You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN G-

9
Ekonomiks

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto


ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, 75%- 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kahulugan ng pagkonsumo;


2. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo;
3. Napapahalagahan ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.

II. Nilalaman
A. Paksa
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
B. Sanggunian
 Ekonomik pahina 62- 63
 https://www.youtube.com/watch?v=_o9RuC-xMCo
 https://www.youtube.com/watch?v=SdwhCgX9cmE
 https://www.youtube.com/watch?v=9uK4mye3zy0
 https://www.youtube.com/watch?v=czUsrbk2WKU
 https://www.youtube.com/watch?v=YSnRrKOLwwk
 https://www.youtube.com/watch?v=hjrRtGlx6aU
C. Kagamitan



D. Konsepto
1. Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng produkto o
serbisyo na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
2. Mga salik na nakakaapekyo sa pagkonsumo ay pagbabago ng
presyo, kita, mga inaasahan, pagkakautang, at demonstration effect.
E. Kasanayan
1. Aktibong pakikinig ng mga mag-aaral
2. Partisipasyon sa mga gawain ng mga mag-aaral
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago natin simulan ang ating aralin, tumayo


muna ang lahat para sa isang panalangin.
Pangungunahan tayo ni
(tumayo ang lahat para sa isang panalangin)

Panginoon, nagpapasalamat po kami sa iyong taos


pusong pagbibigay ng biyaya sa amin araw-araw.
Dalangin ko po patuloy Mong paggabay sa amin
sa lahat ng aming gagawin. Amen.
2. Pagbati

Magandang umaga klas!


Magandang umaga rin po!

Bago kayo maupo, isaayos muna ang inyong


mga upuan at pulutin ang kalat sa ilalim nito.

3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

Tumayo ang sekretarya ng klase at iulat kung


sino ang lumiban sa klase ngayong araw.

Mabuti kung ganoon. Palakpakan ninyo ang Wala pong lumiban sa ating klase ngayong araw
inyong mga sarili sapagkat walang lumiban sa
inyong klase ngayong araw.

4. Pagwawasto ng Takdang Aralin

Kahapon ay binigyan ko kayo ng takdang


aralin, nagawa ba ninyo?

Ilabas ninyo ito at upang atin itong maiwasto. Opo!

(Mga Kasagutan)
1. c
2. d
3. a
4. c
5. b
Sino ang nakakuha ng perpektong iskor?

(Nagtaas ng kamay ang mga bata)


Mahusay! Ipasa ninyo ang inyong mga papel
patungo sa harapan.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagbabalik-Aral

Kahapon tayo ay may tinalakay na aralin,


tungkol saan ng aba ang tinalakay natin na ito?

Tungkol po sa mga Salik ng Produksiyon.


Tama! Balikan natin kung ano nga ba ang mga
salik na ito. Mayroon akong inihandang mga
nakagulong letra rito, isaayos ninyo ito upang
malaman natin kung ano ang nilalaman ng mga
nito. Magtaas lamang ng kamay kung sino ang
nais sumagot. Maliwanag ba?

Opo.
Kung gayon simulan na natin.
Mga nakagulong letra:
(LPUA)
(PWAGGA)
(KATIAPL)
(ENRPERTEUNERHSIP)

LUPA
PAGGAWA
KAPITAL
ENTREPRENEURSHIP
Magaling! Ako ay natutuwa sapagkat tunay
ngang naunawaan ninyo ang ating aralin
kahapon.

2. Pagganyak

Mayroon akong inihandang mga komersyal,


panoorin ninyo ito at alamin natin ang inyong
galing sa pagtukoy ng mga produkto na
makikita sa komersyal. Paunahan lamang sa
pagtaas ng kamay kung sino ang mga nais na
sumagot. Handa na ba kayo?
Opo, handa na po kami.
(Ipapanood ang mga iba’t-ibang komersiyal sa
telebisyon) (Panonoorin ng mga mag-aaral ang video)

(Mga produktong ipapakita:


