You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 9

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng produksyon,
2. Napahahalagahan ang mga Salik ng Produksyon sa pang araw-araw na
pamumuhay,
3. Nakagagawa ng sariling konsepto sa pagtatayo ng sariling negosyo.
II. Nilalaman
A. PAKSA: Produksyon; Mga Salik ng Produksyon
B. SANGGUNIAN: EKONOMIKS
ARALING PANLIPUNAN (Modyul para sa Mag-aaral)
C. MAY-AKDA: Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J Garcia,
Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, Irene J. Mondejar
D. PAHINA: 72-78
E. KAGAMITAN: Pisara, Yeso, Panurong Biswal
F. KAHALAGAHAN: Kahalagahan ng Produksiyon.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1. PANALANGIN
“Kayoý magsitayo na at tayo’y (Aanyahahan ng guro ang isa sa
manalangin” mga mag-aaral upang manalangin)
2. PAGBATI
“magandang umaga mga bata” “magandang umaga din po!”
3. PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN

“paki-ayos na ang mga upuan at


paki-pulot ang mga kalat sa inyong (Ang mga mag-aaral ay tatalima sa
paligid bago tayo magsimula sa kanilang guro)
ating aralin”

4. PAGTATALA NG MGA LUMIBAN


“sino ang lumiban ngayung araw?” “wala po Maám”
5. PAGBABALIK ARAL
“sino sa inyo ang nakakatanda ng
huli nating napag-aralan?” “tungkol po sa pagkunsumo, pag-
aanunsiyo at epekto nito sa
pagkonsumo; at mga karapatan at
tungkulin ng konsyumer”

“paano nakakaapekto ang pag-


aanunsyo sa pagkonsumo?” “sa pamamagitan po ng mga pag-
anunsyo sa telebisyon, demo,
babasahin, internet at sa mga
billboard naipaparating po ng isang
produkto ang kanilang mga
kahalagahan at kagamitan, maaari
pong mas makahikayat ang mga
produktong sikat o kilala sa
kadahilanan pong mas naipapakita
o naipaparating ng produkto ang
kanilang kaangatan kesa sa iba”.
B. PAGGANYAK
“meron akong ipapakita sa inyong
larawan, suriin ninyong mabuti kung
anong napapansin ninyo sa larawan””

”ang nasa larawan po ng mga hilaw


na sangkap sa paggawa ng tinapay
at tinapay po, itlog harina, asukal
mantilikya, asin gatas, ”.
Input Output
“tama, at sa ikalawang larawan?
“magaling mga bata”” “tinapay po.
“mula sa mga sangkap ay nagkaroon
tayo ng tinapay sa pamamagitan ng “pagmamasa po at pagluluto sa
ano? oven”

C. PAGLINANG
“ngayon ay dumako na tayo sa ating
aralin ngayong araw, ang tungkol sa
produsiyon at ang mga salik ng
produksyon”
Gawain I (5 minuto)
“Nais kong mag-isip ang bawat isa sa
inyo ng produktong nais ninyong
ibenta o pagkakitaan (hanap-buhay),
itala sa inyong papel (1/4) kung ano
ang mga sangkap o materyales na
gagamitin ninyo sa paggawa o pagbuo
ng produktong ito.
Halimbawa: Tinapay
Sangkap: Harina, itlog, pampa-alsa
(baking powder) tubig, gatas,
mantikilya, asin.
Kagamitan: oven, pang-masa.

“ngayon ay nalaman nyo na kung ano


inyong nais na produkto, sangkap at
kagamitan sa paggawa nito? “opo”
“at sa paggawa ng inyong sariling
produkto ay nakabuo kayo ng
tinatawag na output, magbigay nga ng
halimbawa ng output”
“ang output po ay ang pinagsama-
samang salik ng produksyon o ang
kinalabasan ng produksyon,
halimbawa ay tinapay, damit,
“mahusay mga bata!, sa pag-buo ninyo bahay, cellphone, bigas at iba pa…”
ng output/produkto ang mga sangkap/
bagay na inyong ginamit naman ay
tinatawag na input. Magbigay ng
halimbawa nito.
“halimbawa po sa akin bahay po
ang aking output, gumamit po ako
ng kahoy, semento, pako,
“tama!, at sa paggawa ng produkto buhangin, yero at mga kable ito po
hindi lamang mga hilaw na sangkap ang tinatawag na input”.
ang ating ginagamit upang makabuo
nito, mayroon pang ibang salik ang
produksiyon katulad nalang ng lupa,
paggawa, kapital at entrepreneurship.

Gawain II ( Pangkatang Gawain) 15 minuto


Sa mga larawan na nasa inyong
pangkat tukuyin kung anong
sangkap/kagamitan ang ginamit sa Presentasyon ng bawat pangkat.
pagbuo ng produkto, kung anong
proseso ang ginamit sa paggawa at
ano-anong salik ng produksyon ang
kaylangan, Ipaliwanag.

Unang Pangkat

Sa pangkat po naming ay ang


produktong peanut butter, ang mga
sangkap nito ay mani, asukal at
mantikilya , Paggawa po bilang salik
ng produksyon, kapital para po sa
hilaw na sangkap at sa mga
kagamitan para sa paggiling ng
mani at maging ang
entrepreneurship bilang salik ng
produksyon, naging
magkakatuwang ang mga salik na
ito upang mas mapasarap ang
produksyon ng palaman, bilang
isang entrepreneur naisip po
naming na kaylangan din ng
makabagong panlasa para sa mga
palaman na aming ibebenta,
mahalaga din po ang kapital upang
mas makadagdag ng panibagong
kagamitan upang mas mapabilis
ang proseso ng paggiling. Ngunit
hindi din po pwedeng mawala ang
paggawa dahil talaga pong
kinakailangang gumamit ng lakas sa
paggawa.
Ikalawang Pangkat

Sa Ikalawang pangkat po ay ang


isda, hindi po lingid sa ating
kaalaman na ang pangigisda po ay
hindi madaling hana-buhay,
ginagamitan poi to ng lakas
paggawa, ng Kapital para po sa
gasoline, tamsi, kawil, Bangka,
lambat at kung anu pang mga gamit
sa pangangawil o pangingisda.

