You are on page 1of 11

MABINI COLLEGES INC.

Daet Camarines Norte

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

"PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN"

Inihanda ni: Jessica A. Cuyo

I. MGA LAYUNIN

Matapos ang aralin na ito ang ang mga mag-aaral ay inaasahan:

1. Natutukoy ang kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan.

2. Naipaliliwanag ang mga salik na nakakaapekto sa Pangangailangan at kagustuhan.

3. Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng pangangailangan batay sa herarkiya ng


pangangailangan.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

Sanggunian: https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/pangangailangan-at-
kagustuhan, https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-3-kagustuhan-at-pangangailangan-
97962424,

Mga kagamitan: PowerPoint presentation, google meet link, google classroom, laptop

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

-Pagdarasal -Tutugon ang lahat para sa pagdarasal

-Pagbati (Magandang Umaga sa inyo!) - Magandang umaga din po Bb. Cuyo

-Pagtala ng liban -Tutugon ang mag-aaral

-Balik-aral - Ang aralin po na ating tinalakay ay tungkol


( Anong aralin ang huli natin tinalakay?) sa Ang kakapusan

Mahusay!

A. Pagganyak

Gawain 1. " Magpasiya ka"

May dalawang pangkat ng larawan na ipapakita ang guro


at magpapasiya ang mga mag-aaral kung ano ang
kanilang napusuan na larawan sa pagpipiliang A at B.

A B

Matutulog ng maaga Manonood ng kdrama

- Matutulog po ng maaga upang makaiwas


sa sakit.

Maglalaro ng ML Gagawa ng mga Gawain


sa paaralan

-Gagawa po ng mga gawain sa paaralan

Bibili ng Milk tea Bibili ng tubig


Kakain sa labas Magluluto sa bahay
-Bibili po ng tubig dahil mas mura po ito at
mas kailangan po ng tao

Bibili ng bagong Bibili ng bigas


cellphone -Magluluto na lang po sa bahay upang
makatipid.

-Bibili po ng bigas dahil mas kailangan ito sa


araw araw.

Pagbibigay papuri sa mga mag-aaral.

Pagganyak na tanong

1. Ano ang ibig sabihin ng pangangailangan ?


-ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay
mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit,
pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na
nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao,
magdudulot ito ng sakit o kamatayan.

2. Ano naman ang ibig sabihin ng kagustuhan?

-ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang


pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na
maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay
maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao
sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, -Ang pangangailangan po ay mga bagay na
kaunlaran, at karangalan. kailangan ng tao upang mabuhay.

Gawain 2. "Needs O Wants?"

Magpapakita ang guro ng larawan ng isang libong


piso(1000) at magtatanong sa mag-aaral kung ano ang
bibilhin nila gamit ito.

Tanong: Ano ang bibilhin nyo kung kayo ay bibigyan ko - Ang kagustuhan po ay mga bagay na
ng isang libong piso? hinahangad ng isang tao na maaring naman
mabuhay kahit wala ang mga ito.

- Ibibili ko po ng bigas, noodles at mga


delata

Mahusay! Maraming salamat sa iyong/inyong pagtugon. - Ipangsho-shopee ko po ma'am. Bibili po


Upang lubos nating maunawaan ngayon ay tatalakayin ako ng pang skin care ko.
natin ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
- Ibibili ko po ng bagong damit sa SM Daet

B. Presentasyon

Ang ating aralin ay tungkol sa Pangangailangan at


kagustuhan ng tao.

Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at


pangangailangan na kailangan niyang matugunan. Gaano
man karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang
hanggan naman ang pangangailangan at kagustuhan ng
mga tao, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang suliranin
sa kakapusan. Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at
pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang
malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa
suliranin sa kakapusan.

Pangangailangan - Ito ay mga bagay na lubhang


mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang
mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag
ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga
pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o
kamatayan.

Ang kagustuhan - Ito ang paghahangad ng mga bagay na


higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito
ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa
kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad
ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan,
kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t ibang uri ng


pagpapasya. Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na
maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o serbisyo na
bibilhin.
Mga salik na nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at
kagustuhan

Edad - Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago


ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang
kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit
sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang
kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang
pangangatawan.

Antas ng edukasyon - Ang pangangailangan ng tao ay


may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag- aralan. Ang
taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas
malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa
kanyang pangangailangan at kagustuhan

Katayuan sa lipunan - Ang katayuan ng tao sa kaniyang


pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa
kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang
taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay
maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang
maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa
kaniyang mga obligasyon at gawain.

Panlasa - Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga


pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ng
pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-
iba sa istilo ng mga nakatatanda.

Sino nga ba ang nasa likod ng teoryang Hirarkiya ng


pangangailangan?
- Si Abraham Maslow po

ABRAHAM HAROLD MASLOW

- Ipinaliwanag ni Maslow ang mga Pangangailangan ng


tao sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa isang
herarkiyang may limang baitang. Batay ang teorya ni
Maslow sa kanyang pag-aaral sa buhay ng ilang
matagumpay na taong nagkaroon ng mahalagang ambag
sa lipunan. • Ipinaliliwanag ng kaniyang teorya ng
motibasyon na nagsilbi bilang pangganyak ang mga
pangangailangan dapat tugunan. • Ayon sa kanya,
Kailangan munang matugunan ang mga
pangangailangang nasa mababang antas bago ang nasa
mas mataas na antas.

