You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Petsa: July 10, 2019 Molave – 2:50 PM – 3: 50 PM

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang araw- araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay maisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang arw- araw na pamumuhay.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Code: AP9MKE – Ic-7
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon.

I. LAYUNIN
1. Nailalahad ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan.
2. Nasusuri ang mga hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow sa pamamagitan ng
pangkatang gawain.
3. Napapahalagahan ang mga naitalang pangangailangan ng isang mag-aaral.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Kagustuhan at Pangangailangan
b. Sanggunian: Ekonomik (Batayang Aklat) IV pp 37
c. Kagamitan: Manila Paper, Chalk, Laptop o TV, mga kaugnay na larawan

III. PAMAMARAAN

1. Balitaan
2. Balik – aral: Sa anong dahilan itinuturing na suliraning panlipunan ang kakapusan?
3. Pagganyak:
 Tatawag ang guro ng apat na representante na pupunta sa harap.
 May nakadikit na larawan ng apat na tao (guro, karpentero, doctor at tindera) sa
pisara.
 May mga label na nakadikit sa pisara at isasaayos ng mag-aaral ang mga label na ito
kung saan sa apat na larawan ito naiuugnay.
A1. Gawain:
1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng larawan na ginamit sa pagganyak, cartolina, marker,pandikit at
mga piraso ng papel na may nakasulat na label ng mga antas ng hirarkiya.
3. Ididikit ng mga mag-aaral ang mga ito sa cartolina na may guhit na blanko na tatsulok
hahayaan silang idikit ang mga papel sa tamang bahagi ng tatsulok.
4. Iaayon nila ang pagdikit ng mga label sa pangangailangan ng larawan ng taong nakatalaga sa
kanilang pangkat.
Pangkat I – Guro Pangkat II – Doktor
angkat III- Karpentero Pangkat IV – Tindera
5. Bawat pangkat ay pipili ng representante na mag-uulat sa harap ng klase sa kanilang natapos
na gawain.
6. Sasagutin at ipapaliwanag ng taga-ulat ang nakatalagang tanong sa pangkat.
A2. Paglilinang sa Gawain:
Pamprosesong tanong:

Pangkat I – Ipaliwanag ang pagkasunod- sunod ng hirarkiya ng pangangailangan.


Pangkat II - Maaari bang makamit ang bawat pangangailangan nang hindi nagka sunod-sunod?
Ipaliwanag ang sagot.
Pangkat III – Bakit isang pyramid ang ginawang modelo ni Abraham Maslow? Bakit hindi bilog o
parihaba?
.
Pangkat IV – Bilang isang mag-aaral anu- ano ang iyong mga pangangailangan at saan nabibilang ang
mga ito sa hirarkiya ng pangangailangan?

A3. Paghahalaw:
Pagbuo muli sa mga kaisipan ng paksa.
1. Sino si Abraham Maslow?
2. Anu – ano ang mga hirarkiya ng teorya ng pangangailangan ni Maslow?
3. Ano nga ba ang kahalagahan ng pisyolohikal na pangangailangan sa teorya ni Maslow?
4. Bakit kailangang mapunan ang pangangailangang panlipunan?
5. Kailan ba ninyu masasabi na narating na ninyu ang kaganapan ng inyong pagkatao?
6. Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan?

A4. Paglalapat:

Panuto: Bawat pangkat ay magtatala ng sampong bagay na kailangan o gusto nila sa buhay.
Pagsunod- sunorin ito ayon sa kahalagahan nito sa iyo bilang mag-aaral.
Ipaliwanag kung bakit ganoon ang inyong ginawa.
Sagutin ang tanong:
Ano ang iyong pamantayan sa pagpili ng mga bagay sa iyong pangangailangan at
kagustuhan? Sa palagay mo makatwiran ba ito? Bakit?
Kailan nagiging pangangailangan ang kagustuhan?

PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung anong pangangailangan ito ayon sa hirarkiya ni Abraham Maslow.
Test A
__________1. Pagkain at pag – inom ng tubig sa araw- araw.
__________2. Pagtiriha sa bahay upang may masilungan.
__________3. Pakikisalamuha sa kapwa tao.
__________4. Pagnanais ng tao na maging maganda at malinis ang kanyang kapaligiran.
__________5. Pagbabasa ng aklat/ pagnanais na matuto.

Test B
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pangangailangan at kagustuhan.

__________1. Pagbili ng di tatak na damit.


__________2. Pagkain sa restawrant paminsan – minsan.
__________3. Nakikisalamuha at nagmamahal.
__________4. Pagpapatayo ng ilang bahay – bakasyunan.
__________5. Pagbabasa ng dyaryo araw- araw.
TAKDANG-ARALIN:

Panuto: Sa isang short bond paper, gumawa ng sariling bersyon ng hirarkiya ng pangangailangan
batay sa pagkasunod-sunod na gusto mo. Ilagay sa pinakailalim ng pyramid ang antas na gusto mong
maunang makamit o maisakatuparan. Kulayan o lagyan ng dekorasyon ang nagawa.
Pamantayan sa pagtataya:

Nilalaman – 5pts
Pagkamalikhain – 3 pts
Kalinisan – 2 pts
Kabuuan – 10pts

Inihanda ni:

Liezl O. Lerin
Teacher I

Sinuri ni:

Iris F. Espija__
School in Charge

You might also like