You are on page 1of 1

SOSLIT-18 - Sosyedad at Literatura/Panitikang

Panlipunan
Arbues, Bianca Lorelle A.
3CED PSE
Prof. Sonny R. Villanueva

Modyul 3- Takdang Gawain 3B

Sumulat ng sariling Maikling kuwento at Malayang Tula


https://www.academia.edu/28950180/Kahirapan

Maikling Kuwento:

Ang korapsyon ay isa sa mga dahilan at ugat ng kahirapan sa Pilipinas. Nagsisimula


ito sa mga corrupt na opisyal mula sa iba't ibang sangay ng gobyerno.May mga
kandidatong tatakbo upang maloklok ang isang posisyon at sa simula ng kanilang
termino ay gagawa sila ng mga bagay na kaaya-aya at kalugod-lugod sa mata ng mga
tao. Kalaunan kapag sila ay mahalal sa isang posisyon ay magsisimula na itong
gumawa nang katiwalian. Isa ang Pilipinas sa mga bansang higit na naaapektuhan ng
korapsyon. Ito rin ay nagdudulot ng mabilis na paglobo sa bilang ng kahirapan at
paglubog ng isang bansa. Dahil sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno ay hindi
nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga kababayan naten na mahihirap. Ang mga
taong nasa kinauukulan ay ang higit na nakikinibang sa mga proyektong isinisagawa
ng gobyerno katulad ng pabahay mula sa National Housing Authority, imbis na high
standards dapat ang gagamitin na mga materyales sa mga pabahay ay pinapalitan nila
ito ng low standards. Sa paraang ito ay makakatipid at malaki ang kanilang
"ginansiya". Habang tumatagal ang pagresolba sa korapsyon ay palala ito ng palala.
Sa gawing ito labis naaapektuhan ang mga taong mahihirap dahil mas lalo silang
humihirap at ang mga taong mayaman ay lalong yumayaman. Maraming mga
nanggagatong sa ating bansa at ito ay dapat hindi konsentihin sapagkat dapat ito ay
mabigyan ng kaukulang parusa.

Malayang Tula:

Pawis ng taong dukhaLupa, hawak mo ang lupa nakaapak ang mga paa at ramdam
ang maputik at makapal na batid ay tila gusto nang lumisan at kumawala

Sa dapit umaga ang araw ay nakakasilaw at ranas ang tumatagaktak na pawis na


lumalatay sa mga muka

Ramdam ang gipit mga talutot ng dusa at pait lalamunan at sikmura'y sabik
maranasan ang bunga ng pawis

Dunong ay nananaig Kakayaning makaahon sa hirap maitawid lang ito ay lugod naat
may pagpakumbaba na pagbating "tuloy, labanan ang lupa".

You might also like