You are on page 1of 4

Filamer Christian University

Autonomous Status- CHED


Accredited Level IV – ACSCU – AAI
College of Teacher Education
Roxas Avenue, Roxas City

Banghay Aralin
Araling Panlipunan Baitang X

I. LAYUNIN NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:


1. nabibigyang kahulugan ang kakapusan;
2. nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan;
3. napapahalagahan ng mga aral upang maka-iwas sa kakapusan.

II. PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO

A. Paksa: Konsepto ng Kakapusan


B. Kagamitan: Multimedia-projector, Powerpoint slides, Pentelpen at Cartolina.
C. Sangunian: : Gideon P. Carnaje,et-al,. Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad,
Eduresources Publishing, Inc., 10, pp.32-51.
D. Pagpapahalaga: “Magtipid”

III. ISTRATEHIYA SA PAGKATUTO

A. Panimulang Gawain

1. Pagbabalik-aral

Ang ating huling pinag-aralan ay tungkol sa ekonomiks

Ano ang ekonomiks?


Sino ang tinaguriang ama ng ekonomiks?
Ano ang dalawang sangay ng ekonomiks?

2. Paganyak

Pipili ang mga estudyante sa dalawang larawan kung saan nakapaloob ang
dalawang uri ng pagkain
Kung papipiliin kayo, aling pagkain ang inyong mas pipiliin?
Kung bibigyan ko kayo ng tatlongpung piso mabibili nio ba ang pagkain
na ito?
Bakit?

B. Paglinang ng Aralin

1. Paglalahad

May ideya na ba kayo kung tungkol saan ang ating tatalakayin


ngayong araw?

2. Pagtatalakay

A. Pagtuklas ng mga dating kaalaman

Ano ang ibig sabihin ng kakapusan?


Sa anong aspeto ng buhay nakakaranas tayo ng kakapusan
Ano ang dalawang uri ng kakapusan?
Ano ang absolute scarcity?
Ano naman ang relative scarcity?
Ano kaya ang kalagayan na umiiral ang kakapusan?
Saan kaya tumutukoy ang pisikal na kalagayan?
Tumutukoy naman sa ano ang kalagayang pangkaisipan?
Ano kaya ang pinagkaiba ng kakapusan sa kakulangan?
Ano kaya ang palatandaan ng kakapusan?
Ano kaya ang kadahilanan ng kakapusan?
Paano masulusyunan ang kakapusan?

B. Pangkatang Gawain

Para sa pangkatang Gawain hahatin ang mga mag-aaral sa


dalawang grupo ang sa kanan ay ang unang pangkat ang sa kaliwa ko
naman ay ang pangalawang pangkat

Panuto: Isulat sa venn diagram kung ano ang mga pagkakatulad at


pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan. Iuulat ng lider ang inyung
ginawa.

kakapusan kakulangan
Pagkakatulad
C. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maiiwasan ang kakapusan?
Ano kaya ang ating pweding gawin upang hindi natin mararanasan
angkakapusan?
Bilang isang consumer paano kaya tayo makakatipid?

C. Pangwakas na gawain

1. Paglalahat

Ano ang kahulugan ng kakapusan?


Ano ang pinagkaiba ng kakapusan sa kakulangan?
Paano natin maiiwasan ang kakapusan?

2.Paglalapat

Magbigay ng halimbawa kung ano ang kakapusan at bawat halimbawa na


inyong binigay ay bigyan ng solusyon.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa kahon ang mga tamang sagot

Absolute scarcity kakapusan kakulangan

Relative scarcity Non renewable resources

1. Kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag-


ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman
2. Ito naman ay tumutukoy sa isang kaganapan kung saan hindi kayang mapunan
ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo.
3. Ang kakapusan kapag ang pangakukunang-yaman ay hindi makaagapay sa
walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao,
4. Ito ay tumutukoy sa di-kasapatang pinagkukunang-yaman upang mapunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
5. Ito ay ang hindi napapalitan na pinagkukunang yaman.
Takdang Aralin

Panuto : Sagutan ang mga katatanungan at ilagay sa ½ na papel


1. Dahil sa malawakang kakapusan na nararanansan ng mga tao sa ating bansa,
ano ang maipapayo mo upang maiibsan ang pagiging kapos nila?

ROSHER VIEM PARAS


Estudyante

DR. JONATHAN P. LEAL


Dekano

You might also like