Sunsilk, Green Cross Alcohol, Selecta Ice
Cream, Lucky Me Pancit Canton, Jollibee,)
(Huhulaan ng mga mag-aaral ang ipinapalabas
na komeriyal)
Napakahusay ninyo sa paghula ng mga
komersiyal! Bigyan niyo ang inyong mga sarili
ng Ang Galing Clap!
(Pumalakpak ang mga mag-aaral)
Sa mga produktong inyong napanood, alin sa
mga ito ang inyong tinatangkilik at bakit?
Sunsilk po, dahil mura lang itong nabibili sa mga
tindahan.
Mahusay! Ano pang produkto?
Alcohol po, dahil kailangan po natin ito lalo na po
ngayong may pandemic.
Magaling! Mayroon pa bang magbibigay ng
karagdagan?
Selecta ice-cream po, dahil iniindorso po ito ng
paborito kong artista.
Magaling! Ang lahat ng inyong sinabi ay tama.
Isa-isahin nga ulit natin kung ano ang inyong
mga sinagot na dahilan kung bakit ito ay
inyong tinatanggkilik.

1. Mura
2. Kailangan
3. Iniindorso ng kilalang artista
Mahusay! Ang mga nabanggit na iyon ay
tinatawag na Mga Salik na Nakakaapekto sa
Pagkonsumo, na ating tatalakayin ngayong
araw.

3. Pagtatalakay

Bago tayo tumungo sa mga salik, alamin muna


natin kung ano ba ang kahulugan ng tinatawag
nating pagkonsumo. Mayroon ba sa inyo na
maaring magbigay ng kahulugan ng
pagkonsumo? Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng
produkto o serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao at tumutugon sa kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
Magaling! Ang napakaraming
pangangailangan at kagustuhan ng tao ang
dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon
nga kay Adam Smith sa kanyang aklat na “An
Inquiry into the Nature and Cause of the
Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin
ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga
tao.

May iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa


pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba
ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit
nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng
kanilang pagkonsumo. Base sa napanood
ninyong komersyal kanina, ano nga ba ulit ang
dahilan ninyo kung bakit niyo tinatangkilik
ang produkto?

Dahil po mura.

Tama! Paano ba natin malalaman na mura ang


isang produkto? Ano ba ang tinitignan natin?
Ang presyo po ng produkto.
Mahusay! Ano ba ang nangyayari pagmataas o
mababa ang presyo ng isang produkto?

Mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang


presyo samantalang mababa ang pagkonsumo
kapag mataas ang presyo.

Magaling! May pagkakataon na nagiging


motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo
sa pagkonsumo ng isang tao. Kadalasan, mas
tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o
serbisyo kapag mura dahil mas marami silang
mabibili. Samantala, kaunti naman ang
kanilang binibili kung mataas ang presyo.
At base sa presyo, naghahanap ka ng mura at
iniiwasan ang mga mahal, ano nga ba ang
iyong nagiging basehan sa pagbili?
Pera po na gagamitin sa pagbili.

Tama! Saan ba nanggagaling ang pera na ito?


Ito po ang galing sa kita ng isang tao.
Mahusay! Paano ba nakakaapekto ang kita sa
pagkonsumo ng tao?

Ang kita ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo


ng tao dahil kung malaki ang kita mas malaki ang
kakayahan na makabili ng produkto samantala
kung maliit ang kita ng tao mas maliit lang ang
kakayahan niyang makabili ng produkto.
Magaling!
Ang Ayon
tanong, kay John Maynard
sa sitwasyon Keynes,
na ito, ano sa
sa tingin
niyo ang salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo ni Liza?
May inaasahan po.
Tama! Ano nga ba ang inaasahan niya?

May bonus na darating sa kanya.


Magaling! Ang mga inaasahang mangyayari sa
hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa
kasalukuyan. Magbigay pa nga ng halimbawa
ng inaasahan.
Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na
magkakaroon ng kakulangan sa supply ng
produkto dahil sa kalamidad, tataas ang
pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang
paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.
Kahanga-hanga ang inyong kasagutan!
Gayundin naman kapag may banta ng
kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang
pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay
pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi
at binabawasan ang pagkonsumo upang
mapaghandaan ang mga mangyayari sa mga
susunod na araw o panahon. Kung positibo o
maganda naman ang pannaaw sa hinaharap,
maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang
pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang
inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng
bonus at iba pang insentibo.
Bukod rito, ano pa ang nakita niyong salik sa
sitwasyon?
Pag-utang po.

Tama! Paano nakakaapekto ang pagkakautang


sa pagkonsumo?
Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang
tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang
salapi upang pambayad dito.

