You are on page 1of 7

I.

MGA LAYUNIN:

1. Maipaliliwanag ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan sa


pagbuo ng matalinong desisyon. (AP9MKE-Ic-7)
2. Masusuri ang hirarkiya ng pangangailangan ng tao batay sa teorya ni Abraham Harold
Maslow at nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan. ( AP9MKE-Ie-11)
3. Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan. (AP9MKE-If-13)

NILALAMAN:
Ipinapaliwanag ng konsepto at terorya ng pangangailangan maging ang mga hakbang
na dapat isaalang-alang upang makamit ang kaganapan ng pagkatao. Ipinapaliwanag nito ang
kahalagahan ng bawat baitang upang matagumpay na makamit ang kaganapan ng pagkatao
at maging ang iba’t ibang salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan .

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay naisasabyhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto
ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino atmaunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. Sanggunian: Kayamanan:Ekonomiks 9(Consuelo Imprerial et.al),pahina
76-80
C. Kagamitan: pisara,tisa/whiteboard marker, powerpoint
presentation,manila paper at pentel, laptop, projector screen, pen,colored
paper.
D. Pagpapahalaga: pagtitimpi,pagtitipid,pagsisikap,at pagkakaroon ng disiplina sa
sarili.

III. PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
maaring tumayo na ang lahat (Ang lahat ng mga mag aaral ay tatayo at
at tayo ay mananalangin mananalangin.)
upang makapag simula na
tayo.

2. Pagbati -
magandang umaga/hapon Magandang umaga din po ma’am! Ok naman po, kayo
grade 9? Handa na ba kayo po kumusta po kayo?
sa ating talakayan?

3. Pag sasaayos ng silid-aralan (Pupulutin ng lahat ng mga mag-aaral ang duming


Ok bago kayo magsipag upo, nagkalat sa ilalim ng kanilang mga pwesto)
maari lamang ay ayusin ang
inyong mga upuan at paki
pulot ng mga nagkalat na
dumi sa ilalim ng inyong mga
upuan.
Wala po ma’am.
4. Pagtala ng mga liban sa klase
May liban ba sainyong klase?
5. Pag balik-aral

Sino ang makapagbibigay (May magtataas ng kamay) noong nakaraang


kung ano ang paksa nating talakayan ay tinalakay po natin ang tungkol sa
noong nakaraang talakayan? kakapusan at kakulangan.

Ok magaling! ano nga ulit Ito po ay tumutukoy sa limitadong pinagkukunang


class ang kakapusan at yaman n gating bansa upang matugunan ang mga
kakulangan? pangangailangan ng mga tao. Samantalang ang
kakulangan po ay tumutukoy sa panandaliang
pangyayari sa ating ekonomiya.

Mahusay! Palakpakan niyo (magpapalakpakan ang buong klase) clap! Clap! Clap!
ang inyong kamag aral

PAGGANYAK

Magpapakita ang guro ng halimbawa ng (Sasagutin isa-isa ng mga mag aaral kung ano ang
mga larawan.Tutukuyin ng mga mag-aaral nasa larawan)
kung ano ang nasa larawan.

Mula sa mga larawan inyong nakita ano sa Tungkol po sa kagustuhan at pangangailanagn.


palagay nyo ang ating paksa sa ngayoong
umaga/hapon?

Ok, magaling sa tingin nyo bakit Kasi po ma’am yung kotse kagustuhan lamang at ang
kagustuhan o pangangailangan ang ating pagkain at bahay ay pangangailangan.
paksa sa pamamagitan ng larawan inyong
nakita?

Tama! Pangangailangan at Kagustuhan ng


tao ang paksa,

Ngayon alamin naman natin ang atin (Babasahin ng mga mag-aaral ang mga layunin)
layunin o tunguhin ng ating paksa sa
umaga/hapon na ito.

Ok, dapat malinaw sa bawat isa sainyo ang Opo ma’am


mga layunin bago matapos ang ating
talakayan.

A. AKTIBITI

Bago tayo dumako sa bago nating


araling tatalakayin, magkakaroon muna
tayo class ng isang aktibiti. Ok! Ito ay
tatawagin nating “GUSTO KITA” at
“KAILANGAN KITA” hahatiin ko kayo sa
dalawang grupo. Group 1 at group 2
lamang ang grupo ninyo. Narito ang
direksyon ng ating gagawin:
“GUSTO kita”G-1 “KAILANGAN kita”G-2
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.
11. 11.
12. 12.
13. 13.
14. 14.
15. 15.

