You are on page 1of 40

YUNI MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL

T AT NASYONAL
3
Pangalan: _______________________________ Iskor: ___________________
Kurso at Seksyon: _________________________
Instraktor:________________

Itinakdang Bunga ng
Pagkatuto:
Pagkatapos ng yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng mga
sumusunod na mga kasanayan:
 Natutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa
buong bansa.
 Nalilinang ang Filipino bilang daluyan ng intermultidisiplinaring diskurso na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.
 Nakapagbabalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma
ng midya.
 Naisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitan ng ideya.

ARALIN 1: Pangkalahatang Sipat sa mga Pangunahing Isyung


Lokal at Nasyunal

Panimula:

Ang isyung panlipunan ay anumang suliraning may malaking impak sa mga tao na
naninirahan sa isang pamayanan. Ito ay anumang aktibiti o gawain na may negatibong
epekto sa maraming bilang ng tao na nangangailangan bigyan ng tuon o
nangangailangan ng agarang solusyon.
Panimulang Gawain

Panuto:

Suriin ang mga larawan. Anu-ano ang mga iba’t ibang pangunahing isyu na mababakas sa mga
ito? Alin dito ang mga karaniwan nang nararanasan ng mga mamayan sa isang komunidad? Alin
naman sa mga larawan ang nagpapakita ng kabuuang suliranin ng bansa? Ilagay ang kasagutan
sa nakalaan na bahagi katabi ng bawat larawan.

_____ ____________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

________________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
(larawan ng isyung lokal - Google Search)
Paghahanda:

Sa mabilis na pagimbulog ng pagbabago na nararanasan ng bansa sa


kasalukyan. Di matatawaran ang suliranin sa pandemya na kinakaharap ng buong
mundo, sumabay na rin sa suliranin ng hagupit ng bagyo na patuloy na
nagpapabagsak unti-unti sa ekonomiya ng bansa. Sa kabilang banda, isa sa
kinukunsidera na talamak at pinakamalala ngunit hindi masugpo-sugpong isyu sa
Pilipinas walang iba ang korapsyon. Sa katunayan, mapapansn na ito ay nagiging
karaniwang balita at pananaw ng maraming mga mamayan dahil sa nagiging sistematik
na ang pagdaragbong di lamang ng mga naninilbihan sa gobyerno kahit na ang mga
naging bahagi na sa pamamahala ng bayan. Maging ang ating pinagkakatiwalaan na
tagapagtaguyod ng batas ay parang nadungisan na rin ng kanser na sumisira unti-unti
lipunan.

Ano nga ba ang korupsyon? Ano ang mga anyo ng korapsyon na umiiral sa bansa?

Presentasyon/

ARALIN I
KORAPSYON

 Ang korapsyon o katiwalian ay isang anyo ng hindi tapat o isang kriminal na


pagkakasala na ginagawa ng isang tao o isang organisasyon na pinagkatiwalaan
ng posisyon ng awtoridad, upang makakuha ng mga bawal na benepisyo o pag-
abuso sa kapangyarihan para sa personal na pakinabang ng isang tao. (Wikipedia)

 Sa simpleng salita, ito ay tumutukoy sa katiwalian bilang pag-abuso sa


ipinagkatiwalang kapangyarihan para sa pribadong pakinabang. Ang katiwalian
ay sumisira sa tiwala, nagpapahina sa demokrasya, humahadlang sa pag-unlad ng
ekonomiya at lalong nagpapalala sa hindi pagkakapantay-pantay, kahirapan,
panlipunang pagkakabaha-bahagi at ang krisis sa kapaligiran.

 Ang korapsyon o katiwalian ay isang uri ng hindi tapat o hindi etikal na pag-
uugali ng isang taong pinagkatiwalaan ng posisyon ng awtoridad ayon kay
Abrugar (2014).

Ano ang ibig sabihin ng pagiging korapt o corrupt?

 Kung ang isang tao o isang bagay ay tiwali, sila ay nasira sa moral o sa ibang
paraan. Ang mga tiwaling tao ay nagsasagawa ng imoral o ilegal na mga gawain
para sa personal na pakinabang, nang walang paghingi ng tawad. Ang mga
tiwaling politiko ay tumatanggap ng suhol at itinatanggi ito. Kapag na-corrupt mo
ang isang tao, kinukumbinsi mo silang gumawa ng mali o kahit na ilegal.

Sino ang isang corrupt na tao?

 Ang isang taong korapt o tiwali ay kumikilos sa paraang mali sa moral, lalo na sa
paggawa ng hindi tapat o ilegal na mga bagay bilang kapalit ng pera o
kapangyarihan.
Ang korapsyon ay isa sa pinakamahalagang isyu na kasalukuyang
nakakaapekto sa Pilipinas. Bilang isang bansa na nakakaranas katamtamang
pagsulong sa ekonomiya, nagiging taliwas sa mabilis nitong paglobo ng
populasyon, ang pagsasamantala sa kakaunting umiiral ay lalo lamang lumalala sa
kabuhayan ng mga Pilipino. Napapahina at nililimitahan nito ng kakayahan ng
pamahalaan na gampanan nang mahusay ang mga tungkulin nito ayon sa itinatag
na mga tuntunin, na humahadlang sa posibilidad para sa pampulitika, pang-
ekonomiya, pang-edukasyon, at panlipunang pag-unlad. Ito ay isang kanser na
matagal na naging kalbaryo para sa mahihirap, na kailangang pasanin ang malupit
na bigat ng pagsasamantala at marginalisasyon, at nagbibigay ng walang katatagan
na pamumuhay at kapaligiran na karaniwang nakikinabang lamang nito ay ang
piling iilan habang patuloy na patagong panlilinlang sa masa. Sa Pilipinas,
pinagtatalunan na nagsisimula ang korapsyon na nagmumula Palasyo ng
Malacanang hanggang sa mga pamahalaang barangay (Colonel,1998.11).
Base sa pananaw na ito, ang bansa ay nakakaranas ng sinasabing
sistematikong paghihirap na kung saan matutuklasan na halos lahat ng sangay ng
mga tanggapan at ang pinanunukalang mga proyekto ng gobyerno ay nababahiran
na ng katiwalian at mga mapansamantala sa kapangyarihang kasalukuyang sila ay
nailuklok ng mamayan.

