You are on page 1of 11

Junior High School

Baitang 9

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

GABAY SA EsP
Unang Kwarter – Ikaanim na Linggo

Lipunang Pang-ekonomiya

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi:
Baitang Napatutunayan
9 - Edukasyon na:
sa Pagpapakatao
Junior High School
Kompetensi: Napatutunayan
a. Ang mabuting na: ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
ekonomiya
a. Ang mabutingmahirap
maraming ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b.b.Ang
Angekonomiya
ekonomya ay ay hindi
hindi parapara sa lamang
sa lamang sa sariling
sa sariling pag-unlad
pag-unlad kundi sa pag-unlad
kundi sa pag-unlad ng lahat ng lahat
Nakatataya
Nakatataya ngng lipunang
lipunang ekonomiya
ekonomiya sa barangay/
sa isang isang barangay/pamayanan at lipunan/bansa
pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
gamit ang dokumentaryo
o ophoto/
photo /video
videojournal
journal(hal. YouScoop)
YouScoop)
(hal.
EsP PL-lf-3.3 -–3.4
EsP 99 PL-lf-3.3 3.4
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Gabay sa EsP
Lipunang Pang-ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Gabay sa EsP o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga
paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Gabay sa EsP

Writers: Melvin M. Lego, Sonny Mae Adelantar, Ma Ninfa Eleccion

Illustrators: Armand Glenn S. Lapor, Patrick T. Lomigo

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S.Lapor,

Ma. Josefina D. Gabaldon

Division Quality Assurance Team:

Lilibeth E. Larupay, Atty. Fevi S. Fanco, EdD.
Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiñon
Armand Glenn S. Lapor, Dr. Luda G. Ahumada
Ralph F. Perez, Ma. Josefina D. Gabaldon

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.

Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiňon

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/ video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf-3.3 – 3.4
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,

Baitang 9.

Ang Gabay sa EsP ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng

mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gabay sa EsP na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay
ng mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Gabay sa EsP ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa materyal na ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa Gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/ video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf-3.3 – 3.4
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

SIMULAN MO

Sinasabi na ang isang mabuting ekonomiya ay ang bansang may

pagpapahalaga sa kanyang nasasakupan. May kayamanan man o wala ang tao, may
halaga pa rin siya bilang tao. Naghahanapbuhay ang tao para matugunan ang
kanyang pangangailangan. Nagkakaroon ng yaman ang tao hindi upang
makipagyabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba
kundi upang ipamalas ang kaniyang sariling galing. Siya ay nagtatrabaho upang
maging produktibo sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, sa kanyang lipunan at para
sa kanyang bansa.

Mga Tanong:

1. Sang -ayon ka ba sa mga pahayag na ito? Pangatwiranan.

2. May kaugnayan ba ang kayamanang materyal na mayroon ka sa halaga mo

bilang tao?

2. Paano masusukat ang halaga mo bilang tao?

SURIIN MO

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili, ang kakayahan at
ang halaga bilang tao. Hindi ang yaman o ang mga kagamitan na mayroon siya o wala
ang humuhubog sa kanyang pagkatao kundi ang pagpapahalaga sa sarili. Ang tunay
na mayaman ay ang taong nakakikilala ng kanyang sarili bunga ng kanyang
kagalingan at pagpapahalaga sa paggawa. Ang tunay na kayamanan ay nasa tamang
pag-uugali at pagpapahalaga sa trabaho hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan.

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
1
Ayon sa pilosopong si Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng kanyang katawan
ang kakayahan na maging isang sino. Ngunit sinabi niya rin na dahil sa hindi
pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Tugma rin ito sa Prinsipyo ng
Proportio ni Sto. Tomas de Aquino na nagsasabi na hindi man pantay-pantay ang mga
tao, may angkop naman ito para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Hindi Pantay Pero Patas. Ito ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang

Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman
ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. Ang pantay ay
ang pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, at ang patas
ay ang pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan.

Ang “Ekonomiya” ay nagmula sa salitang Griyego na “oikos” na ibig sabihin

ay bahay at “nomos” na pamamahala. Katulad din ito ng pamamahala sa bahay.
Mayroong sapat na badyet ang namamahay. Ngunit kailangan niyang pagkasyahin sa
lahat ng mga babayarin upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa loob
nito maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay, at upang maging
tahanan ang bahay.

Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay maihahalintulad sa pamamahala ng badyet

ng isang bahay. Ito ay pinangungunahan ng estado sa pangangasiwa ng yaman ng
bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng mga tao, upang
masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.

PAG-ISIPAN MO

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.

