You are on page 1of 30

Panalangin (1 minuto)

Patalista (1 minuto)
Liban sa klase
Balik-Aral
(3 minuto)
BALIK-ARAL
LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang bawat antas ng hirarkiya
ng pangangailangan ni Maslow;
2. Nakabubuo ng jigsaw puzzle ng hirarkiya ng
pangangailangan ni Maslow; at
3. Nabibigyang halaga ang mga bagay na
kabilang sa bawat antas ng hirarkiya ng
pangangailangan ni Maslow.
 Upang maintindihan natin at malaman ang teorya
ng pangangailangan ay hahatiin ko kayo sa limang
grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang
parirala o pangungusap na pag-uusapan ng grupo.
Magbibigay ng mga halimbawa ng mga
pangangailangang hinihingi at inyong ipaliliwanag
kung bakit ba natin kailangan ang mga ito.
Matapos ninyong mag-brainstorm ay iuulat ng
inyong napiling lider ang inyong mga sagot.
Naintindhihan niyo ba?
 Ang mga sumusunod ay ang mga parirala /pangungusap na
ibibigay sa bawat grupo:
 Unang Grupo – Pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal
 Ikalawang Grupo – Pangangailangang pangkaligtasan at
seguridad
 Ikatlong Grupo – Pangangailangang maibig, makasapi at
makisalamuha
 Ikaapat na Grupo – Pangangailangang mapahalagahan ng ibang
tao
 Ikalimang Grupo – Pangangailangang maisakatuparan ang sarili
nating mga kakayahan at pagkatao.
Teorya ng Pangangailangan

 Ayon kay Maslow, habang


nagpapatuloy na napupunan
ng tao ang kanayang
batayang pangangailangan,
siya ay naghahanap ng mas
mataas na pangangailangan
(higher needs) ayon sa
pagkakasunod sunod sa
isang hirarkiya.
Pangangailangang pampisikal o
pisyolohikal
 Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao
sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan,
at tirahan. Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito ay maaaring
magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay.
Pangangailangang pangkaligtasan
at seguridad
 Itoay nauukol sa mga
pangangailangan para sa kaligtasan
at katiyakan sa buhay. Kabilang dito
ang katiyakan sa hanapbuhay,
pinagkukunang yaman, kaligtasan
mula sa karahasan, katiyakang
moral at physiological, seguridad sa
pamilya, at seguridad sa kalusugan.
Pangangailangang maibig, makasapi
at makisalamuha
 Kabilang dito ang pangangailangan na
magkaroon ng kaibigan, kasintahan,
pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga
gawaing sibiko. Kailangan ng tao na
makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at
makisalamuha sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya kayang
tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng
kalungkutan at pagkaligalig ang sinumang
hindi makatutugon sa pangangailangang
ito.
Pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao
 Kailangan ng tao na
maramdaman ang
kanyang halaga sa lahat
ng pagkakataon. Ang
respeto ng ibang tao at
tiwala sa sarili ay
nagpapataas ng
kanyang dignidad bilang
tao.
Pangangailangang maisakatuparan ang
sarili nating mga kakayahan at
pagkatao.
Pinakamataas na antas sa
hirarkiya.
Dito ang tao ay may
kamalayan hindi lamang sa
kanyang sariling potensyal
ngunit higit sa lahat sa
kabuuang potensyal ng tao.
Gabay na Tanong :
1. Pwede bang makarating ang tao sa ikalawa,
ikatlo hanggang ikalimang baitang nang
hindi dumadaan sa una? Bakit?
2. May kaugnayan ba ang hirarkiya ng
pangangailangan ni Abraham Maslow sa
pagkamit ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay?
PAGLALAHAT
Ang pangangailangan at kagusthan ng mga
tao ay walang katapusan. Batay sa
hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow,
ang pagtugon sa mga pangangailangang
nakapaloob sa bawat antas ay mahalaga sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
tao.
PAGPAPAHALAGA
1. Naranasan mo na bang
mahirapan dahil hindi mo
matugunan ang iyong mga
pangangailangan at kagustuhan?
2. Ano ang maari mong gawin
upang hindi mo maranasan ang
PAGPAPAHALAGA
1. Naranasan mo na bang
mahirapan dahil hindi mo
matugunan ang iyong mga
pangangailangan at kagustuhan?
2. Ano ang maari mong gawin
upang hindi mo maranasan ang
PAGPAPAHALAGA
3. Sa inyong barangay sa iyong
palagay natutugunan ba ng bawat
pamilya ang kani-kanilang
pangangailangan at kagustuhan?
Pangatwiranan.
PAGLALAPAT
Sumulat ng tsart o talaan ng iyong
mga pangangailangan ayon sa
teorya ng hirarkiya ng
pangangailangan ni Abraham.
Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat
sa kwaderno.
•Pagtataya
•Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik “K” kung ito ay tumutukoy sa mga bagay
na Kagustuhan at “P” kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan. (Isang
puntos sa bawat bilang)
__1. Damit __6. PSP
__ 2. Touchscreen Cellphone __7. Edukasyon
__ 3. Professional Camera __8. Bahay
__ 4. Tubig __9. Aklat
__ 5. Flatscreen TV __10. Kotse

Essay. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (5 puntos sa bawat bilang.)


•Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
•Iguhit ang Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at
ipaliwanag ang bawat baitang.

You might also like