MGA ILANG HALIMBAWA NG ANYO NG KORAPSYON SA PILIPINAS

1.Panunuhol (Bribery) – ito ay tumutukoy sa pag-aalok, pagbibigay, paghingi, o


pagtanggap ng anumang bagay na may halaga bilang isang paraan ng pag-
impluwensya sa mga aksyon ng isang indibidwal na may hawak na pampubliko o
legal na tungkulin. Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan
ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa
byurokratikong red tape. Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na
pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa
ng mga tauhan at kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay
nagtutulak sa mga ordinaryong mamamayan na maglagay para sa mabilis na
pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na dokumento. Ang karaniwang
paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal ng
pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais na dokumento sa mga
ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at mga ahensiyang
nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito ang paggamit ng
mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na maaari
o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng
mga kinakailangang dokumento para sa kanila.

2. Pangingikil (Extortion)– ito ang labag sa batas na paghingi ng pera o ari-arian


sa pamamagitan ng pananakot. Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan
laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi,
mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan
na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga
ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento, mga nasasangkot
sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang
pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

3. Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata


Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng
mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa
publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o
kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang
legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga
ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong
stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay
bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa
pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng
halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang
presyo at pagbili ng mga mababang uring mga suplay at materyal.
4.Pag-iwas sa Buwis (Tax Evasion)- paggamit ng mga ilegal na paraan upang
maiwasan ang pagbabayad ng buwis. Ito ay talamak partikular na sa pribadong
sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara
ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

5. Mga ghost project at pasahod- Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng


pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng
pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga
pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay
talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at
pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa
pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

6. Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa- pagtatayo ng


mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng
pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong
ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat
kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring
materyal o hindi natapos na proyekto

7. Nepotismo at paboritismo- ang mga matataas na opisyal ay maaaring


maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan
kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng kawalang kaigihan at
pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.

Sanggunian: Corruption in the Philippines - Wikipedia


Korupsiyon sa Pilipinas - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang korapsyon o katiwalian ay isang malaking balakid sa mabuting pamamahala


sa isang bansa. Ang lahat ng antas ng katiwalian, mula sa maliit na panunuhol hanggang
sa malaking katiwalian, pagtangkilik at pagkabihag ng estado, ay umiiral sa Pilipinas sa
malaking bahagi at saklaw nito. Marami nang mga hakbang ang mga naisagawa at
kasalukuyang isinasagawa sa paglalayong ito ay mabawasan kung di man ito tuluyang
mabura. Dahil na rin sa talamak na namamayagpak ito sa pamahalaan, ito ay nagdudulot
ng mga away sa pulitika, nagpapahina sa demokrasya at mabuting pamamahala dahil na
rin sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala o pagsira sa mga pormal na proseso para sa
isa't isa o inilagay lamang ang bawat sentimo sa kanilang bulsa mula sa kanilang sariling
mga kababayan nang hindi nila alam.

Upang matigil ang mga pangyayaring ito ay kinakailangan na mas maging edukado
ang mga mamamayan sa mundo ng pulitika upang sila ay magkaroon ng mas mataas
kamalayan at matigil ang paglaganap ng korapsyon o katiwalian sa pamahalaan.

Mga Halimbawa ng korapsyon o katiwalian na naging usap usapan sa bansa.

1.Coco Levy Fund Scam - scam na kinasangkutan ni Ferdinand Marcos at iba pa.

2.Fertilizer Fund scam - scam na kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at iba pa

3.2011 Eskandalong Korupsiyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas - Eskandalong


kinasangkutan ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas

4.NBN-ZTE Scandal - eskandalong kinasangkutan ni Gloria Macapagal-Arroyo at


asawa nitong si Mike Arroyo

5.Pork barrel scam- scam na kinasangkutan ng ilang mga senador at kinatawan ng


Pilipinas. Ito ay nilantad ng whistleblower na si Benhur Luy noong Hulyo 2013. Ito ay
tinatawag sa media na "ina ng lahat ng mga scam".
Mga Gabay na Tanong:

1. Bilang isang kabataan at estudyante na naghahangad ng maunlad na bayan, paano


ka makakatulong na sugpuin ang korapsyon na lumalaganap di lamang sa
gobyerno kundi sa lokal na pamahalaan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong batas ang nais mong maisakatuparan


kaugnay nito? Bakit? Paano ito makakatulong sa mamayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Magbanggit ng ilang mga halimbawa ng mga saligang batas na naipasa na may
kaugnay sa pagpigil ng korapsyon sa bansa. Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mga ilang batas na ipinasa upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas

 Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na pinamagatang


Pagpapanagot ng mga Opiser na Pampubliko ay nagsasaad sa Seksiyon 1 na ang
opisinang pampubliko ay isang pagtitiwalang pampubliko. Ang mga opiser at
empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng mga panahon sa mga tao,
magsilbi sa kanila ng may sukdulang responsibilidad, integridad, katapatan,
kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya at mamuhay ng mga katamtamang
pamumuhay.
 Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo ay nagsasaad na ang Pangulo,
Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal at
ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa panunuhol
at graft at korupsiyon.
 Ang Republic Act No. 3019 na kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt Practices
Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng anumang opiser na
pampubliko, nagdedeklarang sa mga ito na hindi naayon sa batas at nagbibigay ng
mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa pagitan ng 6 hanggang 15 taon),
walang katapusang diskwalipikasyon mula sa pagtakbo sa opisinang pampubliko,
at pagsamsam ng hindi maipaliwanag ng kayamanan ng pabor sa pamahalaan.
 Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon
8 ng Republic Act No. 6713 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal
para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay nag-aatas na magsumite ng
Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kada taon.
 Ang Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987 ay umuulit sa mga
probinsiyon na nasa Seksiyon I, Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
Ito ay nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo ng kapangyarihan na
magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-arian ng mga opisyal at
empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naayon sa batas

Mga katawan o ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas

Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal


upang sugpuin ang graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang mga probinsiyan ng
pagpapanagot na pampubliko. Ang mga katawang ito ay pinagkalooban ng
kapangyarihang piskal upang masiguro ang kanilang kalayaan at ang kanilang mga
aksiyon ay maapela lamang sa Kataas-taasang hukuman.

 Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga


reklamong inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi
bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga
diputado nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the Military,
One Deputy Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga
"protektor ng mga tao". Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at
spesipikong pagganap ng mga katungkulang opisyal upang ang mga batas ay
angkop na mailapat. Ito ay sumisiguro sa patuloy at maiging paghahatid ng mga
serbisyong pampubliko. Ito ay nagpapasimula ng mga pagpipino ng mga
pamamaraan at kasanayang pampubliko at nag-aatas ng mga sanksiyong
administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at empleyado ng pamahalaan at
naglilitis sa kanila para sa mga paglabag ng batas kaparusahan. Ang nakaraang
Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay na-impeach dahil sa kawalang pagkilos
sa mga kasong inihain laban sa korupsiyon.
 Ang Civil Service Commission (CSC) ang sentral na ahensiya ng tauhan ng
pamahalaan na inatasang magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng
moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa
serbisyong sibil. Ito ay nagpapalakas rin ng sistemang merito at mga gantimpala,
pagpapaunlad ng mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may
hurisdiksiyon sa mga kasong administratibo kabilang ang graft at korupsiyon na
inihain dito sa apela.
 Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng
pamahalaan. Ito ay binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o iaduit at
bayaran ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga
resibo at mga gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya
ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap
ng mga patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at
hindi pagpayag sa mga iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi
makatwirang mga gastusin o paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.
 Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may
hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga
kasanayang graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag na ginawa ng mga
opiser at empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng
moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

Mga Hadlang sa Pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas


Ang mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas ay itinuturo sa mga
sumusunod na paktor:
 Ang spesipikong kultura ng mga Pilipino nagpapalakas ng paglaganap ng graft at
korupsiyon. Ang mga malalakas na ugnayang pampamilya ay nagbibigay dahilan
o katwiran sa pagbibigay ng mga benepisyo sa mga hindi kwalipikadong
tumatanggap nito na napaka-ebidente sa pagbibigay trabaho at pagkakaloob ng
mga kontrata. Ang phenomenon na ito sa lipunan ng Pilipinas ay mapanganib na
umaapekto sa propesyonalismo, kaigihan at pagiging epektibo ng serbisyo sa
pamahalaan gayundin sa pagpapapatayo ng mga publiong imprastruktura at
pagkakamit ng mga suplay at materyal ng pamahalaan na minsang mababang uri
at labis na mataas ang presyo.
 Ang kulturang Pilipino ng pagbibigay regalo ay nagbibigay katwiran sa
paglalagay o panunuhol at pangingikil na gumagawang mahirap para sa
pagpapatupad ng batas at mga ahensiyang anti-korupsiyon na sugpuin ang
problema. Ang kasanayang panlipunang ito ay gumagawang inutil sa batas na
nagbabawal sa pagbibigay regalo at kaya ay karagdagang nagpapalakas ng
kasanayang korupsiyong ito.
 Ang mga ahensiya sa Pilipinas na inatasan na labanan ang graft at korupsiyon ay
hindi mahusay na pinopondohan ng pamahalaan. May kawalan rin ng pagkilala,
mga merito, mga gantimpala at mga pabuya na ibinibigay ang pamahalaan ng
Pilipinas para sa mga pagsisikap ng mga ahensiyang anti-korupsiyon. Ang mga
tauhan ng mga ahensiyang anti-korupsiyon na ito ay marupok sa mga panunuhol
dahil sa kawalan ng suportang pangsalapi, integridad at propesyonalismo. Ang
mga patakaran ay dapat ipakilala sa pagrerecruit ng mga tauhang anti-korupsiyon
upang masiguro na ang mga ito ay nag-aangkin ng moralidad, katapatan,
integridad at dedikasyon sa tungkuling ito.
 Ang transparency o pagiging bukas ay hindi sinusunod partikular na sa mga
transaksiyon ng pamahalaan. Ang publiko ay tinatanggihan na magkaroon ng
kaalaman sa mga aktibidad ng mga opisyal ng pamahalaan. Hindi pinapaalam sa
mga mamamayan ang detalye ng bahagi sa pambansang badyet ng mga
kagawarang ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) o hudikatura (korte) at
kung paanong ginugugol ng mga kagawarang ito ang kanilang mga pondo.
 Ang epektibong pagmomonitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan
gayundin ang mga gastusin ay hind seryosong isinasagawa ng mga ahensiya o
tauhan na inatasang magmonitor ng mga ito. Ang mga ito ay marupok rin sa
panunuhol at hindi aktuwal na nagsasagawa ng buong inspeksiyon ng mga ito
ngunit umaasa lamang sa mga impormasyong nakalap.
 Ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na
mekanismo sa pagsugpo ng graft at korupsiyon ay isinusumite ng lahat ng mga
opisyal pampubliko. Gayunpaman, walang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas
na inatasan na siyasatin ang pagiging totoo ng mga datos na ipinasok dito. Ang
mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay maaaring magtago ng kanilang nalikom na
hindi maipaliwanag na kayamanan habang nasa panunungkulan sa pamahalaan sa
pamamagitan ng hindi tapat na pagdedeklara nito sa kanilang SALN.
Sanggunian

Paano natin mababawasan ang korapsyon o katiwalian?

Matitigil lamang ang korapsyon o katiwalian kung sama-sama ang bawat indibidwal sa
lipunang ginagalawan sa pagsupil nito. Ilan sa mga hakbang ay mga sumusunod:

 Ilantad ang mga tiwaling aktibidad o mga gawain at panganib na hindi maaaring
manatiling nakatago.
 Kinakailangan na panatilihing tapat, transparent at may pananagutan ang
pampublikong sector sa mamayan.
 Makibahagi sa pakikisa sa pagtulong na itigil ang mga hindi tapat na mga gawain.
 Tumulong na matoyak na ang mga empleyado ng pampublikong sektor ay
kumikilos para sa kapakanan ng publiko at di pansarili lamang.
Ayon sa isang akademikong pag-aaral, nais ng nakararaming mga Pilipino na ipatupad
ang parusang kamatayan sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan. Bukod sa parusang
kamatayan, ang mga Pilipino ay nagmungkahi rin na ang mga whistleblower o
naglalantad ng korupsiyon, ay bigyan ng bahagi ng salaping kinukurakot ng mga opisyal
bilang pabuya sa mga ito.

