You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman ang pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan


2. Naiaangkop ng mahusay ang mga halimbawa ng Pangangailangan at
Kagustuhan
3. Nakakabuo ng sanaysay na nagpapakita ng kahalagahan ng
Pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay

II. NILALAMAN

A. Paksa
Yunit 1: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks
Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan

B. Batayan
Internet (Google)
Batayang Aklat ( Ekonomiks: 9)

C. Kagamitan
Video Presentation
Internet (Google)
Batayang Aklat (Ekonomiks 9)
PowerPoint Presentation

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtsek ng attendance
 Pagtsek ng paghahandang ginawa ng mga magaaral
 Balik – aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang KAKAPUSAN?  Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang
pinagkukunang yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao

 Pagganyak na Gawain
"Video Presentation"

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magpapakita ang guro ng Video
Presentation at pagkatapos nito ay
magtatanong ito sa mga estudyante
base sa kanilang nakita or napanood

Ano ang inyong napanood?


 Ipinakita po dito ang mga bagay na
Ano-ano ang mga ipinakita na Pangangailangan at Kagustuhan
halimbawa sa Pangangailangan?
 Bahay, Edukasyon, Trabaho, Pagkain
Ano naman ang ipinakita na halimbawa
sa Kagustuhan?
 Cellphone, Computer, Headphones
Ano sa tingin n'yo ang kahulugan ng
Pangangailangan?

Ano naman sa tingin n'yo ang  Ang Pangangailangan po ay ang mga


kahulugan ng Kagustuhan? kailangan ng isang tao para mabuhay

 Ang Kagustuhan naman po ay ang mga


Magaling at nasagot n'yo ang aking nagbibigay lamang ng kasiyahan at kalibangan
katanungan. Ang nakita niyo sa video sa isang tao
presentation ay may koneksyon sa pag-
aaralan natin ngayon. Ito ay ang
PANGANGAILANGAN AT
KAGUSTUHAN.

Ang Pangangailangan ay ang mga


bagay na lubhang mahalaga upang ang
tao ay mabuhay, kailangan natin ito sa
pang araw-araw kagaya ng damit,
pagkain, at tirahan. Kapag ito ay inalis
sa atin magdudulot ito sa atin ng iba't
ibang karamdaman at humantong sa
kamatayan.

Ang Kagustuhan naman ay ang mga


bagay na maari tayong mabuhay kahit
wala ang mga ito. Ito ang mga bagay na
nagbibigay sa tao ng kaligayahan o
kasiyahan. Sa madaling salita ito ay ang
mga luho ng isang tao.

Nakukuha na ba ang pagkakaiba ng


dalawa?

✓Opo

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain: "Saan ako Nababagay?"

a. Papangkatin sa dalawang grupo ang klase at magpapakita ang guro ng iba't ibang larawan
sa screen. Iwawasto ang bawat larawan kung saan ito karapatdapat Pangangailangan o
Kagustuhan. Ang bawat grupo ay pipili ng kanilang taga-ulat na magbabahagi ng kanilang
nagawang aktibiti. Bibigyan lamang ng labing limang minuto ang mga mag-aaral upang magawa
ito. Kung sino mang grupo ang may pinakamaraming nakuhang tama ay siyang magkakaroon ng
pinakamataas na makukuhang puntos.

2. Pagsusuri

Tatalakayin ng klase ang mga ginawang aktibi. Gagabayan ito ng guro.


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paano niyo pinili ang mga bagay at  Pinili namin ang mga bagay na Pangangailangan na
paano niyo ito iniaangkop sa ginagamit namin sa pang araw-araw na kailangan
Pangapangailangan at Kagustuhan?
Ano ang nagiging batayan mo sa pagpili  Ang naging batayan namin sa pagpili ng Kagustuhan ay
ng iyong Kagustuhan? inilagay lang namin ang alam naming hindi naman
kailangan para mabuhay

Ano ang nagiging batayan mo sa  Naging batayan namin ang ay pinili namin na ilagay ang
ginagawang pagpili ng iyong mga kailangan ng isang tao upang nabuhay dito sa mundo.
pangangailangan?
Kailan nagiging pangangailangan ang  Kapag ito ay nagiging kapakipakinabang saiyo bilang
isang kagustuhan? Bakit? isang tao. Halimbawa cellphone ito ay isang kagustuhan
pero sa kasalukuyang panahon maaring maging isang
necessity ng bawat tao.

3. Paghahalaw
Magbibigay ng karagdagan ang guro upang isaayos ang mga
ideya at madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Laging lamang tatandaan na pwedeng maging
Pangangailangan ang ibang Kagustuhan dahil
sa iba't ibang sitwasyon.

B. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Ang pangangailangan ay bagay na
Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kailangan ng tao at ang kagustuhan ay
kagustuhan? ang mga nagbibigay kasiyahan sa tao.

2. Pagpapahalaga

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Bilang isang ordinaryong mamamayan
Sa inyong paglagay paano nabibigyang halaga mahalaga ang pangangailangan dahil
ang Pangangailangan bilang isang tao? ito ay bagay na kailangan ng bawat isa

3. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Bilang isang mag-aaral paano kayo  Pinipili ko lamang ang mahahalaga sa
pumipili sa inyong binibili sa pang araw- pang araw-araw
araw na pamumuhay?
.

IV. EBALWASYON
:
1. Ano ang kahulugan pangangailangan?
2. Ano ang kahulugan ng Kagustuhan?
3. Bakit mahalaga ang pangangailangan sa pang – araw- araw na
pamumuhay ng isang tao? Ipaliwanag gamit ang sanaysay

V. TAKDANG ARALIN
1. Pag-aralan ang herarkiya ng Pangangailangan o Maslow's Hierarchy of Needs.

You might also like