You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG PRIMARYA AT SEKUNDARYANG EDUKASYON

Banghay Aralin

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang kaibahan ng pangangailangan (needs) at kagustuhan (wants)
bilang batayan sa pagbuo ng desisyon.
 Naipapaliwanag ang ugnayan ng personal na pangangailangan at kagustuhan
sa suliranin ng kakapusan.
 Natutukoy ang Hirarkiya ng Pangangailangan at ang ugnayan nito sa
pagkakaroon ng sariling pamantayan sa pagpili ga pangangailangan.
 Natutukoy ang mga salik na nakaimpluwensya sa pangangailangan at
kagustuhan.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Yunit I: Aralin 3 - Pangangailangan at Kagustuhan
B. Subtopic:
1. Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan.
2. Ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan.
3. Herarkiya ng Pangangailangan
4. Batayan ng Personal na Pangangailangan
5. Salik na nakaimpluwensya sa Pangangailangan at Kagustuhan

C. Sanggunian:
1. EKONOMIKS: Modyul Para sa Mag-aaral. Pahina 40 – 47
2. EKONOMIKS: Modyul Para sa Guro
D. Kagamitan
1. Powerpoint presentation
2. Laptop
3. Projector
E. Pagninilay
Napapahalagahan, at nasusuri, ang ugnayan ng personal na
pangangailangan at kagustuhan sa suliranin ng kakapusan at ang kahalagahan nito sa
pag-gawa mahusay na desisyon.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagkuha ng Liban
3. Motibasyon

B. Analisis:
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit/
3. Ano ang Herarkiya ng Pangangailangan?
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na desisyon sa suliranin
ng kakapusan?

C. Abstraksyon:
Sisimulan ang talakayan sa pagbabalik aral sa pamamagitan ng
pagtatanong sa mga mag-aaral ng:
 Ano ang kakulangan at kakapusan?
 Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
 Bakit nagkakaroon ng kakulangan at kakapusan.
Bilang pagpapatuloy ng talakayan ipapaliwanag ang konsepto ng
pangangailangan at kagustuhan. Tutukuyin ng kaibahan ng mga ito at ang
kahalagahan nito sa pagbuo ng mahusay sa desisyon bilang tugon sa problema ng
kakapusan.Ipapakita sa mga ag-aaral ang Herarkiya ng Pangangailangan at
aalamin ang kanilang hinuha tungkol dito.
Matapos suriin ang Herarkiya ng Pangangailangan tutukuyin ang iba’t-
ibang antas ng pangangailangan at kung paano ito nakakaipluwensya sa pagbuo
ng personal na batayan sa paggawa ng mahusay na desisyon bilang tugon sa
problema ng kakapusan.

D. Paglalapat ng Aralin:
Mag-papagawa ang guro ng blangkong pyramid sa mag-aaral base sa
pyramid ng Herarkiya ng Pangangailangan.
Panuto:
Ilagay sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan
ng tao batay sa teorya ni Abraham Harold Maslow. Lagyan din ang bawat
baitang ng halimbawa.

E. Paglalahat ng gawain
Itatanong sa mga mag-aaral ang mahalagang natutunan sa paksa:
PANGPROSESONG TANONG:
1. Bakit mahalagang maunawaan ang kaibahan ng pangangailangan at
kagustuhan?
2. Bilang isang ag-aaral, paano mo maiuugnay ang iyong pansariling
pangangailangan at kagustuhan sa suliranin ng kakapusan?
F. Karagdagang Gawain
Magbibigay ang guro sa mga mag-aaral ng takdang – aralin para sa susunod
na talakayan.

TAKDANG ARALIN:
1. Ano ang alokasyon?
2. Paano nito natutugunan ang suliranin sa kakapusan?

IV. MGA TALA

Inihanda ni:
ESTER T. BERSABAL
BSED-SS 3-1N

You might also like