You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

(Pangangailangan at Kagustuhan)
PAKSA: Teorya ng pangangailangan ni Maslow

I. LAYUNIN:

Kasanayan sa Pagkatuto:

AP9MKE-Id-9-Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga kategorya ng pangangailangan sa pamamagitan ng


aktibidad na “Pangangailangan ko ibigay mo!”
2. Naisusulat ang mga batayan ng pangangailangan ng tao batay sa Teorya
ni Abraham Maslow.
3. Mabigyang halaga ang iba pang pangangailangan ng tao bukod sa
batayang pangangailangan nito.

II. NILALAMAN:
Aralin 2: Pangangailangan at Kagustuhan
Paksa: Teorya ng pangangailangan ni Maslow
Sangunian:
 APA
 APA
Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Larawan, Cartolina, Worksheet.
Pagpapahalaga:
Tinayang oras: 60 minuto

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa Guro
3. Pagsasaayos ng silid-aralan at Pagtatala ng liban
4. Balik-aral (Utos, Sunod, Sagot)
 Magbibigay ng tanong ang guro at tatawag ng estudyanteng
sasagot.

1
 Bubunot ang estudyante ng strip na may lamang utos kung
papaano sasagutin ang tanong.

TANONG UTOS
Magbigay ng dalawang Sagutin ng pakanta sa tono ng
halimbawa ng pangangailangan. “Tala”
Ito ay mga bagay na ibig natin Sagutin habang sumasayaw
at nagbibigay ng panandaliang ng “Ay Barbie Sabi Ko Na”
kasiyahan.

5. Pagganyak (Picture Puzzle-Pabuo!)


 Hahatiin ang mag-aaral sa apat na pangkat.
 Bibigyan ang bawat grupo ng mga bahagi ng picture puzzle na
kanilang bubuuin sa pamamagitan ng pag dikit dikit dito.
Magbibigay ng clue ang guro batay sa paksa.

Clue:
Siya ay isang psychologist na lumikha ng isang teorya kaugnay sa
pangangailangan.

 Bibigyan ng limang (5) minuto ang bawat grupo upang buuin ang
larawan at tukuyin kung sino ito.

2
Pamprosesong Tanong:
1. Sino sa tingin ninyo ang larawan na inyong nabuo
2. Kung pagbabasehan ninyo ang larawan ni Abraham Maslow,
nakuha ba niya ang kanyang pangangailangan at naabot ang
kanyang kagustuhan sa buhay? Bakit mo nasabi.

B. Paglinang ng Aralin (Pangangailangan ko, Ibigay mo!)

 Ang apat na pangkat na nabuo sa unang gawain ay magsasagawa


muli ng pangkatang gawain.
 Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may lamang mga larawan at
pentel pen na panulat.
 Sila ay pupunta sa apat na istasyon kung saan may mga hinihingi
na kailangan nilang ibigay gamit ang mga larawan sa sobre.
 Magsisimula ang grupo sa istasyon na kapareho ng kanilang
numero.
 Bibigyan ng dalawang (2) minuto ang bawat grupo na ibigay ang
hinihingi ng bawat istasyon bago makapagpatuloy sa susunod na
istasyon.
 Pagkatapos maibigay ang hinihingi ng apat na istasyon, babalik
sila sa istasyon kung saan sila nagsimula. Susuriin nila ang mga
nakadikit na larawan at base dito ay pupunan nila ang kulang na
letra sa nakasulat na pamagat sa itaas ng mga dinikit na larawan.
 Bibigyan sila uli ng dalawang (2) minuto sa pagbuo ng pamagat.
 Ididikit nila ang parihabang kartolina na may mga larawan at
pamagat sa pisara at iuulat ang kanilang sagot.

PUNTOS:

Tamang Larawan
(1 puntos sa bawat tamang larawan) 5 puntos

Tamang Pamagat 5 puntos

Kabuuan 10 puntos

3
GURO MAG-AARAL

Batay sa Gawain na ating ginawa, ilan Lima po Ma’am.


ang hirarkiya ng pangangailangan ayon
kay Maslow?

Tama, magaling Rodrigo?

Ano naman ang unang baitang batay sa Pangangailangang Pisyolohikal


nakalagay sa pisara? po.

Magaling, Lenie.

 Bakit kaya nasa unang baitang Ito po kasi ang


ang pisyolohikal na pinakaimportante sa lahat na
pangangailangan? mapunan kasi po hindi tayo
mabubuhay kung wala ito.

 Sa tingin niyo ba dapat punan Opo ma’am, kasi po pag gutom


muna natin ang unang baitang tayo hindi na tayo makakapag
bago tayo pumunta sa ikalawa isip ng tama o kung ano pang
tapos sa ikatlo, ikaapat at sa kulang sa atin maliban sa
ikalimang baitang? Bakit? pagkain.

Suriin nga natin kung ano talaga ito:

PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL
 Nakapaloob dito ang
pangangailangan ng tao sa
pagkain, tubig, hangin, pagtulog,
kasuotan, at tirahan.
 Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito
ay maaaring magdulot ng sakit o
humantong sa pagkamatay

Ngayon, tingnan naman natin ang Pangangailangan ng Seguridad


ikalawang baitang, ano kaya ito? at Kaligtasan po.

Tumpak, Migs.

 Masasabi nyo ba na ang matatag Opo ma’am. Kasi po masisiguro


na hanapbuhay ay halimbawa rin po nito ang pagkain natin sa
ng pangangailangan ng seguridad araw araw at iba pang
at kaligtasan? Bakit? pangunahing pangangailangan
para mabuhay.

Mahusay, Bong.

Tingnan nga natin kung ano pa ito: 4

PANGANGAILANGAN NG SEGURIDAD
AT KALIGTASAN
C. Pangwakas na Gawain:
a. Paglalapat (BAITANG-BAITANG)
Isulat sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng tao
batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang mga ito ng mga
halimbawa. Sa ikalimang baitang ay ilagay ang pangalan ng kilalang tao na
inspirasyon mo na sa palagay mo ay nakaabot sa antas na ito.

b. Paglalahat
1. Ano ang mga pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow?
2. Puwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang
baitang na hindi dumadaan sa una? Bakit?
3. Bilang isang mag-aaral, anong baitang na ba ang naabot mo?
4. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong
gawin upang maging kagaya ng iyong inspirasyon?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong kategorya ng pangangailangan ayon kay Maslow
ang mga sumusunod:
1. Malusog na pangangatawan
2. Kasuotan
3. Pagkakaroon ng pamilya at mga kaibigan
4. Tiwala sa sarili
5. Mapagpahalaga sa buhay

5
V. KASUNDUAN
1. Magdala ng mga larawan ng personalidad sa inyong komunidad.

You might also like