Sanggunian: "Archive copy". Inarkibo mula ang orihinal hanggang 2011-10-03. kinuha 2013-03-31.

KONSEPTO NG BAYANI

Ang konsepto ng bayani ay malaganap at nagtatagal, na umaabot sa panahon,


kultura, at edad. Bagama't lumipas na ang yugto ng mga kinikilala nating mga tao na nag-
alay ng kanilang buhay upang mabago ang kasaysayan, patuloy pa rin ang paggunita sa
kanila upang maging gabay sa kasalukuyan. Madalas ang unang pumapasok sa isipan
natin kapag nabanggit ang salitang bayani ay nakabatay sa kanilang katapangan,
kabayanihan, at kadalasa’y nagbuwis ng buhay para sa bayan gaya nina Antonio Luna,
Andres Bonifacio, Jose Rizal at iba pa.
Panuto: Isulat sa ibaba ang iyong sariling pananaw sa konsepto ng bayani. Punan
ang mga bilog sa ibaba na umuugnay sa salitang” Bayani” sa gitna.

Bayani

2. Batay sa iyong mga kasagutan sa itaas, anu-ano ang mga katangian ng isang bayani?
Anu-ano ang mga naging batayan upang ituring na bayani ang isang indibidwal?

BAYANI

 Ang salitang bayani ay nakaugnay sa bayan na nagkakaroon ng pagbabago


batay sa pangangailangan ng bayan. Ang salitang bayani ay ginamit din
bilang pantukoy sa salitang mandirigma na siyang naging tagapagtanggol sa
lugar na kanilang nasasakupan. Ang isang bayani ay isang taong mayroong
kabayanihan', at mayroong kaugnayan sa pagiging magiting o matapang.
 Sa mitolohiya at kuwentong-bayang Griyego, ang isang bayani ay orihinal
na isang demi-diyos, na ang kulto ay ang pagiging isa sa pinaka katangi-
tanging mga tampok ng sinaunang relihiyon ng Gresya.
 Sa paglaon, ang salitang bayani ay naging tumutukoy na sa mga tauhan na,
sa harap ng panganib at ng kagipitan o mula sa isang katayuan ng kahinaan,
ay nagpamalas ng katapangan at ng pagnanais na isakripisyo ang sarili - na
tinatawag bilang kabayanihan - para sa ilang mas nakaaangat na kabutihan
o kapakanan ng sangkatauhan.

Mga Batayan para maging Bayani

Ang nabuong mga batayan para maging bayani ay pinanday ng National Heroes
Committee.

1. Ang mga konsepto ng bansa at pagtapos ay maghangad at nakikibaka para sa


Kalayaan ng bansa.
2. Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o buhay para
sa kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
3. Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga sumusunod na henerasyon.
4. Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng
isang kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong proseso na ginawa ng partikular
na tao ng isang bayani.

Ang bagong konsepto ng salitang bayani sa kasalukuyang panahon ay binibigyan


natin ng katumbas na kahulugan na “pagsasakripisyo”. Ito ay pagsasakripisyo ng isang
indibidwal hindi para sa kanyang sariling ikabubuti ngunit handa niyang gawin ang lahat
para sa kapakanan ng iba. Sila rin ay mga taong itinuturing na handing magserbisyo para
sa bayan lalo na sa ikabubuti ng bayan. Kung kaya masasabi natin na ang isang tunay na
buhay araw-araw na bayani ay katulad ng sa isang pampanitikan na bayani. Ito ay isang
tao na inuuna ang iba bago ang sarili para sa isang mabuting layunin. Karaniwang
nagpapakita sila ng mga katangian ng pagiging hindi makasarili, katapangan,
pakikiramay, at katapangan. Ang kahulugan ng isang bayani ay nabago sa buong
panahon.

Panuto:

1. Bumuo ng isang larasay na nagpapakita ng iyong tinatanging bayani sa


iyong buhay. Bakit mo siya itinuturing na bayani? Ano ang naging
impak nito sa iyong pagkatao, relasyon sa kapwa, at s aiyo ring pag-
aaral.

2. Lagyan ng kaukulang sagot ang nasa ibaba. Sa unang hanay, isulat ang
pangalan ng bayani, dakilang nagawa ng bayan isa ikalawang hanay,sa
huling hanay ipaliwanag ang naging impak nito sa kasalukuyang
henerasyon.

BAYANI MGA NAGAWA PAKINABANG/IMPAK

KALAGAYAN NG SERBISYONG PABAHAY, PANGKALUSUGAN,


TRANSPORTASYON, EDUKASYON, ATBP
Subukin Mo

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat kung TAMA ang isnasaad
ng pahayag. Kung MALI, bigyan ng pagmamatuwid ang ikinamali ng pahayag.

_________1. Ang gobyerno ang siyang nangangalaga sa Karapatan ng mamayan


sa pagtiyak ng pagkakaloob ng serbisyong panlipunan at pangkalusugan.
__________2. Kasama sa sebisyong pang-imprastrakturaibinibigay ng
pamahalaan ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.

__________3. Ang mga pangangailan ng mga mamayan ay tinutugunan ng


pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto at paglalaan ng
badget nito.

__________4. Isa sa bunga ng tapat at maayos na pamamahala ng mga


kumakatawan sa pamahalaan ay ang paghihirap ng mamayan ng bansa.

__________5. Tinitiyak din ng pamahalaan ang kaligtasan at ikabubuti ng mga


mamayan upang magkaroon ng patas at angkop na pagbibigay ng serbisyong
pangkalusugan.

Mahalaga sa isang bansa ang pagbibigay tuon sa kapakanan ng mga


mamamayan na naninirahan nito. Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas pa lamang
ay nakasaad nang pamahalaan ang mga kinikilalang mga serbisyong libreng
ibinibigay para sa mamayan ng bansa. Dagdag pa dito, makikita sa Artikulo II,
Seksyon 15 ang nakasaan na kinakailangan ang pagsiguro ng pamahalaan ang
mga karapatan sa kalusugan at ang kahalagahan ng magkaroon ng kaalaman.
Biibigyang diin ng pamahalaan ang pangangalaga sa pagbibigay ng libreng
serbisyong pangkalusugan upang matiyak na ang bawat mamayan ay magiging
katulong nito sa pagbuo ng maayos at maunlad na pamamahala sa bansa.

