You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

BAITANG/SEKSYON: GRADE 9 /1st quarter ARAW/ORAS:

I. PAMANTAYAN, KASANAYAN, LAYUNIN


A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawasa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
C. MGA KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO

D. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan
 Naisusulat ang kaibahan ng kakapusan at kakulangan sa pamamagitan ng Venn
diagram
 Nakapagmumungkahi ng mga paraang makatutulong upang maibsan ang
problema ng kakapusan

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Kakapusan at kakulangan
B. ARALIN: Kakapusan

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


A. SANGGUNIAN
Mga pahina sa modyul ng mag-aaral: pahina 25-30
Gabay ng mga guro sa ekonomiks
Ekonomiks:teorya at aplikasyon: pahina 38-42
AP9MKE-Ia-3
B. KAGAMITANG PANTURO
laptop, larawan, visual aid, venn diagram, data information chart

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdarasal
2. Pagtala ng liban at di-liban sa klase
3. Pagbabalik-aral (Pagtatanong)
-Ano ang likas na yaman?
=ito ay tumutukoy sa mga bagay na likha ng kalikasan bukod sa tao
-Ano ang mga uri ng likas na yaman?
=yamang-lupa, yamang-gubat, yamang-tubig
B. PAGGANYAK
Magpapakita ng larawan:
PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang makikita sa larawan?
-mga taong may mga katanungan sa sarili.
2. Sa inyong palagay, bakit kaya may mga katanungan pa ang mga tao?
-may kakulangan o kakapusan ang bawat tao ukol sa kaalaman o mga bagay na na
nais sa buhay. Ang kakulangan o kakapusan na nangyayari sa tao ay nangyayari rin
sa ating pambansang ekonomiya.

C. PAGLINANG NG GAWAIN
Gawain 1: Maghambing tayo
Pangkat 1: gagawa ng venn diagram tungkol sa pagkakaiba at pagkakapareho ng
kakapusan at kakulangan. Gawin ang aktibiti sa loob ng limang minuto na brainstorming

KAKAPUSAN
-limitadong kapwa naglalahad ng hindi KAKULANGAN
pangkalahatang pagiging sapat na panustos -limitado ang dami ng suplay ng
pinagkukunang yaman sa ating pangangailangan
isang ispesipikong at hindi
-problema sa pwersang matugunan ang demand nito
pangkalikasan -problema sa alokasyon

Pangkat 2: Gagawa ng isang Data information Chart.Gawin ito sa loob ng limang minuto

Data information chart


KAKAPUSAN KAKULANGAN
TAGAL Pang-matagalan pansamantala
PROBLEMA Pwersang pangkalikasan alokasyon
LIMITASYON Pinagkukunang yaman suplay

D. PAGTATALAKAY
1. Ano ang kakapusan?
-ang kakapusan ay pangunahing katangian ng mga pangkalahatang pinagkukunang
yaman dahil marami itong mapaggagamitan sa harap ng limitadong dami.
2. Ano ang kakulangan?ito ay ispesipikong kalagayan kung saan ang suplay ng isang
bagay ay hindi sapat upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
2. Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng kakapusan?
-nagkakaroon ng kakausan dahil (1) sa walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao, (2) at limitadong pinagkukunang yaman dahil hi9ndi ito
napupunan.
3. Anu-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng kakapusan at kakulangan?
-parehong nagsasaad ng hindi kasapatan sa para tugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
-sa kakapusan limitado ang pinagkukunang yaman, samantalang sa kakulangan sa
alokasyon ng pangangailangan at kagustuhan
4. Anu-ano ang mga pagkakaiba ng kakapusan sa kakulangan kung ang pagbabasehan
ay ang tagal, problema, at limitasyon?
5. Ano ang halimbawa ng sitwasyong pang-ekonomiko kung saan nahaharap tayo sa
problema ng (A) kakapusan (B)?
A-nahaharap po tayo sa problema sa langis
B-nahaharap po tayo sa problema sa bigas dahil sa kalimitang nangyayari ang
hoarding sa ating bayan kung saan ginagawa ito ng mga miyembro ng cartel.
6. Ano naman ang Cartel?
-ito ay pangkat ng tao na kumokontrol at nagmamanipula ng pamamahagi, pagbili at
pagpepresyo ng mga produkto

E. APLIKASYON
1. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa problema ng kakapusan at kakulangan?

V. PAGLALAHAT
1. Ano ang kakapusan? Kakulangan?
2. Bakit nangayayari ang problemang ito?
3. Ano ang pagkakaiba ng dalawa?
4. Ano ang pagkakapareho nila?

VI. PAGTATAYA
Sagutin ang mga katanungan sa ¼ na papel.
I. Maramihang Pili
1. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng produkto sa pamilihan.
a. Kakulangan c. Produksiyon
b. Kakapusan d. Pagkonsumo
2. Ito ay tumutukoy sa limitadong dami ng pangkalahatang pinagkukunang yaman.
a. Kakulangan c. Produksiyon
b. Kakapusan d. Pagkonsumo
3. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang gamit ng likas na yaman.
a. Recycling c. Reusing
b. Reducing d. Sustainable use
4. Ano ang problemang pinagmumulan ng kakapusan at kakulangan?
a. Alokasyon at likas na yaman
b. Pagkonsumo at produksiyon
c. Pagkonsumo at alokasyon
d. Likas na yaman at produksiyon
II. Mabuti O Masama. Tukuyin kung ang pahayag ay makabubuti o makasasama sa
ekonomiya.
1. Pagkahilig ng tao sa mga produkto na hindi kailangan ng bansa.
2. Pansariling interes ng mga negosyante ang inuuna.
3. Paggamit muli ng notebook na wala pa namang gaanong sulat.
4. Pagbili lamang ng bagay na kailangan.
5. Pag-aaksaya sa mga likas na yaman ng bansa.
6. Pinapatay ang ilaw at gripo kung hindi ginagamit.
VII. TAKDANG ARALIN
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod?
1. Pangangailangan
2. Kagustuhan
3. Pagkonsumo
4. produksiyon

INIHANDA NI:

You might also like