You are on page 1of 18

LIPUNANG PANG-

EKONOMIYA
Yunit I: Modyul 3- Week 5

Susan Evangeline Valloyas


EsP Teacher
ANO ANG INAASAHANG
MAIPAMAMALAS MO?
• Nakikilala ang katangian ng mabuting ekonomiya
• Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya
• Napautunayan ang batayang konsepto ng aralin
• Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/
pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o
photo/video journal
TUKLASIN
• Magsagawa ng survey sa mga kapuwa mag-aaral sa paaralan. Tanungin ang mga
kapuwa mag-aaral ng sumusunod:
a.Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b.Anu-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d.Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinosolusyonan ang kakulangang
ito?
LINANGIN
• Kailangan makabuo ng isang bahay na yari sa straw, dyaryo at masking tape na
sumusunod sa mga sumusunod na pamantayan:
a.May kabuuang taas na hindi bababa sa 5 pulgada
b.Matibay
c. Ang materyales na gagamitin ay manggaling sa mga recycled materials sa bahay.
Pantay-pantay ang lahat dahil
likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo.
Samantalang may nagsasabi namang
hindi tayo pantay-pantay, dahil may
mga taong mananatiling nasa itaas,
dinudungaw ang nasa ibaba.
Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max
Scheler. Para sa kanya, bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino.

Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang


kaniyang kinagisnan, ang pagpapalaki sa kanya, ang mga koneksyon ng
pamilya, ang kanyang lahi, relihiyon at iba pa. Ang lahat ng ito ay
naglalatag ng maaabot ng tao.
Ang sabi ni Scheler na dahil na rin sa hindi
pagkapantay-pantay na ito, kailangang
sikapin ang pagkapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng
bayan.
• Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na
dapat ipamigay sa isandaang tao; ano ang
pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito?
• Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o
bibigyan ang mga tao ayon sa kanilang hinihingi?
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO

Tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili


sa bagay – ibig sabihin, kung hindi siya
makakakuha ng bagay, bumababa ang
kaniyang halaga bilang tao.
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO

Hindi sa tinapay nagkakaroon ng


halaga ang tao, una ang halaga ng tao
bago ang tinapay. May tinapay man o
wala, may halaga ang tao.
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO
Ang kunin pa niya ang tinapay ay
pagsasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpilit
naman niyang kainin ang tinapay para masabi
lamang na hindi nasayang ang tinapay ay isang
pagsira naman sa kaniyang sarili
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO
• Ano nga ba ang dahilan ng paggawa at
pag-aari ng tao?
• Bakit nga ba nagtratrabaho at nagmamay-
ari ng mga bagay ang isang tao?
ANG MGA PAG-AARI:
DAPAT ANGKOP ANG
LAYUNIN NG TAO
Gumagawa at nagmamay-ari ang tao
hindi upang makipagmayabangan sa
iba, ibagsak o pahiyain ang iba o
makipagkompetisyon sa iba.
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO
Napakaganda ng salitang Filipino para sa
trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanapbuhay.”
ang hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang
buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa
pera kundi para ito sa buhay na hinahanap niya.
ANG MGA PAG-AARI: DAPAT
ANGKOP ANG LAYUNIN NG TAO
Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na
ipakilala ang sarili. Naipakikila ng tao ang
kaniyang sarili sa paggawa. Hindi ang yaman,
hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o
wala ang humuhubog sa tao.
ANYEONG

You might also like