You are on page 1of 1

PANGALAN: Cristina Demerin PAARALAN: Sicsican National High School

BAITANG & SEKSIYON: 10 – Del Pilar PETSA:

TEMA: Tugon ng Kabataan sa mga Isyung Panlipunan


PAKSA: Kurapsyon

“Buwaya ng Pamahalaan”

Inilalarawan ang buwaya bilang isang mabagsik at matapang na uri ng hayop. Isang nilalang na
kinatatakutan ng lahat. Ngunit pagdating sa usaping pampulitika; Ano nga ba ang imahe nito?

Isang pagbati po ng magandang araw mga kaibigan at sa inyong mga nakikinig. Karangalan ko
po ang mapagkalooban ng pagkakataong magbahagi ng aking kaalaman hinggil sa napipintong usapin
o isyung ating tatalakayin – ang kurapsiyon.

Minsan ba’y naitanong ninyo kung saan napupunta ang buwis na ating ibinabayad sa
pamahalaan? O di kaya’y sino ang tapat sa mga kawaning ating inihalal? Lahat ba sila’y tunay at hindi
huwad sa kanilang mga tungkulin? Napakahirap sagutin ngunit batid natin ang katotohanang umiiral
sa bawat administrasyong pinalalakas ng gobyerno. Kasama na ang mga buwayang patuloy na
umaatake nang hindi man lang natin namamalayan.

Ang kurapsiyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Nangyayari ito kapag ang isang
indibidwal o empleyadong nasa posisyon ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na pansariling kapakanan. Samakatuwid, iyan ang sistemang
talamak sa ating pulitika. Kabilang sa pamamaraan ng kurapsiyon na mayroon sa Pilipinas ay ang graft,
panunuhol, nepotismo, at padrino. Tinatayang nasa daan-daang libo na ang naitalang kaso ng
kurapsiyon. At karamihan ng mga naisakdal ay ang mga pulitikong ating pinagkatiwalaan at inihalal.
Nagpapatunay lamang ito ng isang malawakang pamamayagpag ng katiwalian sa bansa.

Hindi lamang iisa ang napatunayang nagkasala sa kaban ng bayan. Kalimitan ay ang mga
pulitikong ating pinagkakatiwalaan ang syang suspek habang tayo naman ang kanilang mga biktima,
mga naikulong ngunit pinakawalan. Binigyan ng pagkakataon upang maipagpatuloy ang panlilinlang
sa ating mga Pilipino. Ang walang hanggang pagdurusa na gumagapos sa ating mga kamay at paa.
Isang sakit na walang lunas. Huwag naman sana.

Gayunpaman, panahon na upang tayo mismo ang magsilbing lunas sa ating lupang sinilangan.
Magsilbi tayong liwanag sa madilim na gubat at pag-asa sa hinaharap. Ikaw, ako, tayo ang magluluklok
ng bagong kawani para sa pinag-aagawang pwesto. Hindi isang buwaya ang mamumuno ng ating
bansa. Tayong mga kabataan ay may malaking tungkulin na dapat gampanan at pananagutan upang
labanan ang kurapsiyong umiiral. Tayong mga Pilipino ang sandatang kikitil sa mga mababangis na
buwayang nagkalat sa pamahalaan. Ang katagang binitiwan ni Rizal ang tanging kakatok at
magmumulat sa ating mga kabataan bilang ang pag-asa ng bayan.

You might also like