You are on page 1of 12

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

(Pangangailangan at Kagustuhan)
PAKSA: Hirarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow

I. LAYUNIN:

Kasanayan sa Pagkatuto:

AP9MKE-Id-9-Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan.

Sa pagtatapos ng 60 minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga kategorya ng pangangailangan sa pamamagitan ng


aktibidad na “Pangangailangan ko ibigay mo!”
2. Naisusulat ang mga hirarkiya ng pangangailangan ng tao batay sa Teorya
ni Abraham Maslow.
3. Mabigyang halaga ang iba pang pangangailangan ng tao bukod sa
batayang pangangailangan nito.

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Hirarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow.
B. Sangunian:
 APA
 APA
C. Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Larawan, Cartolina, Worksheet.
D. Pagpapahalaga: Pagtutulungan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa Guro
3. Pagsasaayos ng silid-aralan at Patakaran sa loob ng silid aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Balitaan (2 minuto)
6. Balik-aral (5 minuto)

1
Guro Mag-aaral
Balik-Aral Tubig at Pagkain po ma’am.

Magbigay ng dalawang halimbawa ng


pangangailangan.

Mahusay, Allan
Ito ay mga bagay na ibig natin at nagbibigay ng Kagustuhan po ma’am.
panandaliang kasiyahan?

Magaling, Chiz

7. Pagganyak:
Gawain 1 (Picture Puzzle)

 Hahatiin ang mag-aaral sa apat na pangkat na may tig pitong


miyembro.
 Bibigyan ang bawat grupo ng mga bahagi ng picture puzzle na
kanilang bubuuin sa pamamagitan ng pag dikit dikit dito.
 Ang unang makakabuo sa larawan ay bibigyan ng limang (5)
puntos.

Magbibigay ng clue ang guro batay sa paksa.

Clue:
Siya ay isang psychologist na lumikha ng isang teorya kaugnay sa
pangangailangan.

 Bibigyan ng limang (3) minuto ang bawat grupo upang buuin ang
larawan at tukuyin kung sino ito.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino sa tingin ninyo ang larawan na inyong nabuo
2. Kung pagbabasehan ninyo ang larawan ni Abraham Maslow,
ano sa tingin ninyo ang kanyang disposisyon sa buhay?
Masasabi niyo ba na nakukuha niya ang kanyang mga
pangangailangan?

2
Guro Mag-aaral

Pagganyak (Pamprosesong Tanong):

Sino sa tingin ninyo ang larawan na inyong Si Abraham Maslow po ma’am.


nabuo?

Magaling, Maricar.

Kung pagbabasehan ninyo ang larawan ni Mukhang masaya at kuntento po siya


Abraham Maslow, ano sa tingin ninyo ang ma’am kaya sa palagay ko nakukuha
kanyang disposisyon sa buhay? Masasabi niyo niya ang kanyang mga
ba na nakukuha niya ang kanyang mga pangangailangan.
pangangailangan?

Sang-ayon ako sayo Luis. Mukha nga siyang


kuntento.

Meron naba kayong ideya sa tatalakayin natin Tungkol po sa Pangangailangan ayon


ngayong araw na ito? kay Abraham Maslow ma’am.

Tumpak Vico.

Ang tatalakayin natin ngayon ay isang Teorya ng


Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow.

Ito naman ang ating mga layunin sa ating aralin


ngayong araw:

 Nasusuri ang mga kategorya ng


pangangailangan sa pamamagitan ng
aktibidad na “Pangangailangan ko ibigay
mo!”
 Naisusulat ang mga batayan ng
pangangailangan ng tao batay sa Teorya
ni Abraham Maslow.
 Mabigyang halaga ang iba pang
pangangailangan ng tao bukod sa
batayang pangangailangan nito.