Direksyon ng aktibiti:

a. Sa group 1 maglilista kayo sa papel


ng mga bagay na GUSTO ninyo na
mayroon kayo at mga bagay na
gusto niyong magkaroon kayo.
b. Sa group 2 naman ay maglilista
kayo ng mga bagay na KAILANGAN
ninyo sa inyong buhay.
c. Mayron lamang kayong limang
minuto para gawin ito.

Ok group 1 at group 2 simulan na ninyo Opo handa na po ma’am (magsisimula na ang lahat
ang gawain. Handa na ba kayo? ng mga mag aaral)
*(maglalahad na ang lider ng bawat grupo)

Magaling!!! ang lahat ay may naiambag sa bawat (Ang lahat ay magsisipalakpakan)


grupo at lahat ay tama ang inyong ginawa. Bigyan
ninyo ng masigabong palakpakan ang inyong mga
sarili.

B. ANALISIS

Ayon sa inyong ginawa…ano ang Natutunan po namin na ang bawat isa sa amin ay may
inyong mga natutunan? pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
Kung gayon ano ang ibig sabihin ng Ang pangangailangan po ay mga bagay na kailangan
salitang pangangailangan? ng tao upang mabuhay. Ang mga pangunahing
pangangailangan po ng tao ay ang pagkain, bahay, at
damit. Kung wala po ang mga ito ay hindii mabubuhay
ang mga tao.

Mahusay! Tama iyon. Lahat ng tao ay may


mga pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa makatuwid, ang kagustuhan ay ang… Ang kagustuhan po ay ang mga luho ng isang tao.
ano ito? Mahalaga din ba ito sa mga tao? At bakit? Ang mga bagay pong ito ay hindi kailangan upang
mabuhay ang mga tao.

Sa pangkalahatan, ang pangangailangan ay mga


bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay
mabuhay. Kung ipagkakait ito ay magdudulot ito ng
sakit o kamatayan sa isang tao. Sa kabilang dako
naman, ang kagustuhan ay ang mga bagay na
ginusto lamang ng mga tao at maari silang
mabuhay kahit wala ito. Ang pagkakaroon nito ay
bunga lamang ng layaw ng mga tao.
May katanungan pa ba? Wala na po.

Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay Opo naniniwala po.


walang katapusan. Naniniwala ba kayo dito?

Alam niyo ba class na ang pangangailangan ay Talaga po? Ano po ang teoryang ito ma’am?
may teorya?
Ok, ang teoryang ito ay tinatawag na teorya ng
pangangailangan ni Harold Maslow?
Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang Bakit po may teorya?
pangangailangan daw ng tao ay may iba’t ibang
digri, ayon sa kakayahan ng tao na makamit at
matugunan ang mga ito at magkaroon ng
kasiyahan
(Tatalakayin ang Teorya ni Maslow isa-isa)
TEORYA NG PANGANGAILANGAN NG TAO

Pagpapahalaga sa
kaganapang pagkatao

Pagpapahalaga
mula sa ibang tao

Pangangailangang
magmahal,makisapi,ma
kipagkaibigan

Pangangailangang
panseguridad

Pangangailangang pisyolohikal

Ok talakayin na natin isa isa ang mga nasa


hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow.

Una ay ang pangangailangang pisyolohikal Pangangailangang pisyolohikal- tumutukoy sa mga


(tatawag ng mag-aaral upang ipabasa ang bawat pangunahing kailangan n gating katawan upang
lebel ng teorya at hihingi ng mga halimbawa buhat manatiling normal ang takbo nito.
ditto)
Hal. Pagkain,damit,bahay,gamut,at tubig

Pangangailangang panseguridad- ang pagkakaroon


ng kapayapaan,kaayusan,katahimikan,kalayaan sa
takot at pangamba na ninanais ng tao na makamit sa
kanilang pamumuhay.
Hal. Pera,magandang kalusugan,security sa bahay
Pangangailangang
magmahal,makisapi,makipagkaibigan – ang
konsepto ng pakikisalamuha ng tao sa kanyang
kapwa at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Hal. Ikasal,sumali sa organisasyon,at makiparty
Pagpapahalaga mula sa ibang tao- respeto at
pagpapahalag mula sa ibang tao ay siyang kailangan
ng tao upang lumakas ang tiwala niya sa kanyang
sariling kakayahan.
Hal. Paggalang sa matatanda at nasa mataas na
lipunan…disiplina sa sarili

Pagpapahalaga sa kaganapang pagkatao-


pinakamataas na antas ng pagkatao. Maituturing na
tagumpay ang isang tao kapag ang kanyang
ambisyon at pangarap sa buhay ay makamit.
Kasiyahan at karangalan ng isang tao ang siya ay
iginagalang dahil sa kanyang mga nagawa sa lipunan
at sa sarili.
Hal.makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng
magandang trabaho

Opo dapat tayong maging matalinong mamamayan.


