You are on page 1of 2

Panlipunang Isyu

nina Mars Randulf Amigable, Gerwin Jilbert Farrol, Faye Lianne Madero, Sharleen
Angela Panase, at Riz Isabel Molina

Lahat tayo ay nilikha ng Diyos nang pantay


Anuman ang kultura, lahi, dugo at kulay
Paggalang sa mga karapatan ay isabuhay
Respeto at kalayaan ay makamtang tunay

Malaya nga ba ang lahat sa pagsasalita?


O ito ay  para lang  sa iilang persona
Medya patas ka ba sa iyong pamamahayag
O bulag, pipi't bingi sa balitang nilahad

Rasismo ay lumalaganap kung saan-saan


Magkakaiba man ang lahi o katangian
Sa dulo’y isa lamang ang ating pinagmulan
Kaya dapat ang rasismo ay ating labanan

Bawat tao ay may natatanging sekswalidad


Bawat isa ay mayroong kakayahang taglay
Nagkaiba sa paniniwala at hangarin
Bigyan ng paggalang ang bawat kasarian

Puksain ang Bullying at ang Ponograpiya


Ganon ding pagkuha ng katauhan ng iba
Cyber Crime, dapat nating iwasan at pigilan
Ang delikadong krimen dapat nating wakasan
Babae at bata, biktima ng karahasan
Binalot ng takot, nawala ang Kalayaan
Ang pang-aabuso, dulot ng sakit at lungkot,
Wasakin natin ang mga problemang umiikot

Karapatang magsalita, paggalang sa kulay


Pantay na kasarian, pag-iwas sa cyber crime
Karahasan sa mga bata at kababaihan
Ating pahalagahan ang ating karapatan

You might also like