You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa ESP 5

I. Layunin
 Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na
nagbigay ng buhay
 Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos
(EsP5PD - IVe-i - 15)
 Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay
Halimbawa - palagiang paggawa ng mabuti sa lahat
II. Paksang Aralin: Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa Dakilang Lumikha
Kagamitan: Larawan, Tarpapel at Slide Deck
Video Presentatio (https://www.youtube.com/watch?v=qhU5JEd-XRo)
Sanggunian: Grade 5 K-12 Curriculum Guide p. 79
Integration: Filipino (sanhi at bunga)
English (Uri ng Graphic Organizers)
Value Focus: Pagtulong
III. Pamamaraan
A. Balik Aral
Magandang Umaga mga Bata, mayroon ako ditong mga Graphic
Organizer. Ano nga ang tawag sa mga Graphic Organizers na ito?
1. Pangkatin ang mga magaaral sa tatlo (3).
2. Gamit ang mga Graphic Organizers ay ilalahad ng mga magaaral ang
iba’tiibang mga biyaya na natanggap nila mula sa may kapal batay sa
mga nauna nilamng talakayan. (hal. Pamilya, Kaibigan, atbp.)

Pangkat I- Balloon
Pangkat II- Ice Cream
Pangkat I- Hamburger

B. Panlinang na Gawain
1. Panimulang Gawain (4 Pics 1 Word)
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng
pamamaraan ng Pasasalamat sa Diyos Batay sa
mga nauna nang Talakayan. (halimbawa:
Pagdarasal, Pagkain ng Masustansyang Pagkain
atbp.)

2. Pagganyak
Magpakita ng larawan at ipasuri ito sa mga mag-aaral.

Pagganyak
na Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?
2. Ano ang magandang naidudulot ng pagtutulungan?
3. Bilang isang mag-aaral, maaari ka rin bang maging isang mabuting
halimbawa sa iyong kapwa? Ipaliwanag.
3. Paglalahad
a. Panoorin ang Video Clip tungkol sa pagtutulungan
Itanong sa mga mag-aaral:
1. Ano ang napanood ninyo mula sa Video?
2. Ano kaya ang magiging bunga kung hindi sila nagtulungan?
3. Sa tingin ba ninyo, ang Pagtulong sa Kapwa ay ikatutuwa ng
Diyos?
b. Tayo ay may mga pananagutan na dapat tuparin, hindi lang para
sa ating sarili, bagkus maging sa ating kapwa. Ang Pagtulong
natin
sa ating kapuwa ay isa rin sa pamamaraan natin ng Pasasalamat
sa diyos dahil pinapahalagahan natin ang ating kapuwa na sia rin
sa kanyang mga nilikha.

4. Pagpapalalim
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, bilang isang mg-aaral,
paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa iyong kapwa?
1. Nakita mo ang iyong guro isang umaga na maraming dala-
dalahan papasok sa inyong paaralan, Ano ang gagawin mo?
2. Nakita mo si Albert na natumba mula sa pagbibisikleta, siya ay
bahagyang nasugatan, Ano ang gagawin mo?
3. Lumiban ang is among kamag-aaral dahil siya ay nagkasakit. Sa
kanyang pagbabalik ay nahihirapan siya sa bagong paksa na inyong
pinag-aralan, Ano ang maaari mong gawin?
5. Pangkatang Gawain
Itanong sa mga mag-aaral “Paano ninyo maipapakita ang pagtulong
sa inyong kapuwa?”
Sagutin ang tanong sa sumusunod na Paraan:
Pangkat I- awit
Pangkat II- tula
Pangkat III- slogan

Bago ang pangkatang Gawain, ipalahad sa mga mag-aaral ang


Pamantayan sa Pangkatang Gawain

6. Paglalahat (Isapuso Mo)


Tayo ay may mga pananagutan na dapat tuparin, hindi lang
para sa ating sarili, bagkus maging sa ating kapwa. Ang Pagtulong
natin sa ating kapuwa ay isa rin sa pamamaraan natin ng
Pasasalamat
sa diyos dahil pinapahalagahan natin ang ating kapuwa na sia rin
sa kanyang mga nilikha.

7. Pagtataya
Iguhit ang Masayang Mukha kung ang sumusunod ay nagpapakita
ng Pasasalamat sa Diyos at Malungkot na mUkha kung Hindi.
___1. Tumutulong si Andrea sa mga gawaing Pansimbahan sa
kanilang pamayanan.
___2. Mahilig kumain si Bong ng mga hindi masusutansyang pagkain
kaya madalas siyang magkasakit.
___3. Hinayaan nalamang ni Jonas ang batang nadapa sa parke.
___4. Tinulungan ni Mang Jose ang Matandang patawid sa kalsada
___5. Laging nagsisimba ang mag-anak ni Gng. Cruz tuwing Linggo.
8. Takdang Aralin
Gumupit ng Hugis Puso sa isang Kulay Pula na papel, sa harap nito
ay isulat ang Pangalan ng tao na nabigyan mon a ng tulong. Sa kabila
naman ay isulat ang tulong na naibigay mo sa kanya. Humanda sa
pagbabahagi ng iyong gawa sa klase.

Mga Tala

5 – MPS: ______
4 – Mn: _______
3 – SD : _______
2 –
1 –
0 –

Inihanda ni:

MARK BRUCE A. COMETA


Teacher I

Iwinasto ni:

JOSEFINA V. CAGAYAT
Master Teacher I

Binigyang Pansin:

FRENE W. MONSALUD
OIC-School Head

You might also like