You are on page 1of 2

Takdang Aralin sa

Filipino

Paghahatol

Ipinasa ni: Marc Louie M. Pasion

Ipinasa kay: Prof. Marlene B.


Cabagan
Mula noon, hindi natin maitatanggi na meron nang mga taong masama na namumuno sa
ating gobyerno. Mga taong itinatago ang tunay na intensyon mula sa ating mga mamamayan.
Mga taong pinapasok ang mundo ng pulitika para lamang punuin ang kanilang sariling bulsa.
Oo, maraming mga tao ang ganito sa ating bansa. At nakikita ito sa pamamagitan ng mga
istatistika na lumalabas taon-taon tungkol sa kalagayan ng ating bansa. Saan nga ba napupunta
ang mga pera natin?

Base sa aking nabasa, 40 mamamayang pamilya lamang sa Pinas ang nakikinabang sa


mahigit 76% ng yaman sa ating bansa noon taong 2012. Noong 2013 naman, 12 na tao naman
ang naisali sa Forbes list of Billionaires. Nakita ko dito na ang nanggalingan ng kanilang mga
yaman. Ilan sa kanila tulad ni Manny Villar ay nagmula sa Real Estate, pero ang iba nanggaling
sa power o kapangyarihan.Nagpapatunay lamang na kinukuha nila ang ating mga pera at
ginagamit nila lamang ito para sa kanilang personal na pangangailangan. Ang mga perang
gagamitin sana para sa pagkain ng mga mahihirap na Pilipino ay napupunta sa mga taong ang
intensiyon lamang ay ang magpalago ng kayamanan.Totoo ngang mayroon tayong pondo para sa
mga pangangailangan ng tao. Pero ano naman ang halaga nito kung ang mga ito naman ay
napupunta lamang sa mga lider ng bayan na hindi marunong pahalagahan ang pangangailangan
ng kanyang nasasakupan. Kung tutuusin, tama ang sabi ng aking binasa na ang ating mga lider at
ang ating pamahalaan ang sanhi kung bakit madaming Pilipino ngayon ang nahihirapan.

Ang Korapsyon ay isang seryosong problemang hinaharap ng bansa ngayon. Hindi man
natin ito matatanggal pero malilimitahan sa pamamagitan ng paglalabas ng ebidensiyang sila nga
ay tunay na nagnakaw ng malaking halaga ng pera at paniguradong sila ay matatanggal sa
pwesto. Laban para sa bayan.

You might also like