You are on page 1of 23

FILIPINO

GROUP ?
Isyung Panlipunan:
Maling pagpaparatang
Background sa kabanata:
Ang pagdakip sa kay Doña Teodora
Alonso Realonda y Quintos, ina ng
kilalang bayani na ni Dr. Jose Rizal
Mga Detalyeng Nagsusuporta:
Ang pangyayareng pagdakip sa ina ni Dr.
Jose Rizal ay nangyare noong nasa ibang
bansa sya. Malayo sa kanyang pamilya.
Dinakip si Doña Teodora Alonso Realonda
y Quintos dahil napag bintangan sya dahil
sa maling akala na pag lason nya sa asawa
ng pinsang si Alberto Alonso.
Paano ito nauugnay sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan:
Nangyayari pa rin ang mga sitwasyon
na pagkukulong sa mga inosente dahil
sa maling akusasyon na walang
konkretong ebidensya magpa sa
hanggang ngayon. Dahilan upang
mamalagi ang iba sa kulungan sa
pagkatagal tagal na panahon.
Solusyon sa isyu:
Saliksikin at alamin muna ng mabuti
ang sitwasyon bago mag desisyon
upang hindi mahantong sa maling pag
aakusasyon.
Isyung Panlipunan:
Pagsira ng Pamahalaang
Espanyol Sa Mga Sipi ng
Nobela
Background sa kabanata:
Nang maipatuloy ang nahintong pagpapalimbag
ng nobela sa tulong ni Valentin Ventura,
nagpadala si Jose Rizal ng sipi ng mga nobela sa
Hong Kong at Pilipinas. Sa kasamaang palad,
nakumpiska ito ng pamahalaang Espanyol subalit
mayroong mga kopya ang nakalusot at napaabot
sa mga mamamayang Pilipino na nagbigay
insparisyon sa paghihimagsik.
Mga Detalyeng Nagsusuporta:
Sakim ang pamahalaang Espanyol sa mga
Pilipinong nagtatangkang guluhin at pahinain ang
kanilang kapangyarihan at pamamahala sa
Pilipinas. Gumagawa sila ng malalaking hakbang
upang ituligsa ang mga nag-aalsa na nagdala ng
pagbabago sa bansa. Malaki ang na impluwensya
ng mga Espanyol sa ating kultura, relihiyon,
literatura at mga batas.
Mga Detalyeng Nagsusuporta:
Ngunit dahil sa kadakilaan ng ating pambansang
bayani, ito ay nagbigay daan upang tayo ngayon ay
magkaroon ng buong karapatan bilang isang
malayang mamamayan sa ating bansa.
Paano ito nauugnay sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan:
Maraming maihahalintulad ang pagpapasira o
pagkukumpiska ng pamhalaang Pilipino sa mga
taong tiwali sa kanilang pamamahala. Isa na rito
ang pagpapalabas ng mga tao ng mga lihim na
impormasyon na magdudulot ng sirang reputasyon
upang ilantad ang katiwalian o katotohanan sa
gobyerno.
Paano ito nauugnay sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan:
Sa kasalukuyang panahon ay mas malaki at mas
malawak pa ang magagawa upang iparating ang
pananaw ng mga tao/organisasyon laban sa
pamahalaan. Katulad ng mga aktibista, mga
tagapaglataha at ang may mga malalaking
impluwesnya sa ekonomiya at sistema sa politika
na kumukuha ng malaking atensyon sa media.
Solusyon sa isyu:
Maaring ang mga intensyon nila ay nagdadala ng
pagbabanta o kaya naman sila ay lumalaban para
sa kanilang karapatan at sa kaayusan ng
nakararami. Dahil sa pagbabago ng panahon mas
makatarungan ang batas na harapin ang mga
saloobin ng mga naghihimagsik sa pamahalaan.
Maayos na komunikasyon ang solusyon sa mga
hamon ng makabagong panahon.
Isyung Panlipunan:
Kawalan ng Hustisya at
Korapsyon
Background sa kabanata:
Pagtaas ng mga prayle sa buwis sa
lupang tinataniman ni Kabesang Tales.
Mga Detalyeng Nagsusuporta:
Ipinapakita dito ang kawalan ng hustisya at
korapsyon sa lipunan, kung saan ang mga opisyal
ng pamahalaan ay abusado at mapang-aping
pinuno. Walang awang tinataasan ng mga prayle
ang buwis dahil gusto nilang angkinin ang lupa ni
Kabesang Tales. Ginagawa nila ito dahil alam nila
na mas makapangyarihan sila at dahil dito
makukuha nila ano man ang kanilang gusto.
Paano ito nauugnay sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan:
Ito ay katulad rin sa mga korapsyon at
kawalan ng katarungan sa lipunan na
nangyayari pa rin kahit ngayon sa
kasalukuyan tulad ng korapsyon sa
pamahalaan, ang mga katiwalian at
pagnanakaw ng mga opisyal ng pamahalaan
sa pondo ng bayan.
Solusyon sa isyu:
Ang solusyon ay nasa aktibong
pakikilahok ng mamamayan at
pagtutulungan ng iba't ibang sektor para
labanan ang korapsyon at itaguyod ang
katarungan.
Isyung Panlipunan:
Diskriminasyon Sa
Kasuotan
Background sa kabanata:
Minamaliit si Basilio dahil sa kanyang
luma at gulanit na kasuotan.
Mga Detalyeng Nagsusuporta:
Ang pangyayaring ito ay nangyari noong
nag aaral pa lamang si Basilio sa Ateneo
Municipal at ito ay nakaranas ng
panglalait mula sa kanyang mga kaklase
at guro.
Paano ito nauugnay sa mga
kasalukuyang isyung panlipunan:
Nangyayari parin ang diskriminasyon sa kahit
saang sulok ng bansa dahil sa mga taong mahilig
manghusga ng kapwa nila tao, katulad nalang ng
isang kabataan na nagsusuot nang lumang damit sa
kanilang klase,hindi sya pinapansin ng kanyang
mga kaklase sapagkat hindi pasok ang kanyang
pananamit sa standard ng mga magagarbong mag-
aaral.
Solusyon sa isyu:
Kung wala tayong magandang sasabihin
sa ibang tao mas mabutong itikom
nalang ang ating mga bibig.Upang tayo
ay hindi makasakit ng damdamin nang
isang tao.

You might also like