3
B. Paglinang ng Aralin:
Gawain 2 (Pangangailangan ko, Ibigay mo!)

 Ang apat na pangkat na nabuo sa unang gawain ay magsasagawa


muli ng pangkatang gawain.
 Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may lamang mga larawan at
pentel pen na panulat.
 Sila ay pupunta sa apat na istasyon kung saan may mga hinihingi
na kailangan nilang ibigay gamit ang mga larawan sa sobre.
 Magsisimula ang grupo sa istasyon na kapareho ng kanilang
numero.
 Bibigyan ng dalawang (2) minuto ang bawat grupo na ibigay ang
hinihingi ng bawat istasyon bago makapagpatuloy sa susunod na
istasyon.
 Pagkatapos maibigay ang hinihingi ng apat na istasyon, babalik
sila sa istasyon kung saan sila nagsimula. Susuriin nila ang mga
nakadikit na larawan at base dito ay pupunan nila ang kulang na
letra sa nakasulat na pamagat sa itaas ng mga dinikit na larawan.
 Bibigyan sila uli ng dalawang (2) minuto sa pagbuo ng pamagat.
 Ididikit nila ang parihabang kartolina na may mga larawan at
pamagat sa pisara at iuulat ang kanilang sagot.

PUNTOS:

Tamang Larawan
(2 puntos sa bawat tamang larawan) 16 puntos

Tamang Pamagat 4 puntos

Kabuuan 20 puntos 4
GURO MAG-AARAL

Paglinang ng Aralin (Pamprosesong Tanong)

Batay sa Gawain na ating ginawa, ilan ang Ayon kay Maslow, Lima po ang
hirarkiya ng pangangailangan ayon kay Maslow? hirarkiya ng Pangangailangan ma’am.

Tama, magaling Rodrigo.

Ano naman ang unang baitang batay sa Pangangailangang Pisyolohikal po


nakalagay sa pisara? ang nasa unang baitang, ma’am.

Magaling, Lenie.

Bakit kaya nasa unang baitang ang pisyolohikal Ito po kasi ang pinakaimportante sa
na pangangailangan? lahat na mapunan dahil po hindi tayo
mabubuhay kung wala ito.
May punto ka Chiz.

Sa tingin niyo ba dapat punan muna natin ang Opo ma’am, kasi po pag gutom tayo
unang baitang bago tayo pumunta sa ikalawa hindi na tayo makakapag isip ng tama
tapos sa ikatlo, ikaapat at sa ikalimang baitang? o kung ano pang kulang sa atin
Bakit? maliban sa pagkain.

Tama ka Rodrigo.

Talakayan (Socratic Questioning)

Suriin nga natin ng mabuti ang bawat baitang sa


Hirarkiya ng Pangangailangan:

Ano nga ulit ang unang baitang? Pisyolohikal na Pangangailan po


(sabay sabay na pagsagot).
Magaling.

 Bakit kaya nasa unang baitang ang Ito po kasi ang pinakaunang dapat
pisyolohikal na pangangailangan? natin mapunan ma’am. Maari po
kasing hindi na tayo makafunction
kung wala ang mga ito o maari po
tayong mamatay.

5
Mahusay na realisasyon Gloria.

 Ano ang pwedeng mangyari kung hindi Tulad po ng sinabi ni Gloria maari po
natin ito matutugunan? tayong mamatay ma’am.

Tama, Julius

Ang PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL


ay….
 Nakapaloob dito ang pangangailangan ng
tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog,
kasuotan, at tirahan.
 Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot ng sakit o humantong
sa pagkamatay

Ngayon, tingnan naman natin ang ikalawang Pangangailangan ng Seguridad at


baitang, ano kaya ito? Kaligtasan po.

Tumpak, Migs.

 Masasabi nyo ba na ang matatag na Opo ma’am. Kasi po masisiguro po


hanapbuhay ay halimbawa rin ng nito ang pagkain natin sa araw araw
pangangailangan ng seguridad at at iba pang pangunahing
kaligtasan? Bakit? pangangailangan para mabuhay.

Mahusay, Bong.

Tingnan nga natin kung ano pa ito:

Ang PANGANGAILANGAN NG SEGURIDAD AT


KALIGTASAN ay….

