You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City

Paaralan: Leandro V. Locsin Baitang: Grade 9


Integrated School Markahan: 1
GRADES 1 to 12 Asignatura:
Guro: ARVIN ALEKS T. MEDINA
DAILY LESSON PLAN Araling Panlipunan 9
Schedule Oras Section Petsa

I. LAYUNIN UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO


Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Pamantayang Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
Pangnilalaman pamumuhay.

Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing


konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
Pamantayan sa Pagganap
araw-araw na pamumuhay

Ang mga mag-aaral ay:


 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan
(needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon. (AP9MKE-
Mga Kasanayan sa Ic-7)
Pagkatuto  Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at
pangangailangan sa suliranin ng kakapusan. (AP9MKE-Id-8)
 Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan. (AP9MKE-Id-9)

Ang mga mag-aaral ay:


 Natutukoy at naipoproseso ang kabuuang ideya at konsepto ng
kagustuhan at pangangailangan sa pamamagitan ng gawaing may
pamagat na “TOP TEN LIST”
 Nakikibahagi sa pangkatang gawain na may pamagat na “ISLOGAN
Pangaraw-araw na MO NEED KO” sa pagpapalalim ng kabuuang ideya at konsepto ng
Pagkatuto Hirarkiya ng Pangangailangan ni Maslow
 Napahahalagahan ang mga tinalakay hinggil sa pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang open letter tungkol
sa mga pangangailangan at kagustuhan ng sariling lokal na
komunidad.

II. NILALAMAN
A. Paksa PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
 Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan
 Ang Kaugnayan ng Personal na Kagustuhan at Pangangailangan sa
B. Balangkas ng Aralin
Suliranin ng Kakapusan
 Hirarkiya ng Pangangailangan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang pahina 37, Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul sa Mag-aaral.
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdangang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
A. Iba pang Kagamitan Laptop, Cellphone, Projector, Speaker, Powerpoint Presentation
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang  Pagdarasal
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City

 Pagbati ng ISANG MAPAGPALANG UMAGA


 Pagkuha ng bilang ng pumasok at liban (pangungunahan ng mga lider
ng bawat pangkat)
 House Rules: (5 minuto)
 Balitaan: May mag-aaral na magbabahagi ng balita at kanyang
reaksyon dito. (5 minuto)

 Sulyap-kaisipan: RED FLAG o GREEN FLAG. Itaas ang GREEN


aralin o pagsisimula ng FLAG kung ang pangungusap ay wasto at itaas naman ang RED
bagong aralin FLAG kung ito ay mali.(Maaaring ipagamit ng guro ang cellphone ng
mga mag-aaral at ipa-save ang plain green and red background na picture
upang magamit nila sa gawaing ito.) (3 minuto)
1. Ang kakapusan ay umiiral dahil hindi limitado ang pinagkukunang-
yaman at may katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
2. Ang kakapusan o shortage ay nagaganap kung may
pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto kagaya
ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan
3. Ang Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na
nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang
makalikha ng mga produkto.
4. Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at
patuloy na paglaki ng umaasang populasyon ay palatandaan na
mayroong umiiral na kakulangan.
5. Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks.
TOP TEN LIST (5 minuto)
Panuto: Ang bawat pangkat ay kailangang magtala ng limang bagay na
mahalaga sa kanila bilang mga mag-aaral. Isulat ito nang sunod-sunod
ayon sa kahalagahan. Itala ang sagot sa kahong nasa ibaba. Isang
representante ng bawat pangkat ang magbibigay ng maikling
pagpapaliwanag sa kabuoan ng kanilang gawa.

B. Paghahabi ng layunin sa Limang bagay na mahalaga sa amin bilang mag-aaral ay


aralin ang mga sumusunod:

PAMANTAYAN SA PAGKAWASTO
 Nilalaman – 10 puntos
 Presentasyon – 10 puntos
 Pagkakaisa – 5 puntos
TARA’T ATING SAGUTAN (5 minuto)
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa inyo? Bakit?
2. Ano ang mga naging batayan ninyo sa ginawang listahan?
3. Pareho ba ang pagkakasunod-sunod ng inyong listahan sa listahan
C. Pag-uugnay ng mga ng inyong kamag-aral? Kung hindi, ano sa palagay ninyo ang
halimbawa at pagtalakay sa dahilan ng pagkakaiba ng mga ito?
konsepto at kasanayan TALAKAYIN (20 minuto)
Ipaliwanag na ang ginawang aktibidad ay pagsisimula ng talakayan hinggil
sa Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan:
Pangangailangan: Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan.
Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City

kailangan niya nito sa kaniyang pang-araw-araw na gawain. Ang pagkain, damit, at


tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao
kung wala ang mga ito.
 Mga bagay na kailangan ng isang tao.
 Mga bagay na kailangan sa araw-araw na gawain.
 Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na kailangan ng tao sa
pang araw-araw upang mabuhay at maging produktibo
Kagustuhan: Samantala, hindi sapat na may damit, tirahan, at pagkain lang ang
tao. Gusto niyang mabuhay nang marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay
naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan.
Tinatawag na kagustuhan ang paghahangad na ito ng tao.
 Ang kagustuhan po ay ang mga bagay na nais nating makuha.
 Ito po ay mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao.
 Ang kagustuhan naman ay mga bagay na nagpapasaya sa isang tao. Ito ay
hindi nakakaapekto sa kanyang kahusayan at pagiging produktibo