PROGRAMANG PANGKALUSUGAN

May mga iba’t ibang programang pangkalusugan na inilaan ang pamahalaan


upang matiyak na mapangalagaan ang mga mamayan ng bansa. Ang Kagawaran
ng Kalusugan o Department of Health (DOH) ay ang ahensyang ay ang may
tungkulin upang matiyak na nabibigay ng tiyak ang mga serbisyong
pangkalusugan. Ilan sa kilalang programa ng kagawaran ang National Health
Insurance Program (NHIP) Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa
sa mga ina at kababaihan at programa laban sa mga sakit gaya ng AIDS, dengue,
COVID-19 at marami pang iba.
Sanggunian:Department of Education. Araling Panlipunan 4, Learner’s Materials. pp. 273-278 Pasig
City: Instructional Materials Secretariat (DepEd-IMCS), 2015.
Panuto: Sa tulong Graphic Organizer, itala ang mga serbisyong ibinibigay ng

lokal na pamamahalaan na iyo o ng iyong pamilya at kamag-anak na


napakinabangan o ito’y naibigay nito. Isulat sa kasunod nito ang epekto
sa nakuhang serbisyo mula sa pamahalaan.

MAMAYAN

SERBISYO SERBISYO

EPEKTO EPEKTO EPEKTO

Karagdagang Tanong

1. Bilang isang kabataan at estudyante, paano ka makikibahagi upang


mapagtibay at lalo pang maisulong ang mga serbisyong pangkalusugan na
inilalaan ng pamahalaan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga serbisyong inilaan sa kalusugan ng
pamahalaan sa mamayan? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

PROGRAMANG PABAHAY

Ang pamahalaan ay nagbibigay din ng prayoridad sa programang pabahay


upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Iba’t ibang ahensiya ng
pabahay ang nagsusulong ng proyekto kagaya ng National Home Mortgage
Finance Corporation (NHMFC) Home Development Mutual Fund, National
Housing Authority at Home Guarantee Corporation sa pangunguna ng Housing
and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sa NHMFC, ang Community Mortgage Program (CMP) ay naglalayong


tulungan ang mga kababayang nakatira sa lupa ng isang pribadong indibidwal o
kompanya na mabili ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Ang mga
residente ay magbubuklod bilang asosasyong nakarehistro sa Securities and
Exchange Commission (SEC). Kung papayag ang may-ari na ipagbili ang lupa,
maaari silang dumulog sa NHMFC upang tulungan silang isailalim ang pagbili ng
lupa sa CMP. Sa tulong ng accredited na originator, maaayos ang proseso ng
paglalakad ng lahat ng mga papeles.

Ang pabahay, o mas karaniwang kilala sa mga lugar na tirahan, ay


tumutukoy sa pagtatayo at itinalagang paggamit ng mga bahay o gusali nang
sama-sama, para sa layunin ng kanlungan ng mga tao ang pagpaplano o probisyon
na inihahatid ng isang awtoridad, na may kaugnay na kahulugan. Ang pagtiyak na
ang mga miyembro ng lipunan ay may tahanan na titirhan, ito man ay bahay, o
ibang uri ng tirahan, tuluyan, o tirahan, ay isang isyung panlipunan. Maraming
pamahalaan ang may isa o higit pang awtoridad sa pabahay, kung minsan ay
tinatawag ding ministeryo sa pabahay, o departamento ng pabahay.

Sanggunian:Housing - Wikipedia
MGA KINAKAILANGAN SA PAGIGING KARAPAT-DAPAT PARA
MAKAKUHA NG
PAG-IBIG HOUSING LOAN

Ayon sa gobyerno, may 5.8 million housing backlogs sa Pilipinas noong 2016. Ito ay patunay na ang
pabahay ay isa sa mga pangarap ng mga Filipino dahil marami ang wala nito. Noong January 9, 2018,
inilabas ng Pag-IBIG ang Circular No. 396 o ang “Modified Guidelines on the Pag-IBIG End-User
Home (EUF) Financing Program” kung saan nilalaman nito ang mga updated na mga tuntunin, terms
and kondisyon nito sa pautang sa bahay.

(Panoorin: Guide in buying a house)

1. Miyembro ng Pag-ibig.

A. Ang pinakaunang requirement para maka-avail ng Pag-IBIG housing loa o EUF loan ay ang
pagiging active member nito. Ang ibig sabihin ng active member ay pagbibigay ng hindi bababa sa 24
monthly savings sa oras na mag-apply. Para sa mga miyembrong kulang pa sa 24 na monthly
savings requirement ay maari pa ring makapag apply sa Pag-IBIG housing loan basta’t
makumpleto niya ito sa oras na mag-apply siya. Ibig sabihin, maari niyang punan ang
kakulangan kapag nag-apply na siya.
B. Sa mga hindi pa miyembro o non-members ng Pag-IBIG, maari pa rin silang
mag-apply ng Pag-IBIG housing loan. Kinakailangan lang na magbigay ang non-member
ng kabuuang 24 no monthly savings requirement sa lumpsum. Parating kasama sa pag-
compute ng monthly savings ang employee at employer counterparts, kung isang
empleyado.
2. Hindi mas matanda sa 65 taong gulang

Ang mga puwedeng mag-apply ay kinakailangang ang edad ay hindi lalampas sa 65 sa oras na
mag-apply. Dagdag pa dito, kinakailangang hindi lalampas sa edad na 70 kapag nag-mature ang
loan. Ito ang ibig sabihin ng limit sa edad, kailangang ma-approve ang Pag-IBIG housing loan bago
mag-65 years old at matatapos dapat bayaran ang ang loan bago mag-75 na taong gulang.