Naniniwala ba kayo na dapat maging matalino tayo
sa ating mga desisyon sa buhay?
Matalinong pagdedesisyon ng tao ang kailangan
upang ang mga pangangailangan ay unti-unting
matugunan hanggang sa maabot ang
pinakamataas na pangangailanagan.

Anu-ano po ang mga salik na ito ma’am?


Alam niyo ba na may iba’t-ibang salik na
nakakaimpluwensiya sa mga pangangailangan ng
tao?
Ang mga salik na ito ay ang mga
sumusunod:
1. Edad
2. Hanapbuhay
3. Panlasa
4. Edukasyon
5. Kita
(Tatalakayin isa isa ang mga salik)

Edad:
Ang pangangailangan natin noong tayo
ay sanggol pa aynagbabago habang tayo ay
nagkakaedad.
Hanapbuhay:
Ang uri ng hanapbuhay ng tao ay
nagtatakda ng kanyang pangangailangan.
Panlasa:
Ang bawat tao ay bumibili ng mga
produkto ayon sa kanyang panlasa.
Edukasyon:
Ang antas ng edukasyon ay
nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng
tao. Ang pagbabago sa pangangailangan ng mga
tao ay bunga ng edukasyon.

Kita:
Ang kita ay ang salaping tinatanggap ng
mga tao kapalit ng serbisyo mga produkto. Kapag
malaki ang kita Malaki rin ang serbisyong
natatanggap ng isang tao.

C. ABSTRAKSYON

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga


katanungan na inihanda ng guro.
Patnubay na Katanungan: Ito ang pangunahing kailangan ng mga tao upang
mabuhay ng maayos.
1. Ano nga ba ang ibig sabihin ng
Mga luho ng tao na nagiging sanhi ng kanilang
pangangailangan? kagustuhan sa buhay kahit hindi naman kailangan.

2. Ano nga ba ang ibig sabihin ng


kagustuhan Edad,edukasyon,kita,hanapbuhay,panlasa.

3. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto


sa pangangailangan at kagustuhan ng
isang tao? Dahil ang pangangailangan ng bawat tao ay naka-
depende sa estado ng buhay ng tao
4. bakit may iba’t-ibang digri ng
pangangailangan?
Wala na po
May mga karagdagan pa bang tanong?

(Magpapangkat ang mga mag- aaral)


Kung wala ng tanong maaaring mag
pangkat na sa apat na grupo magkakaroon
tayo ng maikling Gawain.

(Sasagot ang mag-aaral)


D. APLIKASYON

Ikaw ay binigyan ng iyong magulang


ng dalawang pung libong piso para pambili
ng laptop na iyong gagamitin sa iyong pag-
aaral. Subalit napag-isipan mo na malapit
na ang iyong kaarawan at maraming
kaibigan mo ang umaasa na iimbitahin mo
sila. Itutuloy mo ba ang pagbili ng laptop o
nanaisin mong ipanghanda na lang ito sa
nalalapit mong karawan?

IV. EBALWASYON (maikling pagsusulit)

A. Isulat sa patlang ang hinihinga


tinutukoy sa bawat bilang
__________1. Isang sikologo na
nagsasabing may iba’t-ibang digri ang
pangangailangan ng tao
__________2. Mga bagay na kailangan ng
tao upang mabuhay.
__________3. Ito ang tumutukoy sa
pangunahing pangangailangan ng tao.
__________4. Ito ang mga bagay na
tinituring na luho ng mga tao.
___________5. Ito ang pinakamataas na
digri ng pangangailangan ng tao.
B. Ibigay ang limang salik na
nakakaapekto sa pangangailangan
at kagustuhan ng bawat tao. (5pts.)

V. TAKDANG-ARALIN

Pag-aralan ang susunod na talakayin


sa pahina 85-95. Ang alokasyon at iba’t
ibang sektor ng ekonomiya.

Gumawa ng isang outline ng mga


tatalakayin sa araling ito.

Tumayo na ang lahat at tayo ay mananalangin na.


(may mangunguna sa panalangin)

Goodbye class!

Inihanda Ni:

ALLYN II M. CRISOLO
BSED-Social Studies

You might also like