You are on page 1of 1

KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT PANGRETORIKA

1. Ipinaparating ng Pangulo ang kanyang mensahe para sa mga mamamayan at mga tiwali sa
lipunan.
2. Butihing Boss ang tawag niya sa mamamayan dahil sa pamamagitan nito, ipinapakita na ang
mga hinaing o boses ng mamamayan ay naririnig at pinapakinggan ng Pangulo para
masolusyunan.
3. Ginamit ang wangwang bilang simbolo upang tukuyin ang pang-aabuso dahil ang wangwang ay
madalas gamitin ng ibang opisyal ng pamahalaan para makaasta bilang hari ng bayan at
nagpapakita na sila’y nakakataas kung kaya’t ang mga mamamayan ay napipilitang magsitabi
upang sila’y makadaan.
4. Sa pamamagitan ng paglilinaw ng Pangulo na ang wangwang ay para lamang sa mga nasabing
opisyal, ambulansya at bumbero na awtorisadong gumamit nito.
5. Masasabi kong may diskriminasyonng nangyayari sa tema ng pagsasalita ng Pangulo dahil
isinisiwalat nya ang mga pang-aabuso ng kapangyarihan ng ilang opisyal ng pamahalaan. At ang
uri ng diskriminasyong ito ay korupsyon o paggamit ng kapangyarihan para abusuhin ang
karapatan ng mamamayan.
6. Oo. Dahil ayon sa kanyang SONA, nabanggit nya na sya’y nagnanais din na makulong ang lahat
ng tiwali, maiayos ang baluktot na Sistema at ng mabigyan ng pagkakataon ang lahat na
umasenso.

TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG

PAGSASANAY

A.

1. DP
2. TP
3. TP
4. TP
5. DP

B.

1. Sinabi ng Pangulo na ang panlalamang matapos maglingkod ay ang utak ng wangwang.


2. Mariing sinabi ng pangulo na ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate
President, House Speaker, Chief Justice, pulis, bumbero at ambulansya lang ang awtorisading
gumamit ng wangwang para sa kanilang opisyal na lakad.
3. “Wala silang karapatang gawin iyon”, ang sabi ng pangulo.
4. “Kung sa trapiko nga’y di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang
makukuha, tulad ng sa mga protektong pinopondohan ng kaban ng bayan?”, tanong ng pangulo.
5. Wika ng Pangulo na sya’y sang-ayon din na mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na
umasenso.

You might also like