3. May legal na kapasidad


Dapat may legal capacity o ang kapangyarihan na makabili (acquire) o takdaan
(encumber) ang real estate property sa ilalim ng batas ang mag-aaply. Mahalaga itong
malaman ng mga Overseas Filipino migrants o yung mga naturalisado na mamayan na
sa kanilang mga host na bansa. Kumunsulta sa mga abogado kasi maaaring may
epekto ito kung may balak bumili ng bahay at lupa sa Pilipinas. Dahil banyaga na ang
turing sa mga ng kanilang Filipino citizenship, bawal silang bumili ng lupa habang
banyaga pa sila. Kailangan nilang i-re-acquire ang kanilang Filipino citizenship at
maging dual citizens.

4. Updated ang bayad sa STL

May dalawang klase ang Pag-IBIG short term loan (STL) – ito ay ang multipurpose
loan (MPL) at calamity loan. Tinatawag itong short term loans dahil dapat mabayaran
ang loan sa loob ng dalawang taon. Ang MPL ay maaring gamitin sa house repair,
minor home improvement, home enhancement, tuition or educational expenses, health
and wellness, livelihood; at iba pa. Ang calamity loan naman ay naglalayong
magbigay financial assistance sa mga Pag-IBIG members na biktima ng kalamidad sa
mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
Isa rin sa itinuturing na salik sa kaunlaran ng ating bansa ay ang edukasyon. Ang
pamahalaan ay may mga serbisyo at programang inilaan sa edukasyon upang makatulong
sa pamilya na nahihirapan na maitaguyod ang kanilang anak na maipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral. Inaasahan sa mga programang itinakda, ay magkakaroon ng mas
malawak na kakayahan ang bawat mamayan na maging maalam at maging kaagapay ng
pamahalaan sa kaunlaran nito. Isa ang Piliipinas sa pagtataguyod ng “Edukasyon para sa
Lahat “(Education for All”). Ang programang ito ay naglalayong mas mapabuti pa ang
kalidad ng edukasyon ng bawat mamayang Pilipino.

Mga Program na ipinatupad ng Pamahalaan

1. Programa K-12 (K-12 Program)

Ayon sa DepEd, dumaan sa masusing ang pagbabago ito na dulot edukasyon ng


Pilipinas. Itinuturing na ang postibong naidulot nito sa mga estudyante ay ang
pagkakaroon ng pagkakataon na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espelisasyon na
makatutulong upang maging handa ang mga ito sa madaling pagkakaroon ng trabaho sa
hinaharap. Dagdag pa ng DepEd na ang Pilipinas ay pinakahuli sa mga bansa ng Asya na
nagpatupad ng progrmang ito. Pinapatunayan na ang 13 taon na programa sa edukasyon
ay pinakamabisang haba ng panahon upang matamo ang kabuuang pagkatuto ng mga
estudyante.
2. Day Care Center
Ito ang programa ng pamahalaan na tumutulong sa pangangalaga sa mga bat ana
naguumpisa pa lamang matuto.
3. Out–Of–School- Youth (OSY)
Sila ang mga nahinto sa pag-aaral na tinutulungan ng pamahalaan sa pammagitan
ng mga proramang tulad ng “ Abot Alam”. Ang proramang ito ay naglalayong
mabawasan ang mga OSY. Sila ay binibigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng
libre sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS). Ito ay isinasagawa
sa oras na sila ay bakante o walang trabaho. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagkakataon ang mga kabataan na mas maging handa sa pagnenegosyo o empleyo.
4. Programa para sa Indigenous People o mga Katutubo nating Mamayan
Pinalalakas ng programang ito hindi lamang ang kakayahan literasi kundi ang
patuloy na pangangalaga sa pag-iingat sa kultura at mapagyaman ang kasaysayan
ng bayan.
ARALIN 2: Ilang Tala sa mga Isyung Lokal at Nasyonal

Larawang Suri
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung anong isyung Lokal at
Nasyonal ang ipinapakita nito. Tukuyin at isulat din ang maaaring dahilan at epekto ng
mga ito.

Isyung Lokal at Nasyonal Dahilan Epekto


Hitik ang bansang Pilipinas sa likas na yaman. Maraming mamayang Pilipino ang nagkakaroon
ng pangkabuhayan mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman katulad ng pagtatanim at
pangingisda. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman na dulot ng ating Inang
kaliskasan ay patuloy itong nasisira at unti-unting nauubos dahil sa mapang-abusong paggamit dito ng
mga tao. Dahil na rin sa ganitong pangyayari, nagkaroon ng malawakang isyu o suliranin na kinakaharap
ang bansa. Ito ay mga sumusunod:

BAGYO

 Ang salitang bagyo ay nagmula sa Ingles na bagyo, at ito naman ay nagmula sa


Greek kyklôn, na nangangahulugang " umihip ". Ang mga salitang hurricane at
bagyo ay maaaring magamit bilang magkasingkahulugan para sa bagyo.

 Ang bagyo (mula sa Proto-Austronesian: baRiuS at Ingles: typhoon, hurricane,


storm at tropical cyclone) ay isang sistema ng klima na may nakabukas na
sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo sa
pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin.
Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa
pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang
"mainit na gitna" na sistema ng klima. Tinatawag din itong unos at sigwa.

 Ang mga bagyo ay maaaring mahulaan, na nagbibigay-daan sa pag-alerto sa


populasyon na maaapektuhan na kumuha ng kinakailangang proteksyon at pag-
iwas sa mga hakbang, dahil pagkatapos ng pagpasa ng isang bagyo ay karaniwang
may mga pagkalugi, pagkasira at pagbaha na nakakaapekto maraming tao.

PAGBABAGO NG KLIMA (CLIMATE CHANGE)

 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay


naramdaman simula noong kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate
Change at Pagpapalayan (2014), “ang ay ang abnormal na pagbabago ng klima
tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan
sa isang lugar”.
Dahilan ng Climate Change
May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Una, ang natural na
pagbabago ng klima ng buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula
sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na
nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. Ang ikalawa ay
ang gawain ng tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba
pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito ay paggamit ng mga fossil fuels
gaya ng langis at coal, at ang agputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng mga
kagubatan.

