You are on page 1of 2

ARALIN 2: MGA ISYU SA LIPUNAN

1. Dinaranas ng mga iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ang diskriminasyon sa pamamagitan ng di pagtanggap o
pag-intindi sa kani-kanilang kinikilalang kasarian.
2. Sa pamamagitan ng paghihikayat sa lahat para kilalanin ang dignidad at karapatan ng mga ibat’ ibang tao
sa lipunan na napapabilang sa LGBT community.
3. Sa pamamagitan ng pagsali sa isang Global Mental Health Community na nagbibigay ng opurtunidad sa
mga LGBTQ upang ipaglaban ang kanilang karapatang maging malaya sa kani-kanilang kinikilalang
kasarian at nang sila’y mabigyan din ng proteksyon laban sa mga karahasan na dulot ng diskriminasyon at
pang-aabuso.
4. Magiging pantay-pantay lang ang iba’t- ibang uri ng tao sa lipunan kung lahat tayo ay may malawak at
bukas na kaisipan, marunong tumanggap sa kagustuhan ng iba, at kinikilala na sila’y tao din na may
dignidad at karapatan na pumili ng kani-kanilang kinikilalalang kasarian.

GAWAIN 1

1. Ang gender violence ay karahasan laban sa isang tao batay sa kanilang kasarian. Kasama dito ang anumang
kilos o banta ng sinuman o mga institusyong nagdulot ng pisikal, sekswal, o sikolohikal na pinsala sa isang
tao, babae man o lalaki, dahil sa kanilang kasarian.
 Ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal na
pabor mula sa iba.
 Ang sexual assault ay pang-aabusong sekswal, o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya. Ito ay
ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba.
2.
3. Ang mga kababaihan ang kadalasang biktima ng gender violence at ang may mataas na insidente ng
karahasan na ito dahil sa kanilang mas mababang kalagayan sa lipunan.
4.

GAWAIN 2

1. Ang LGBTQ ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyana, gay, biseksuwal, at mga
transjender" (tomboy, bakla, dalawang kasarian, at mga nagpalit ng kasarian). At ang titik na Q, kilala
bilang queer at questioning o tinatanong ang kanilang sekswalidad na pagkakakilanlan.
2.
3. Naiiba sila sa kanilang pagkakakilanlan dahil sila ay may kanya kanyang nakasanayan o kinalakihan. At
dahil hindi lahat ng uri ng tao ay pare pareho ang kagustuhan o ninanais, meron tayong pinagkakaiba iba.
4. Mahalaga ang pagkilala sa kanilang pagpili o pagpasya kung ano ang gender identity dahil dito nakabase
ang kanilang panlipunang pagkakakilanlan at sa pamamagitan nito maiiangkop kung paano sila titignan o
tatratuhin ng iba.

GAWAIN 3 Bayani Rin Pala

1. Ipinapakita gamit ang mga cartoon characters na ang mga iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan na
nabibilang sa LGBTQ ay mga tao ding may mga angking kakayahan at talino na nagpapakita na sila’y
hindi naiiba at tao rin na may damdamin, nasasaktan, at may kanya kanya ring pangarap sa buhay at
naghahangad din ng magandang buhay ayon sa kanilang kagustuhan at ninanais.
2. Masasabi na ang LGBT ay bayani rin dahil ano man ang kanilang piniling kasarian, sila’y matapang na
humaharap sa anumang mga diskriminasyon dahil sa kanilang pagkakakilanlan at ipinaglalaban din
nila ang kanilang karapatang pumili at magpasya para sa kanilang kasiyahan.
3. Sang-ayon ako sa LGBT dahil sila’y tao din na naghahangad lamang na maging masaya base sa
kanilang napiling pagkakakilanlan. Tayo ay pantay pantay ,magkaiba man pagkakakilanlan, tayo’y
may karapatan para sa ating sariling kasiyahan.

MGA ISYU SA KASARIAN SA LIPUNAN

STATEME AGREE DISAGREE


NT
1. ×
2. √
3. √
4. √
5. √
6. ×
7. √
8. √
9. ×
10. √

GAWAIN 4

GAWAIN 5

You might also like