Ipabasa ang kuwento nina Tam at Mat bilang transisyon sa paksa hinggil sa
Ang Kaugnayan ng Personal na Kagustuhan at Pangangailangan sa
Suliranin ng Kakapusan

TARA’T ATING SAGUTAN (5 minuto)


1. Sa inyong palagay paano naipakita sa kuwentong ito ang ang
ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan?
Ipaliwanag na ang kuwentong nabasa ay pagpapaliwanag na:
 Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at pangangailangan ay
nakasalalay sa kung paano pamamahalaan ng tao ang kakapusang
nararanasan nila. Sa kaso nina Mat at Tam, mayroon lamang silang baon
na Php50 araw-araw at isang taon na pag-iipon. Kasabay nito ay kailangan
din nilang gastusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan sa pag-
aaral. Bagama’t may limitasyon sina Mat at Tam, ang kanilang kagustuhan
ay maaari pa ring makamit sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng
kanilang baon.

Bago dumako sa panibagong talakayan, ipasuri muna ang dalawang


senaryo kung ito ba ay nagpapakita ng pangangailangan o kagustuhan:
 Ang isang negosyante ay bumili ng isang cellphone upang matawagan ang
kanyang mga empleyado. Ito ba ay pangangailangan o kagustuhan?
 Kung ang isang mag-aaral ay bumili ng cellphone upang makapaglaro ng
mga iba’t ibang e-games, masasabi pa rin ba natin itong pangangailangan?
Transisyon: Tandaan na kailangan nating isipin nang mabuti ang pagbili ng
iba’t ibang bagay. Ating isaisip kung ang mga ito ay nakatutulong sa atin
upang maging produktibo at kapaki-pakinabang dahil lagi’t lagi hindi
maiiwasan na maraming pangangailangan. ang isang indibidwal.
Ipaalala na sa unang gawain ay pinagawa sila ng TOP TEN LIST may
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City

mataas, may mababa gayundin sa Hirarkiya ng Pangangailangan ni


Maslow dahil ayon kay Abraham Maslow, ang pangangailangan ng tao ay
may takdang antas ng kahalagahan.
I BELIEVE SA LARAWAN
 Paunang gawain ito kung saan pipili ang guro ng isang mag-aaral sa
bawat pangkat na magsusuri ng mga larawan. Maghihinuha sila
kung ano ang nais iparating ng larawan at kanilang sasabihin ang
sagot na nagsisimula sa I BELIEVE at kasunod nito ay ang
deskripsyon ng larawan bago ang pagsambit ng pinakasagot.

PAGLUTAS NG
SULIRANIN

PAGKAKAROON NG
PAMILYA

PAG-IIPON NG
PERA

PAGKAIN

PAGKAKAROON NG
TIWALA SA SARILI

Mula sa kanilang mga sagot ay ipaliwanag nang malalim ang pangunahing


konsepto, katangian at mga halimbawa ng Hirarkiya ng Pangangailangan
ni Maslow
 Pangangailangang Pisyolohikal.
 Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan.
 Pangangailangang Panlipunan.
 Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao.
 Kaganapan ng Pagkatao.

D. Paglinanang ng ISLOGAN MO NEED KO (15 minuto):


kabihasaan Ang bawat pangkat ay susulat ng isang paraan kung paano matutugunan
ang iba’t ibang pangangailangan ayon kay Abraham Maslow sa anyo ng
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City

isang islogan.
Unang pangkat – pangangailangang pisyolohikal.
Ikalawang pangkat – pangangailangan ng seguridad at kaligtasan
Ikatlong pangkat – pangangailangang panlipunan
Ikaapat na pangkat – pangangailangang pagkamit ng respeto sa sarili at ng
ibang tao
Ikalimang pangkat – pangangailangang kaganapan ng pagkatao
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO
 Nilalaman - 10 puntos
 Pagkamalikhain - 10 puntos
 Pagkakaisa - 5 puntos
PAGLALAPAT:
Gumawa ng isang “open letter” tungkol sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan
at sa aking bayan _______” bilang panimula ng iyong open letter. Isulat sa
pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito.
PAGLALAHAT:
E. Paglalapat at paglalahat
Sagutan at dugtungan ang open-ended statement na nasa ibaba. Ito ay
ng mga aralin
magpapakita at sasalamin sa mga iyong nalaman at naunawaan sa aralin
na ito.
NALAMAN KO _____________________________________________
NAUNAWAAN KO__________________________________________
GAGAWIN KO _____________________________________________

F. Pagtataya ng aralin MAIKLING PAGSUSULIT (2 minuto)


Panuto: Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.
1.________mamahaling relo.
2.________kumain ng pizza
3.________pumunta sa party.
4.________maglaro ng video game
5.________magsuot ng maayos na damit
6.________uminom ng tubig pagkatapos kumain
7.________telebisyon upang manood ng DepEd TV.
8.________lumipat sa magandang bahay na may aircon.
9.________kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking
katawan.
10._______magbubukas ng saving account sa isang matatag na bangko para sa
kinabukasan.

TAKDANG ARALIN
G. Karagdagang gawain Magbasa hinggil Alokasyon. Sa iyong journal ay isulat kung ano ang
kaugnayan nito sa kakapusan, kagustuhan at pangangailangan

V. Mga Tala
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:

ARVIN ALEKS T. MEDINA


Guro

You might also like