You are on page 1of 1

Korupsyon sa Gitna ng Pandemya

Ang korupsyon na madalas ikinasisira ng isang politiko o opisyal ng isang lalawigan o isang
bansa ay kasing tandan a ng pinakamatandang panahon. Kung babalikan natin ang kasaysayan ay
noon pa man ay mayroon ng mga tiwaling opisyal. Talamak ang korupsyon hindi lamang sa
Pilipinas ngunit pati na rin sa mga kagalang-galang na bansa. Maraming uri ng korupsiyon sa
Pilipinas, ilan dito ang mga ghost projects at pasahod, pangingikil, panunuhol at marami pang
iba.
Ang Pilipinas ay pang isang daan at labing lima mula sa isang daan at walumpung bansa sa
corruption perception index of anti-corruption ng Transparency International. Mahirap sugpuin
ang korupsyon, dahil karamihan sa mga sangkot dito ay mga taong nasa mataas na katungkulan
at malakas ang kapit sa iba pang may mga kapangyarihan sa bansa. Hindi sila natatakot
magnakaw ng kaban ng bayan dahil alam nilang hawak nila ang batas at madali lang para
sakanila na baluktutin ito. Maparusahan man ay mabilis din silang makakalaya at makakabalik sa
pwesto. Dahil napaka talamak ng korapsyon maraming nasasakripisyo, isa na rito ang mga
mamamayan na di nakakakuha ng tamang benepisyo kahit nag babayad naman ng tamang buwis.
Halimbawa na lamang ang mga ayuda ngayong may pandemya, ang pera ng bayan na sanang
makakatulong sa mga nawalan ng kabuhayan at pamilyang walang wala na. mga doctor at nurse
na hindi napapasahod ng tama kahit halos ikamatay na nila ang pagod at panganib makapag
lingcod lamang sa mga kapwa nating Pilipino na nanganagilangan, saan ngaba napunta ang
bilyon bilyong pondo na nakalaan para sa covid response ng ating bansa? Ni wala ngang
maipakitang allocation of resources ang mga nasa pwesto, napunta lamang ba sa mga bulsa ng
mga walang pusong politiko at opisyal ang mga perang alam naman nating mas kailangan ng iba.
Bilang isang responsableng mamamayan maging isa tayo sa hinahangad na pagbabago, imulat
nain ang ating mga mata sa katotohanan. Oo, maaaring wala ng lunas ang korapsyon ngunit
naniniwala ako na mayroong paraan upang ito ay mabawasan. Gamitin natin ang ating karapatan
sa pagboto, maging matalino sa pagpili ng taong mamumuno sa atin, wag natin hayaan na
masayang ang ilang taon na sila ay maluluklok sa pwesto at magkaroon ng kapangyarihan na
hindi naman nila gagamitin ng tama. Iboto natin ang taong alam natin mapapamunuan tayo ng
tama at hindi iyong taong sikat lamang at matunong ang pangalan. Huwag natin pag-aksayahan
na isulat sa balota ang pangalan ng mga politikong mayroon ng bahid ng korapsyon sa kanilang
pagkatao.

This study source was downloaded by 100000847451811 from CourseHero.com on 05-24-2022 21:15:04 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/149699669/Korupsyon-sa-Gitna-ng-Pandemyadocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like