Ikatlong Pangkat

Pag gawa po ng kasootan gaya ng


damit kinakailangan pong gumamit
din ng lakas-pagawa, kapital para sa
mga telang gagamitin sa paggawa
ng damit, makinarya po sa
pananahi at entrepreneurship para
po sa makabagong design na ika
nga nila ay “ in” lalo na sa mga
kabataang tulad naming, dapat
pong nasa uso ang mga kasootang
gagawin ng sa ganuon ay mabili
ang aming produkto.
Mahuhusay mga bata, naunawaan ninyo ang
produksiyon at ang mga salik nito .

D. PAGLALAHAT
“naunawaan nyo na ba ang
produksiyon?

“opo, produksiyon po ay ang


pagsasama-sama ng mga input o ng
mga salik nito upang makabuo ng
isang produkto.”
At ano ang apat na salik ng
produksiyon, magbigay ng isa at ang
kagamitan nito? “isa po sa salik ng produksiyon ay
ang Lupa, hindi lang po basta
taniman ang lupa o tayuan ng
bahay, maari din po itong gamitin
upang tayuan ng mga
inprastraktura na ginagamit sa
produksyon halimbawa na lamang
po nito ay ang mga malalaking
gusali sa pagawaan ng damit,
sapatos atbp. Kasama din po sa
lupa ang mga yamang lupa na
pwedeng makuha dito halimbawa
po nito ay ginto.”
“magaling, ngunit tandaan natin na
ang lupa bilang salik ng produksyon ito
ay fixed o takda ang bilang ibig sabihin
lamang nito na dapat wasto ang
paggamit dito dahil ito ay limitado
lamang. Maging matalino dapat at
wasto tayo sa pagagamit ng lupa bilang
salik ng produksyon, ano pa ang ibang
salik sa produksyon?”

“paggawa po bilang salik ng


produksyon, ang paggawa po ay
ang kakayahan ng mga maggagawa,
gawain po nilang gawin ang mga
hindi kayang gampanan ng mga
“tama, bilang isang manggawa lakas makenarya.
ang puhunan ng marami sa
produksiyon, mayroon tayong
dalawang uri ng manggagawa ito ay
ang white-colar job at blue colar job,
maari nyo bang tukuyin kung ano ang
pagkakaiba ng dalawang ito?

“maám ang white colar job po ay


ang mga abogado, doctor,
inhenyero, ang blue colar job
naman po ay ang mga karpintero,
“samakatuwid, ang white colar job ay driver, magsasaka…
ang mga may kakayahang mental, mas
ginagamit nila ang kanilang isip kaysa
lakas sa pagagawa, samantalang ang
blue colar job naman ay may
kakayanahan pisikal, mas ginagamit
nila ang kanialang kakayahang pisikal
kaysa isip sa pagagawa. Ano ang
pangatlong salik?

“kapital bilang salik ng produksiyon,


ang kapital po ay tumutuloy hindi
lamang sa salapi na iyong ginagamit
sa pagbili ng mga ibang produkto o
sangkap sa paggawa ng iba pang
produkto, ito din po ay tumutukoy
sa makinarya, imprastraktura tulad
ng gusali, kalsada o tulay, maging
ang sasakyan na iyong ginagamit sa
paghahatid ng inyong mga
produkto ay dito din nakabilang.
“Ang panghuli ay ang
entrepreneurship bilang salik ng
produksiyon, ano ito?”
“ito naman po ay tumutukoy sa
kakayahan at kagustuhan ng isang
tao na magsimula ng isang negosyo.
Ito ang pag-oorganisa sa iba pang
salik ng produsiyon upang mas
mapaganda ang kakalabasan ng
produkto.
“mahusay mga bata, bigyan ang inyong sarili
ng tatlong palakpak at tatlong padyak!”

E. PAGPAPAHALAGA
“ Sa inyong palagay ano ang
kahalagahan ng produksiyo at ng mga
salik niyo?
“ang produksyon po kasi ang
tumutugon sa ating mga
pangangailangan, kung wala pong
produksiyon wala pong produkto at
serbisyo na maari nating gamitin at
pagkakitaan. Ang mga salik naman
nito gaya ng lupa, paggawa, kapital
at entrepreneurship ay mahalaga sa
produksiyon, kapag pinagsama-
sama ang mga ito ay makakagawa
ng isang produkto at serbisyo na
tutugon sa ating pang-araw araw na
pangangailangan.

F. EBALWASYON
Panuto: Ilista ang mga bagay na
ginamit sa paggawa ng sumusunod na
produkto. Ihanay ang mga sumusunod
kung ang salik ay lupa, paggawa,
capital, o entrepreneurship.
(15 minuto)

Produkto Mga Klasipikasyon


ginamit ng Salik ng
sa produksiyon
pagbuo
ng
produkto
1. 1. 1.
2. 2.
3 3
4 4
5 5

2. 1. 1.
2. 2.
3 3
4 4
5 5

3. 1. 1.
2. 2.
3 3
4 4
5 5

IV. TAKDANG ARALIN


Isulat sa kuwaderno.
Ano-ano ang mga organisayon ng Negosyo.

Inihanda ni:
LOVELYN G. VERAŇA
Teacher 1-Aplikante

You might also like