Pinaghandaan ng mga magulang mo ang ika-18th birthday mo. Inimbita nila

ang mga kilalang kaibigan mo at mga kamag-anak sa araw na iyon. Bawat bisita ay
binigyan ng imbitasyon. Ngunit may ilang imbitasyon para sa 18 treasures na may
nakasulat na magbigay ng mensahe at ang halaga ng kanilang ireregalo na isang
libong piso (P1,000). Dahil dito, inaasahang malaking halaga ang iyong makukuha
pagkatapos ng handaan.
Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
2
Mga Tanong:

1. Ano ang gagawin mo sa mga perang ito?

2. Paano mo i-babadyet ang perang ireregalo para magamit ng nararapat

sa mga pangangailangan mo?

Gawain 2: Tingnan ang mga sitwasyon na ipinapakita ng larawan. Ano-ano ang

gustong ipahiwatig ng bawat sitwasyon?

Unang Larawan:
______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Ikalawang Larawan:
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: Napatutunayan na: 3
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
Ikatlong Larawan:
______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Ikaapat na Larawan:
______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

SANAYIN MO

Panuto: Sa kasalukuyang kalagayan natin, ang mga pangyayari ba na nasa

larawan sa naunang pahina ay nakikita ngayon sa ating lipunan?
Patunayan. Magbigay ng sitwasyon na kung saan nakaranas ka ng
isa sa mga ipinapakita ng larawan.

__________________________________________________
____________________________________________________________

___________________________________________________________.

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao

Kompetensi: Napatutunayan na: 4
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
ISAPUSO MO

Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin ay ang mga

pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito
ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan. Lumilikha ito ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga
may kapital upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang
kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay. Sinisikap na gawin ng estado na maging
patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang makalikha
ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan.
Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa. Kung maunlad ang bansa, higit
na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao - pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa - isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumatag) ang
bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

5
Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
ISAGAWA MO

Panuto: Sa gawaing ito, maghanap ng larawan sa mga lumang pahayagan,

magasin at Journals ng mga nakasanayang gawin sa bahay at lipunan na
nakatutulong upang mapaunlad ang ekonomiya. Gupitin at idikit ang mga
ito sa photo journal na inyong gagawin sa isang malinis na papel.

6
Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
SUBUKIN MO

Gawain1:

Panuto: Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-unlad ng ekonomiya.

Lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pag-unlad at ekis (X) kung hindi.

_____1. Lahat ng tao ay may mga pinapasukang trabaho.

____ 2. Ang mga paninda sa palengke ay may maraming suplay.
____ 3. Nagsara ang ibang mga negosyante ng kanilang negosyo.
____ 4. Maraming benepisyong natatangap ang mga manggagawa.
____ 5. Laging mayroong welga na nangyayari sa mga malalaking kompanya.

Gawain 2: Ipaliwanag: (5 puntos)

“Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi

sa pag-unlad ng lahat.”

______________________________________________________________________

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
______________________________________________________________________
2015, Deped
______________________________________________________________________
Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: Napatutunayan na: 7
______________________________________________________________________
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap______________________________________________________________________
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang______________________________________________________________________
ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
______________________________________________________________________
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4
______________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO

SIMULAN MO
Sagot: Ang mga sagot ay nakabatay sa mga pag-uunawa,opinyon at kaalaman na
nakukuha sa pahayag.

PAG-ISIPAN MO
Sagot:

Gawain 1 Ang mga sagot na ibigay ay magkakaiba sa maaaring paggagastusan

ng mga mag-aaral.

Gawain 2 Larawan 1 – Pagkakapantay-pantay

Larawan 2 - “Equity”
Larawan 3 – Katotohanan
Larawan 4 – Paglaya

Note: Ang sagot sa pagpapaliwanag ay maaaring magkaiba batay sa kaalaman at

interpretasyon sa larawan na iuugnay sa konsepto ng Lipunang
Pang-ekonomiya

SANAYIN MO

Sagot: Ang mga sagot sa gawain ay nakabatay sa mga karanasan ng mag-aaral

ISAGAWA MO
Sagot: Inaasahang magkakaiba ang paggawa ng mga mag-aaral sa photo journal

SUBUKIN MO
Gawain 1 1. ✓ 3. x 5. x

2. ✓ 4. ✓

Gawain 2: Ang sagot ay maaaring magkaiba batay sa kaalaman, opinyon at

interpretasyon batay sa pahayag.

Baitang 9-Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap
b. Ang ekonomya ay hindi para sa lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat
Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang barangay/ pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
o photo/video journal (hal. YouScoop)
EsP 9 PL-lf -3.3 – 3.4

You might also like