Napakahusay! Ang taong maraming


pagkakautang ay magdudulot ng pagbaba sa
kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang
kaniyang kakayahan na makabili ng produkto
o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan
niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang
ang binabayaran niyang utang.
Malinaw ba sa inyo ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo?
Opo!

Magaling kung ganoon. Bigyan ng palakpak


ang inyong mga sarili dahil sa partisipasyon
ninyo sa ating pagtatalakay.
(Pumapalakpak ang mga mag-aaral)
3. Paglalapat

Hindi maitatanggi na ang pandemyang


COVID- 19 ay Malaki ang naging epekto sa
ekonomiya ng maraming bansa sa buong
mundo, kabilang na ang Pilipinas. Ibig sabihin
nito ay naapektuhan din ang pagkonsumo ng
mga tao. Sa panahong ganito, anu-ano ang mga
pangunahing pagkonsumo ang inyong
isinaalang-alang? Anu-ano ang mga salik na
nakaapekto sa naturang desisyon ng inyong
pamilya? Sagutin ang mga ito gamit sa
pamamagitan ng pagbuo sa graphic organizer.
MGA KONSUMO MGA SALIK

4. Paglalahat

Para malaman natin kung lubos niyo ngang


naunawaan ang ating aralin, may inihanda ako
ritong mga karton na may mga bilang, at ang
bawat bilang ay naglalaman ng mga larawan.
Mayroon din ako ritong isang kahon na

naglalaman naman ng inyong mga pangalan.


Bubunot ako sa kahon ng pangalan at kung
sino ang aking mabubunot ay pipili ng numero
at ang larawan na nakapaloob dito ay kanyang
susuriin at tutukuyin kung anong salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo ito. Maliwanag Opo.
ba?

Kung gayon, simulan na natin.

Mga nakapaloob na mga larawan

(Ang mga mag-aaral ay sumagot sa


mga katanungan)

Mahusay klas! Palakpakan niyo ang inyong


mga sarili sapagkat labis niyo ngang
naunawaan ang ating aralin.

5. Pagpapalahalaga

Bilang isang konsyumer, bakit nga ba


mahalaga na malaman natin ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo? Para po maging isang matalinong mamimili tayo.

Mahusay! Ano pa ang kahalagahan nito? Para po malaman natin ang ating batayan sa
pagpili ng produkto.

Magaling! Tulad ng sinabi ko sa una nating


pagtatalakay, ang mga tao ay may
napakaraming pangangailangan at kagustuhan
na siyang dahilan kung bakit may
pagkonsumo. At upang maiwasan ang
kakapusan, kakulangan
at kahirapan, dapat isaalang-alang ng tao ang
mga salik na nakakaapekto sa kanyang
kakayahan sa pagkonsumo.

Mayroon pa ba kayong katanungan?


Wala na po.

Kung wala na kayong mga katanungan,


kumuha kayo ng ikaapat na bahagi ng papel
para sa ating pagsusulit.

IV. Pagtataya

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, at tukuyin kung anong Salik na
Nakakaapekto sa Pagkonsumo ang isinasaad dito.
1. Ibinabalita sa telebisyon na mayroong papasok na bagyo sa area of responsibility
ng bansa kaya habang wala pa ang naturang bagyo namili na ng maraming
kakailanganin ang pamilya ni Aling Marites.
2. Dahil tumaas na ang ranggo ng kaniyang ama, ay nakapagbakasyon na ang
kanilang pamilya sa ibang bansa.
3. Lumipat na siya ng bagong produktong pampaganda dahil mas nakatipid siya rito.
4. Nakita niya sa Instagram ng kanyang iniidolong artista ang bagong istilo ng
gupit kaya ginaya niya ito.
5. Dahil sa pagkakasakit ng ama ng tahanan ay marami silang utang na
dapat bayaran, kung kaya’t sila ay nagbawas sa pagkonsumo ng produkto.

Mga Sagot:
1. Mga inaasahan
2. Kita
3. Pagbabago ng Presyo
4.Demonstration Effect
5. Pagkakautang

V. Takdang-aralin

Sa isang Oslo Paper, gumawa ng poster na nagpapakita ng mga Salik na


Nakakaapekto sa Pagkonsumo. Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng inyong gawa.

You might also like