Epekto ng Climate Change

Ang climate change ay maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi
pati na rin sa mga tao. Ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na
siyang
palatandaan ng climate change ay nagdudulot ng sakuna kagaya ng heatwave, baha,
malalakas na bagyo, at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit at pagpakamatay.
Ilan sa mga sakit na maaring lumaganap ay mga sakit dala ng tubig o pagkain gaya ng
cholera at iba pang sakit na may pagtatae, at mga sakit na dala ng mga insekto (lamok)
tulad ng malaria at dengue at sakit na dala ng daga gaya ng leptospirosis. Dahil sa
pagkasira ng mga komunidad dulot ng mga kalamidad na hatid ng climate change ay
lumalaganap din ang malnutrisyon at iba pang suliraning panlipunan. May ilang mga
mamamayan ang napipilitang lumikas dahil nawalan sila ng tirahan dahil sa pagkasira ng
mga ito dulot ng malakas na bagyo. Ang iba ay natabunan ng lupa dahil sa landslide,
samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng
kanilang mga bahay.

Mga Programa at Patakaran para sa Climate Change sa Pilipinas

Dapat protektahan at isulong ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan sa


isang balanse at malusog na kapaligiran (Artikulo 2 Seksiyon 16 ng 1987 Konstitusyon
ng
Pilipinas). Ito ang batayan sa paglikha noong Hulyo 27, 2009 sa Republic Act No. 9729
na kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ito ang sagot ng Pilipinas sa banta ng
climate
change, alinsunod sa pangako sa ilalim ng United Nations Framework Convention for
Climate Change (UNFCCC). Nakasaad sa batas na ito ang pagbalangkas ng pamahalaan
ng mga programa at proyekto, mga plano at estratehiya, mga patakaran, ang paglikha ng
Climate Change Commission at ang pagtatatag ng National Framework Strategy and
Program on Climate Change. Ang Climate Change Commission ay ang tanging ahensya
na may tungkuling makipag-ugnayan, bumalangkas, sumubaybay at sumuri ng mga
programa at mga pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima. Pinagtibay rin ang Republic
Act No. 8749 na kilala bilang Philippine Clean Air Act noong 1999. Ito ay naglalayong
mapanatiling malinis at libre sa greenhouse gas emissions ang hangin sa bansa. Ang
Philippine Task Force on Climate Change (PTFCC) ay binuo upang pagaanin ang
masamang epekto ng climate change at magsagawa ng isang mabilis na pagsusuri ng mga
epekto nito sa bansa.

Sanggunian: ap10_q1_mod2_mga isyung pangka paligiran_FINAL08032020.pdf (asnhs.net)

BAHA

 Ang baha ay isang pag-apaw ng tubig na lumulubog sa lupa na karaniwang tuyo.


Sa kahulugan ng "umaagos na tubig", ang salita ay maaari ding ilapat sa pag-agos
ng tubig. Ang mga baha ay isang lugar ng pag-aaral ng discipline hydrology at
may malaking pag-aalala sa agrikultura, civil engineering at pampublikong
kalusugan.
 Ang mga baha ay karaniwang nangyayari kapag may sapat na pag-ulan sa isang
maikling sapat na oras upang magbaha ng isang ilog sa mga bangko nito o kung
ang isang bagyo ay pinipilit ang maraming tubig mula sa karagatan. Maaaring
mangyari ang mga pagbaha ng flash sa mga dry ecosystem kapag ang tubig ay
nangangalap sa dati na tuyong mga lambak at naghugas ng mga ito.

Mga Baha sa Bagyo

 Ang mga bagyo sa karagatan ay maaaring maging sanhi ng napakalaking swells na


umusbong sa bukas na karagatan. Kapag ang mga pamamaga na ito ay
nakakatugon sa lupain, kung malaki ang mga ito, nagpapatuloy lamang sila sa
lupain at lumubog ang anuman sa kanilang lakad. Ang isang kamakailan-lamang
na sikat at mapanirang halimbawa nito ay ang Hurricane Katrina, na bumaha sa
karamihan ng New Orleans noong Agosto ng 2005. Ang mga pag-usbong ng
karagatan na dulot ng bagyo ay sumira sa mga panlaban ng lungsod at tinakpan
ang lungsod. Ang mga pagbaha na dulot ng mga bagyo ay pinaka-nagbabantang sa
baybayin, mababang lugar. Ang mga isla tulad ng Maldives, Cuba at West Indies
ay partikular na nasa peligro dahil ang pagbabago ng mga pattern ng panahon ay
nagiging sanhi ng mas malalakas na bagyo at baha.

Mga Baha ng Flash

 Ang mga pagbaha ng flash ay isang kababalaghan na karaniwang matatagpuan sa


mga ligaw at ecosystem ng disyerto. Marami sa mga landscapes na ito ay may
malalim na gullies at canyons na nabuo ng pagguho ng erosion. Kapag ang isang
maikling at matindi na pag-ulan ay sumabog, ang tubig ay natural na maghanap ng
pinakamababang punto. Ang tubig ay nagtitipon at nakakalakas ng lakas habang
tumatakbo ito sa mas malalaking canyon at maaaring lumikha ng mga naisalokal
na pagbaha na dumadaloy sa mga lugar na natuyo ang mga buto lamang sandali.
Hindi na kailangang sabihin, maaari itong maglahad ng isang panganib sa sinuman
o anumang mangyayari na nasa landas ng baha.

Mga Baha ng Flash


Ang mga pagbaha ng flash ay isang kababalaghan na karaniwang matatagpuan sa mga
ligaw at ecosystem ng disyerto. Marami sa mga landscapes na ito ay may malalim na
gullies at canyons na nabuo ng pagguho ng erosion. Kapag ang isang maikling at matindi
na pag-ulan ay sumabog, ang tubig ay natural na maghanap ng pinakamababang punto.
Ang tubig ay nagtitipon at nakakalakas ng lakas habang tumatakbo ito sa mas malalaking
canyon at maaaring lumikha ng mga naisalokal na pagbaha na dumadaloy sa mga lugar
na natuyo ang mga buto lamang sandali. Hindi na kailangang sabihin, maaari itong
maglahad ng isang panganib sa sinuman o anumang mangyayari na nasa landas ng baha.

POLUSYON
 Ito ay ang pagkakaroon o akumulasyon ng mga sangkap sa kapaligiran na
negatibong nakakaapekto sa kapaligiran at mga kondisyon ng pamumuhay, pati na
rin ang kalusugan o kalinisan ng mga nabubuhay na nilalang.

