagiging mapanagutan.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit-Likas-Kayang Pag-unlad- Day 1


Mga Kagamitan: tsart (tarpapel), larawan, krayola, lapis
Sangguninan: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali pp. 186, 192
Integrasyon: EPP (Agrikultura)
Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

III. Pamamaraan:
 Panimula:
- Ipabasa at ipapaliwanag.

“Ang kalinisan ay kagandahan”

B. ACTIVITY (Gawain)
1. Simulan ang gawain sa pagpapa-awit ng “Awit na Kapaligiran”.

Awit na Kapaligiran Refrain 4: Bakit di natin pagisipan ang


Wala ka bang napapansin sa iyong Refrain 2: Mayron lang akong hinihiling nangyayari sa ating kapaligiran hindi na
kapaligiran? sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara masama angpag-unlad kung hindi nakakasira
Kay dumina ng hangin, pati na ang mga ilog ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang ng kalikasan darating ang panahon mgaibong
natin. tayo magkantahan gala ay walana ng madadapuan masdan mo
ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y
Refrain 1: Hindi na masama ang pag-unlad at Refrain3: namamatay dahilsa 'ting kalokohan
malayu-layo narin ang ating narating Ngunit Mga batang ngayon lang isinilang may
masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay hangin pa kayang matitikman? May mga Refrain 5: lahat ng
asulngayo'ynaging itim Ang mga duming ating puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog bagaynanaritosalupabiyayanggalingsadiyoska
ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating pa kayang lalanguyan? hitnongika'ywala pa ingatannatin at 'wag
paabutin upang kung tayo'ypumanaw man, nangsirain pa pagkatpagkanyangbinawi,
sariwang hangin sa langit natin matitikman tayo'ymawawalana

Sagutin ang mga tanong?


1. Ano ang mensahe ng awit?
2. Ano ang binigyang diin sa awitin?
3. Bilang bata, ano ang iyong magagawa para sa kalikasan?

IV. Takdang-Aralin:

Magdala ng mga materyales bukas para sa pangkatang gawain.

- Bb. Erlyn L. German


ESP V
Petsa: Enero 17, 2020 (Biyernes) __________________

Aralin- Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan


I. Layunin:
 Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga
ng kapaligiran (ESP 5P – IIId-27)
 Naipapakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
programang pangkapaligiran.
 Napapahalagan ang pagiging mapanagutan.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit-Likas-Kayang Pag-unlad- Day 3


Mga Kagamitan: tsart (tarpapel), larawan, krayola, lapis
Sangguninan: Uliran Edukasyon sa Pagpapakatao at Wastong Pag-uugali pp. 186, 192
Integrasyon: EPP (Agrikultura)
Pagpapahalaga: Kasipagan at Pagmamalasakit

III. Pamamaraan
IsapusoNatin
Itanong:“Anong bahagi ng katawan ang maraming nagagawa?”
Sabihin:“Ang kamay, lalo na ang palad ay gagamitin natin sa ating artwork, pagbakat sa
isang buong bond paper. Berdeng watercolor lamang ang ating gagamitin. Sasagisag ito
sa inyong matinding hangarin na mapangalagaan ang kapaligran. Pagkatapos na ninyong
magawa ito at habang pinatutuyo ninyo ang kani-kaniyang bond paper, gawin at buuin
ninyo ang panata para sa kapaligiran na nakikiisa sa mga programa at nagmamalasakit sa
kapaligiran. Isulat mo ito na may disenyo o binakat mong palad sa bond paper”
Hand stamping at panata para sakapaligiran.
1. Gamit ang watercolor na berde o dyobus, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit sa
pagsusulat.
2. Kapag sigurado ka na at puno na ang kulay ang bawat daliri ay sabay sabay mong iistamp sa isang
nakahandang bond paper.
3. Hayaan mo itong matuyo.
4. Habang nagpapatuyo ay basahin mo ang panata para sa kapaligiran.

PANATA PARA SA KAPALIGIRAN


Ako ay nilalang ng Diyoskatulad ng kalikasan. Katungkulan ko ang
pangalagaan ang kapaigiran at ang kalikasan.

Para sa responsableng pangangalaga ng kapaligiran, pananagutan at


pagmamalasakitan ko ang kapaligiran. Makikiisa sa mga programa na
magdudulot ng maayos at ligtas na pamamaraan.

Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.

IV. Takdang-Aralin:

Magdala ng mga materyales bukas para sa pangkatang gawain.

- Bb. Erlyn L. German

You might also like