Hirarkiya Ng Pangangailangan

Pangangailangang Pisyolohikal

Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain,


tubig, hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan.Kapag
nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot ng sakit o humantong sa
pagkamatay.

Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan


na ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang
kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa
karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa
pamilya, at seguridad sa kalusugan.
Pangangailangang Panlipunan

Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng


kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok
sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na makipag-
ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat
mayroon siyang pangangailangan na hindi niya kayang
tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng kalungkutan
at pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugon sa
pangangailangang ito.

Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang


tao

Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga


sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at
tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad
bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at
tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya,
pagkabigo, at pagkatalo.

Kaganapan ng Pagkatao

Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng


tao. Sinabi ni Maslow na ang taong nakarating sa antas
na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot
mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Ang mga
taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari at
totoo sa kanyang sarili. May kababaang loob at may
respeto sa ibang tao.
Ipinapaliwanag sa teorya ni Maslow na walang katapusan
ang kagustuhan ng tao. Ang pagkakaroon ng
pangangailangan ay nakabatay sa matagumpay na
pagtuon sa mga naunang antas ng pangangailangan.
Kung kaya, nararapat lamang na ilagay at iayos ang
pangangailangan ng tao ayon sa kahalagahan
nito.Makikita sa pigura sa kaliwa ng pyramid ang mga
positibong katangian na maaaring makakamit ng
indibidwal sa kaniyang pag-akyat sa susunod na antas ng
kaniyang pangangailangan. Nasa kanang bahagi naman
nito ang maaaring negatibong epekto sa pagkabigo ng
tao na makaakyat sa susunod na antas.

C.Pagtatalakay

1. Bakit mahalagang magkaroon ng batayan sa pagpili?

-Tama. kailangan natin ng matalinong pagpapasiya upang


maiwasan natin ang kakapusan.

2 . Ano ang mga maaaring mangyari kung hindi natin


isaalang -alang ang ating seguridad at kaligtasan?

-Tama. Kailangan natin itong isaalang-alang upang


- upang maiwasan po ang kakapusan.
makamit ang susunod na antas ng pangangailangan.

3. Sa paanong paraan makakamtan ng isang indibidwal


ang positibong katangian sa pag-akyat sa susunod na
antas ng pangangailangan?
- Maaaring magdulot po ito ng
-Tama po. Sa pagsasaayos at pagsasaalang-alang po ng kabalisahan,kawalang katiyakan,at
pangangailangan ayon sa kahalagan nito. Sa mahinang pangangatawan.
pamamagitan nito maaaring natin makamit ang
positibong katangian ng isang indibidwal.
- Sa pagsasaayos at pagsasaalang-alang po
ng pangangailangan ayon sa kahalagan nito.
D. Paglalahat

Bilang isang mag-aaral sa gitna ng nararanasang


pandemya, paano ka nagpapasiya at ano ang mga bagay
na iyong isinaalang-alang sa pagpili.

- Bilang mag-aaral ginagamit ko po ang


matalinong pagpapasiya batay sa
nararanasan at pangangailangan , ang
Magaling! Posible bang nakadepende sa estado ng isinaalang-alang ko po ay ang aking pamilya
pamumuhay ng tao ang pangangailangan at kagustuhan? at Pangangailangan na dapat matugunan
upang patuloy na mabuhay at makamit ang
positibong katangian ng isang indibidwal.
Tama! Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay
nakadepende sa kung anong pamumuhay mayroon ito.
Halimbawa, May mayaman at mahirap na mag-aaral.
Simula ng ipinanukala ng Presidente ang malawakang
pagsasara ng mga establisyemento,eskwelahan atbp. -Opo!
Dahil sa Covid-19 ay nagsimulang magsara ang mga
paaralan at nagdulot ito na tinatawag natin ngayon na
online class kung saan ang mga mag-aaral ay gagamit ng
cellphone o laptop upang makasabay sa aralin. Itong
mag-aaral na mahirap ay kinakailangan ng cellphone at
yung mayaman naman ay gusto lang niya ng bagong
cellphone upang bago ang kaniyang gagamitin sa online
class. Naipapakita dito kung paano nakadepende sa
estado ng pamumuhay ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao kung sa mag-aaral na mayaman ay
kagustuhan lamang ang cellphone ngunit sa mag-aaral na
mahirap ito ay kaniyang pangangailangan.

E. Paglalapat

Gawain 3. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng sariling


pamantayan sa pagpili ng pangangailangan batay sa
herarkiya ng pangangailangan ilalahad ito sa
pamamagitan ng isang sanaysay at Ipopost ito sa google
classroom.

- Magsisimulang gumawa ang mga mag-


aaral at ipopost ito sa google classroom.

IV. Karagdagang gawain

Ipaliwanag ang katanongan na nasa ibaba.

Sino/Ano ang iyong mga isinasaalang sa pagpapasiya at bakit kailangan ng matalinong pagpapasiya?
Ipaliwanag

You might also like