You are on page 1of 2

Korapsyon

Ang korapsyon ay tumutukoy pagnanakaw sa pondo o kaban ng bayan. Ito rin ay


isang pampulitikang pangyayari kapag ang indibidwal na nasa posisyon ng
pamahalaan o namumuno sa iba't ibang sektor ng lipunan ay umaasal sa kanyang
kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan.

Sanhi ng Korapsyon
• Pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ng mga namumuno sa pamahalaan at
sa iba't ibang sektor ng lipunan na nagiging ugat sa lahat ng kasamaan.
• Pagiging matakaw sa kapangyarihan ng mga namumuno.

Bunga Ng Korapsyon
Lubos na paghihirap ng mga mamamayan dahil napupunta sa bulsa ng mga
namumuno ang kaban at pondo ng pamahalaan na dapat para sa mga mamamayan
at para sa pag-unlad ng bayan.
Kinukulang ang mga mangagawa tulad ng nars, doktor, gamot at makabagong
kagamitan.Nagiging mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong
paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at iba't ibang pasilidad.
Nagkukulang at umuunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan
ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ibang mga kababayan.
Solusyon sa korapsyon
1.Ang mamamayan ay may mahalagang tungkulin na dapat gampanan upang
mabawasan at tuluyang mawala ang katiwalian lalong-lalo na ang korupsyon narito
ang mga maaring gawin:

2.Pagtutulungan ng isang lipunan o bayan na magsagawa ng mga nararapat na mga


tungkulin upang masulosyonan ang korupsyon at turuan muna natin ng disiplina ang
ating mga sarili upang masagawa ang nararapat.

3. Pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan sa wasto at tamang paraan sa


pamamagitan ng pag check sa mga proyekto kung ito ba ay standard o sunstandard.

4. Dapat ay maingat ang pamahalaan kahit sa mga simpleng bagay na nabanggit.


Marami ang nagnanakaw ng kahit sa simpleng paraan lamang. Na kung saan ang
mga ito ay dapat mapunta sa mamamayan ngunit napunta lang sa iisang tao.

5.Dapat na maparusahan ang mga nagnanakaw. Sa Pilipinas ang mga mayayamang


nasangkot sa kasong korupsyon ay nakukulong panandalian samantalang
pagmahirap naman ay talagang napaparusahan.

You might also like