Mga Uri ng Polusyon

1. Polusyon sa tubig
Ang polusyon sa tubig ay isang pagbabago o pagbabago ng tubig na may negatibong
kahihinatnan sa kapaligiran at sa mga nabubuhay na nilalang. Ginagamit din ang
konsepto ng polusyon ng tubig. Ang tao ay ang pangunahing tao na may pananagutan sa
polusyon ng tubig, lalo na sa pamamagitan ng paglabas ng basura, na hindi ginagamot at
nagmula sa mga aktibidad tulad ng industriya, hayop at agrikultura, sa kalikasan na ito.
Tatlong uri ng mga pollutant ng tubig ay maaaring makilala: pisikal, kemikal at
biological.

2. Polusyon sa hangin
Ang polusyon sa hangin ay ang pagkakaroon ng solid, likidong mga particle at gas na
nakakapinsala sa mga nabubuhay na tao at sa kapaligiran. Minsan ang mga katulad na
termino tulad ng polusyon ng hangin ay ginagamit. Ang polusyon sa hangin ay maaaring
maging sanhi ng malubhang problema sa kalusugan sa pamamagitan ng paglanghap ng
mga nakakalason na sangkap. Maaari itong magmula sa mga likas na mapagkukunan,
tulad ng pagsabog ng isang bulkan, o mula sa pagkilos ng tao. Ang ilan sa mga air
pollutant na ito ay carbon monoxide, ozon, at mitein. Ang smog, isang uri ng fog na
binubuo ng isang halo ng usok at sinuspinde na mga partikulo, ay katibayan ng polusyon
ng hangin sa mga lungsod na pang-industriya.
3. Polusyon sa lupa
Ang polusyon sa lupa ay ang pagkakaroon ng mga sangkap na negatibong nakakaapekto
sa mga katangian at katangian ng lupa at nagdudulot ng kawalan ng timbang sa pisikal,
kemikal at biological na negatibong nakakaapekto sa mga nabubuhay na tao at sa
kapaligiran. Ang lupa ay maaaring nahawahan ng impluwensya ng hangin o tubig, na
nagpapakilala sa mga pollutant, ngunit din sa pamamagitan ng pag-iipon o pagtapon ng
mga nakakapinsalang sangkap tulad ng mga pataba. Ang ilang mga kadahilanan ng
kontaminasyon ng lupa ay nadagdagan ang pagguho at pagbawas sa pagkamayabong ng
lupa.

4. Ang polusyon sa ingay


Ang acoustic o ingay na polusyon ay kilala bilang na nangyayari bilang isang bunga ng
mga pagbabago na dulot ng labis na tunog sa normal na mga kondisyon sa kapaligiran.
Ang polusyon sa tunog ay maaaring sanhi ng maraming mga gawain ng tao, tulad ng mga
nauugnay sa industriya, konstruksyon, commerce, libangan, trapiko o eroplano. Ang labis
o nakakainis na ingay ay maaaring makapinsala sa pandinig ng mga tao, kalusugan sa
pisikal at kaisipan, pati na rin sa kalidad ng buhay sa pangkalahatan at, dahil dito, dapat
kontrolin.
Sanggunian: KAHULUGAN NG POLUSYON (ANO ITO, KONSEPTO AT KAHULUGAN) - AGHAM AT
KALUSUGAN - 2022 (encyclopedia-titanica.com)

Sa patuloy na lumalaganap na suliranin ng bansa lalo na sa di matatawarang mga hagupit


ng kalikasan tulad na lamang ng Bagyong Odette nang nakaraang taon at Bagyong
Agaton na naganap ngayong buwan ng Abril. Ito ay nagsisilbi lamang na panawagan sa
mga mamayan na magkaisa upang mapangalagaan ang ating inang kalikasan upang di
mawasak at mapakinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

ARALIN 3: Mga Hamon at Panawagan sa Bawat Mamamayang Pilipino


Panuto: Suriin ang nasa kahon sa iba. Basahin ang bahagi ng blog ni
Michael Macan(2015)

Gabay na mga Tanong

1. Batay sa talata sa itaas, ano ang inilalarawan na paksa nito?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Ano ang bahagi ng mamayan sa pagharap sa isyu at hamon ng lipunan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Ang mga isyung lokal at nasyunal ay may maraming sagabal na pumipinsala sa


ating lipunan. Ang mga ito ay mga sitwasyon na may masama at nakapipinsalang
resulta. Kung titingnang mabuti, malalaman mo na halos lahat ng uri ng isyung ito
ay may iisang pinagmulan. Sa kahulugan na lahat sila ay magkakaugnay kahit
papaano. Ibig sabihin, kung malutas ng isa ang isa ay malamang na malutas din.
Kung kaya ang panawagan ng pamahalaan na makiisa sa pakikibahagi upang
maisakatuparan ang mga maaring makatulong upang mabawasan ang mga
kasalukuyang suliraning kinakaharap ng ating bansa. Ang mga isyung ito ay may
napakalaking masamang epekto sa ating lipunan at sa huli, nakakaapekto ito sa
ating lahat. Upang malutas ang ilang mga isyung ito, kailangan natin ng isang
tunguhin. Walang lipunan ang malaya sa mga isyung lokal maging sa Nasyonal,
halos bawat isa sa kanila ay may ilang isyung panlipunan o iba pa.
Pagsasanay

Environmental Issue Map


Panuto: Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran na kasalukuyang nararanasan
ng bansa. Bumuo ng environmental issuemap sa pamamagitan ng paggawa sa
sumusunod:

a. sanhi - suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayarib.


b. epekto -suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay
c. kaugnayan- suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan saiba
pang likas na yaman.
d. Tunguhin- suriin ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy
nararanasang suliraning pangkapaligira

ENVIRONMENTAL ISSUE MAP

EPEKTO

SANHI

TUNGUHIN

KAUGNAYAN
Pagganap:

A. Panuto: Bumuo ng isang larawang sanaysay(larasay). Subukin na hindi bababa ng


5 larawan na nagpapakita ng mga isyung lokal at nasyonal. Sundin ang
pamantayan sa paggawa ng larasay.

You might also like