 Magkakaroon ng pangangailangang ito


kapag natugunan na ang naunang
pangangailangan.
 Kabilang dito ang kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa
karahasan, katiyakang moral at
pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at
seguridad sa kalusugan.

Sino naman ang makapagbibigay ng ikatlong


Pangangailangang Panlipunan po.
6
baitang ng pangangailangan?

Magaling, Riza.

 Bakit mahalaga ang magkaroon ng Importante po ito kasi po sila po ang


kaibigan, pamilya at makipag-ugnayan sa magbibigay sayo ng lakas kung
iba? napapagod ka na at sila ang nagiging
dahilan upang ipagpatuloy ang
buhay.

 Ano kayang pwedeng mangyari kung mag- Mahihirapan po tayo, kasi po sab inga
isa lang tayo? Kaya ba nating matugunan “no man is an Island.
lahat ng pangangailangan natin ng
nagiisa?

Napakahusay, Grace.

Suriin nga natin ito:

Ang PANGANGAILANGANG PANLIPUNAN ay….

 Kabilang dito ang pangangailangan na


magkaroon ng kaibigan, kasintahan,
pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga
gawaing sibiko.
 Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa
kaniyang kapwa at makisalamuha
sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya kayang
tugunan na mag-isa.
 Maaaring magdulot ng kalungkutan at
pagkaligalig ang sinumang hindi
makatutugon sa pangangailangang ito.

Ano naman kaya ang ikaapat na baitang ng Pagkamit ng Respeto sa sarili at


pangangailangan? respeto ng ibang tao po.

Tama, Imee.

 Bakit importante ang magkaroon ng Mahalaga po ito para magkaroon


tiwala at respeto sa sarili? tayo ng lakas ng loob na abutin ang
ating mga pangarap at para hindi
natin maliitin ang ating sarili.

Maari pong maliitin natin ang ating


 Ano ang pwedeng mangyari kung wala sarili at mapanghinaan ng loob para
7
tayo nito? gawin ang ating mga ninanais.

Hindi rin po tayo makakakuha ng


respeto at hindi magiging maganda
 Ano naman ang mangyayari kung hindi ang ugnayan natin sa ating kapwa.
tayo marunong rumespeto sa iba?

Mahusay, Manny.

Tingnan nga natin ng Mabuti:

Ang PAGKAMIT NG RESPETO SA SARILI AT


RESPETO NG IBANG TAO ay….

 Kailangan ng tao na maramdaman ang


kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon.
 Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili
ay nagpapataas ng kanyang dignidad
bilang tao.
 Ang mga kakulangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot sa kanya ng
mababang moralidad at tiwala sa sarili na
maaaring nagmula sa pagkapahiya,
pagkabigo, at pagkatalo.
Kaganapan ng pagkatao po.
At sino naman ang makapagbibigay sa huling
baitang ng hirarkiya ng pangangailangan?

Tumpak, Vico.

Opo ma’am.
 Naniniwala ba kayo na lahat ng tao ay
may kanya kanyang talento at kakayahan?
Opo, nais ko pong maging mahusay
 Ninanais niyo rin bang makamit ang na inhinyero. Nais kong magpatayo
inyong mga pangarap at maabot ang ng mga bahay para sa mahihirap.
inyong potensyal? Bakit?

Wow, ang ganda ng layunin mo Isko.

Ngayon, tingnan natin ng mas Mabuti ang baitang


na ito.

KAGANAPAN NG PAGKATAO

8
 Ito ang pinakamataas na antas ng
pangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow
na ang taong nakarating sa antas na ito ay
nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa
kasagutan sa halip na katanungan.
 Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa
kasama ang ibang tao.
 Ang mga taong nasa ganitong kalagayan
ay hindi mapagkunwari at totoo sa
kanyang sarili. May kababaang loob at
may respeto sa ibang tao.

