You are on page 1of 3

Republic of the Philippine

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
REGIONAL LEAD SCHOOL FOR THE ARTS IN ANGONO
Angono, Rizal

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV


EKONOMIKS

I. LAYUNIN:
Pagkatapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan at ang mga anyo o istruktura nito.
2. Napaghahambing ang iba’t-ibang anyo ng pamilihan.
3. Nasusuri ang epekto sa lipunan ng iba’t-ibang anyo ng pamilihan.

II. NILALAMAN:
A. Paksa:
Sistema ng Pamilihan
(Iba’t-ibang istruktura ng pamilihan)

B.Kagamitan:
Metacards
Laptop
Projector

C. Sanggunian:
Ekonomiks, pahina 180-187
Batay sa PSSLC 1.11, 1.13 at 1.16

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan: ULAT PANG-EKONOMIYA – Mag-uulat ang nakatalagang mag-aaral ng mga
napapanahong balita hinggil sa ekonomiya ng bansa.

2. Balik-aral: TEXT TWIST- Ang guro ay maghahanda ng mga terminolohiya na may kinalaman sa
nakaraaang aralin. Isasaayos ng mga mag-aaral ang mga salita o grupo ng mga salita, matapos nito
ay bibigyan nila ng kahulugan ang nabuong salita.

B. Paglinang ng Aralin:
1. REBUS CHALLENGE- Gamit ang mga letra at larawan, subukan alamin ang salita na may
kinalaman sa paksang tatalakayin. Matapos nito, magbibigay ng mga ideya ang mga mag-aaral
hinggil sa konsepto ng pamilihan.

2. PANGKATANG GAWAIN: ACRONYM


Magbibigay ulit ang guro ng “rebus activity”, ito ay buuin ng bawat pangkat. Matapos mabuo, sila ay
lilikha ng acronym na nagpapakita ng katangian ng anyo ng pamilihan na nakatalaga sa kanila.
PANGKAT 1: Perpektong Kompetisyon
Komiks – iks + pe + patis – pa + tuyo – tu + n =

PANGKAT 2: Monopolyo
Mono + sipol – si + yoyo – yo =

PANGKAT 3: Oligopolyo
O + ligo + sipol – si + yoyo – yo =

PANGKAT 4: Monopolistikong Kompetisyon


Kompyuter-pyuter+perlas-rlas+atis-a+kanyon-kan=

Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman o Mensahe: 4
Paglalahad (paraan ng pag-uulat) 3
Kagamitang Biswal 2
Kooperasyon at disiplina 1
KABUUAN 10

3. MALAYANG TALAKAYAN
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang katangian ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan?
2. Ano ang pagkakaiba-iba ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Pagbubuod:
Ano ang pamilihan? Ano ang pangkalahatang katangian ng iba’t-ibang anyo ng pamilihan.

2. Pagpapahalaga:
Kung ikaw ay magiging entreprenyur, anong anyo ng pamilihan ang iyong nanaisin?

3. Pagtataya
Maiksing Pagsusulit

IV. TAKDANG ARALIN:


A.Gabay na Tanong:
1. Ano ang Makroekonomiks at ang mga saklaw nito?
2. Ipalwanag ang bawat saklaw nito.
B. Sanggunian:
Ekonomiks, pahina 194-201

Inihanda ni:

G. ANSEL GUILLIEN G. SAMSON


Guro I

You might also like