You are on page 1of 2

Para sa aming bayani na ipinagmamalaki, Jose Rizal

Sino ka nga ba para sa amin at bakit ika’y dapat namin aralin,

matagal na rin noong ika’y lumaban at lumiban sa iyong sarili para sa inang bayan at nitong kalayaan,

ngunit mapagbiro ang tadhana, Sa pangkasalukuyan,

ang kahalagahan ng kalayaan ay mistula naglaho sa ibang Filipino.

Ano man ang lipi, lahi, kulay at salaysay,

ang impluwensiya sa paglikha ng dahas ay tila lumakas.

Ang iyong pangalan ang sandalan ng aming bayan,

sa lahat ng iyong naranasan na bilang isang mag-aaral,

manlalakbay, manunulat, pinuno, doctor, guro at revolutionaryo,

tunay na ikaw ang idolo ng mamayang Pilipino at maipapagmataas ng noo’y kayumangging pinipintas.

Napaisip ako kung bakit nga ba ang inang bayan ay tila napinsala.

Hindi na katulad ng iyong nakaraang kaugalian ang paraan ng ating mga kababayan,

para saan ang kaguluhan na nasasaksihan sa pahayagan at mga bulwagan.

Kung sa nakaraan, ang dahilan ng kaguluhan ay pananakop ng mga dayuhan,

ngunit sa kasalukuyan, ang ating mga kababayan ang naguudyok ng kamalian.

Hindi mabilang ang patayan, kawalan ng kautusang-bayan,

umaabuso sa tukso ng ipinagbabawal na droga, subalit kapwa kababayan ang dahilan ng kasalanan,

sana’y wag madamay ang mga katulad namin na hangad ang kahalagahan ng inang bayan,

nagaasam na maibalik ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

ikaw ang nagpatunay na may ibubuga ang ating lipi,

ilang beses man tayong banatan, ikaw lamang ang may tapang para sila’y tapatan,

ang tatag mong hindi matibag Jose, sa henerasyon ngayo’y dapat mailatag at maging poste,

kolonya man ang sa iyo’y lumait, nag-iisang Pepe ang may tatag na magbalik ng pait.

Ikaw ang tunay na revolutionaryo sapagkat kaya mong ipaglaban ang iyong prinsipyo,

sa lahat ng iyong dinanas, inang bayan pa rin ang inisip hanggang wakas,
ngunit ilang beses ka mang sinabaw, ikaw pa rin ang nangibabaw,

sa dinami-dami ng salot sa lipunan, ikaw ay hindi nagpabalot kailanman,

sapagkat pinaglalaban mo ang reporma at hindi pandededma.

Katulad mo Jose, baka sakali ang kabataan sa kasalukuyan ang magbahagi ng kilusan ng pagiging bayani,

sa simpleng pamamaraan na makatutulong sa ating inang bayan,

at nawa’y sikapin namin ang pagbabalik ng tunay na tanawin ng kalayaan,

Hindi ko man mapantayan ang mga ambag mo sa inang bayan,

ngunit taos puso kitang pinasasalamatan sapagkat natikman namin ang lasa ng kalayaan,

sa panahon noo’y itinuring tayong indio,

ikaw Joseng illustrado, ang nagtatak sa amin bilang edukado at Filipino.

Nawa’y magsilbing inspirasyon sa kasulukuyang henerasyon ang iyong mga aksyon.

sapagkat ipinaglaban mo ang inang bayan. At sa panayam na sinabi mo, “ang kabataan ang pag-asa ng
bayan”.

You might also like