C. Pangwakas na Gawain:
a. Paglalapat (BAITANG-BAITANG)
 Isulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng
tao batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng
mga halimbawa.
 Sa ikalimang baitang ay ilagay ang pangalan ng kilalang tao na inspirasyon
mo na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.

9
b. Paglalahat
1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow?
2. Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang
baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?
3. Bilang isang mag-aaral at sa edad ninyo ngayon, anong baitang na ba ang
naabot ninyo?
4. Paano ninyo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat
ninyong gawin upang maabot ang pinakamataas na baitang kagaya ng iyong
inspirasyon?

GURO MAG-AARAL

Paglalahat

Tumungo naman tayo sa paglalahat.

Sino ang makabibigay sa akin ng mga


pangangailangan ng tao ayon kay Abraham
Maslow?

Yes, Chiz? Ang Pangangailangan po ng tao ay


pangangailangang pisyolohikal,
pangangailangan ng seguridad at
kaligtasan, pangangailangang
panlipunan, pagkamit ng respeto sa
sarili at sa ibang tao at kaganapan ng
pagkatao.

Napakahusay Chiz. Ito nga ang limang


pangangailangan ayon sa Teorya ni Abraham
Maslow.

Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, Hindi po pwedeng makarating sa


ikatlo hanggang sa ikalimang baitang na hindi ikalawa, ikatlo hanggang sa
dumadaan sa una? Bakit? ikalimang baitang kung hindi pa
dumadaan sa una. Kasi po ayon kay
maslow, kailangan muna nating
mapunan ang nasa pinakaunang
baitang bago natin punan ang nasa
itaas.

Tama ka Vico.

10
Ayon kay Maslow, kailangan muna nating
mapunan o masatisfy ang pinakaunang baitang
bago natin mapunan ang mga susunod. Dahil
ayon sa kanya, habang patuloy na napupunan ng
tao ang kaniyang batayang pangangailangan,
umuusbong ang mas mataas na antas ng
pangangailangan

Bilang isang mag-aaral at sa edad ninyo ngayon, Sa tingin ko po nakaabot na po ako sa


anong baitang na ba ang naabot ninyo? Sino ang ikatlong baitang, ang
maaaring makapagbahagi? pangangailangan panlipunan.

Yes, Lenie?

Salamat sa iyong pagbabahagi Lenie.

Paano ninyo mararating ang pinakamataas na Para po makarating sa pinakamataas


baitang? Ano ang dapat ninyong gawin upang na baitang ay kailangan ko pong
maabot ang pinakamataas na baitang kagaya ng magsikap para punan ang mga
iyong inspirasyon? naunang apat na baitang. Kailangan
kung mag-aral ng mabuti, magkaroon
ng tiwala sa sarili at magsikap upang
maabot ang aking mga mithiin sa
buhay, hindi lang para sa sarili ko
kundi para rin po sa pamilya at sa
aking komunidad.

Napakahusay Rodrigo. Ipagpatuloy mo lang yan


at sigurado akong maaabot mo ang iyong mga
minimithi sa buhay.

Kaya kayong lahat mga bata, dapat magkaroon ng


pagpapahalaga sa sarili. Lahat kayo ay mayroong
mga natatanging talento at lakas na ipinagkaloob
ng Diyos upang gamitin hindi lang para sa
ikauunlad ng inyong mga sarili kundi higit sa
lahat para sa ikauunlad ng ating bansa.

11
IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Tukuyin kung anong kategorya ng pangangailangan ayon kay


Maslow ang mga sumusunod:
1. Malusog na pangangatawan
2. Kasuotan
3. Pagkakaroon ng pamilya at mga kaibigan
4. Tiwala sa sarili
5. Mapagpahalaga sa buhay
B. Sanaysay:
Bukod sa pisyolohikal na pangangailangan, kung papipiliin kayo ng isang
baitang sa hirarkiya ng pangangailan ano ito at bakit ito ang pinili mo?

V. KASUNDUAN
1. Magdala ng mga larawan ng personalidad sa inyong komunidad.

12

You might also like