You are on page 1of 17

PAGTULONG NG MAY PAG-IINGAT

AT PAGGALANG
 Kung ikaw ang estudyante,
gagawin mo ba ang
pagtulong na ginawa niya?
Paano mo gagawing
maingat at magalang ang
iyong pagtulong?
A. Isayos ang mga titik sa bawat bilang
upang mabuo ang salita na
inilalarawan ng parirala:
 g a p g a t i n i – pagkilos nang

maayos at marahan
 l a g a n g p a g – pagbibigay respeto
 g o l n p a g u t – pag- alalay

 l o n g s a g – bagong panganak
 k i t s a y a m – may karamdaman
Ang Kuwento ni Lolo Jose
Si Lolo Jose ay 80 taong gulang na
mag-isang namumuhay sa isang maliit na
kubo. Umaasa lamang siya sa kaniyang
buwanang pensiyon para mabuhay. Katabi
niya ang bahay ng mag-anak ni Aling
Cynthia at Mang Ramon na mayroong
dalawang anak na lalaki, si Marlon
sampung taong gulang na nasa ikalimang
baitang at si Manny, pitong taong gulang
na nasa ikalawang baitang.
Bago pumasok sa paaralan ang
dalawang mag-aaral ay dumadaan muna
sa bahay ni Lolo Jose para magmano at
magpaalam na sila ay papasok na sa
paaralan. Ang mag-asawang Aling Cythia
at Mang Ramon naman ay dumadaan din
sa bahay ni Lolo Jose bago pumasok sa
opisina. Ikinagagalak ito ng matanda
dahil nararamdaman niya na may pamilya
siya kahit mag-isa lang siyang
namumuhay.
Sa mga araw na walang pasok
ang mag-anak, sinisikap nilang isama
si Lolo Jose sa kanilang tahanan
upang hindi ito mangulila.
Maingat at magalang na
nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan
ang mag-anak kay Lolo Jose sa
pamamagitan ng paggamit ng po at
opo kapag sila ay nakikipag-usap, at
nagpapalitan ng kuro-kuro.
Maingat at magalang din na
ipinagpapaalam ng mag-anak kung
mayroon silang nais na gawin sa loob
ng tahanan ni Lolo Jose, tulad ng
pagtulong nila sa paglilinis at pag-
aayos ng kaniyang tahanan. Malugod
din nilang ipinagpapaalam kung
mayroon silang nais na idaragdag na
personal at pantahanan niyang mga
kagamitan.
Ang ginagawang pagtulong ng
mag-anak ni Mang Ramon at
Aling Cynthia kay Lolo Jose ay
nakatawag pansin sa mga tao sa
kanilang pamayanan. Kung kaya’t
nagawaran ng pagkilala bilang
Huwarang Pamilya ng Barangay
ang mag-anak.
A. Sagutin nang tahimik ang mga
sumusunod:

 Ano-ano ang ginagawang pagtulong


ng mag-anak ni Mang Ramon kay
Lolo Jose?

 Ano-ano ang magagandang


katangian ng mag-anak?
Ang mag-anak ni Mang Ramon at
Aling Cynthia ay tumutulong kay Lolo
Jose sa pamamagitan ng paglilinis ng
bahay, pag-aayos sa kaniyang mga
kagamitan, pagbibigay ng iba pang
kagamitan, at pagbibigay ng kanilang oras
o panahon kapag ang mag-anak ay
walang pasok.
Ilan sa magagandang katangian ng
mag-anak ay pagiging magalang,
matulungin, mabait, maunawain, at
B. Makilahok sa Gawain:
1. Bibigyan ng tiglilimang cartolina strips at pentel
pen ang bawat pangkat.
2. Batay sa maikling kuwento ni Lolo Jose, sagutin
ang tanong na: Paano naisagawa ang pagtulong ng
mag-anak ni Mang Ramon kay Lolo Jose nang may
pag-iingat at paggalang?
3. Ipaskil sa pisara o sa dingding ang sagot ng
pangkat at iulat sa klase sa loob ng tatlong minuto.
4. Pagkatapos ng inyong gawain, ilagay o ilipat sa
wheel map ang pinakatamang sagot
• UPANG MAGING PAYAPA AT
MAUNLAD ANG PAMUMUHAY NG
MAG-ANAK KAILANGANG
GAMPANAN NG BAWAT ISA ANG
NAKATAKDANG GAWAIN NANG
MAY PAG-IINGAT AT PAGGALANG.
Seatwork: Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno. Lagyan
ng tsek ang patlang bago ang bilang kung ang ginagawang
pagtulong ay may pag-iingat at paggalang.

____ 1. Masayang ginagampanan ang nakaatang na tungkulin


sa pamilya.
____ 2. Umaalis sa bahay nang tahimik at walang paalam,
kapag inuutusan.
____ 3. Magiliw na nakikipagtulungan sa mga kapatid kapag
naglilinis ng bahay.
____ 4. May kusang nagpupunas ng mga kagamitan sa bahay
sa mga araw na walang pasok.
____ 5. Malugod na sinasamahan ang Nanay sa
pamamalengke.
____ 6. Ipinagpapaalam sa Tatay ang mga bagay na
nais gawin sa loob ng tahanan.
____ 7. Magalang na nakikiraan sa mga nag-uusap
sa tahanan habang nagwawalis.
____ 8. Umaawit habang maingat na pinupunasan
ang mga sofa sa bahay.
____ 9. Nag-aalaga sa nakababatang kapatid nang
tahimik.
____ 10. Magiliw na pinanonood ang mga kasapi ng
maganak habang ginagampanan ang kanilang
tungkulin.
Takdang-aralin:
Sipiin sa kuwaderno at sagutan ang mga tanong.

 Ang nakababata mong kapatid ay


nangangailangan ng iyong tulong sa paggawa ng
kaniyang takdang-aralin o proyekto sa paaralan.
Ano ang gagawin mo?

 Naglalaro ka at bigla kang tinawag ng nanay mo


upang tulungan siya maglinis ng bahay. Ano ang
gagawin mo?

You might also like