You are on page 1of 38

Y U N I T IV

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL


LAYUNIN

• Matutukoy at maipaliliwanag ang mga pangunahing suliraning


panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa;
• Makapagmumungkahi ng mga solusyong nakabatay sa
pananaliksik sa mga pangunahing suliraning panlipunan;
• Mapag-alab ang pagmamahal sa bayan na magbubunsod ng
ibayong pakikisangkot para sa kabutihan nito; at
• Mapatataas ang antas ng kamalayan sa kalagayan ng lipunan at
higit na mapagmalasakitan ang bayan.
Y U N I T IV

TAPIK A1
PANGKALAHATANG SIPAT SA MGA PANGUNAHING ISYU
NG BAYAN
A. PANGKALAHATANG SIPAT SA MGA PANGUNAHING ISYU NG
BAYAN
• Isa sa pinakamalala ngunit hindi masugpo-sugpong suliranin ng
Pilipinas ang korapsyon.
• Sa katunayan, tila nagiging karaniwan na lamang ito sa
pandinig at pananaw ng maraming mamamayan sapagkat
nagiging sistematiko na ito.
• Maging ang sistema ng hukuman ay tila nabahiran na rin ng
naturang kanser ng lipunan.
• Dahil sa pagdududang ito, maging ang sistemang
panghukuman ay tila wala nang nagagawa sa malakihang anyo
ng korapsyon sa bansa.
• Para sa lubos na pag-unawa sa kung ano ang mga anyo ng korapsyon na
umiiral sa bansa, mahalagang mabigyang kahulugan ito nang malinaw
nang makita ang mga indikasyon na nagbabadya ng korapsyon.
• Ayon sa The People Speak on Corruption & Governance ng International
Initiative- on Corruption and Governance (2007), pinakasimpleng
pagpapakahulugan sa korapsyon ang pag-abuso sa pampublikong
kapangyarihan para så personal o pribadong kapakinabangan.
• Ito rin ay maiuugnay sa pagkasira ng integridad, birtyu o mga prinsipyong
moral.
• Kung gayon, ayon sa nasabing hanguan, ang korapsyon ay isang
pangkalahatang konseptong naglalarawan sa isang organisado at
malayang sistema.
• Bahagi ng sistemang ito ang hindi pagtugon sa orihinal na layunin nito o
pagtaliwas sa itinakdang layunin nito na nakasasama sa buong sistema.
• Sa pagtinging ito, kabi-kabila kung gayon ang mga sitwasyong
maoobserbahan sa lipunang Pilipino.

• Makikita sa mga balita at dokumentaryo, kung hindi man sa


mga personal na karanasan at nasaksihan, ang mga karumal-
dumal na anyo ng korapsyon sa bansa.

• Mga ilang taon pa lamang ang nakalilipas nang makulong ang


tatlong kilalang senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla
at Jinggoy Estrada dahil diumano sa isyu ng korapsyon sa
kanilang PDAF o Philippine Development and Assistance Fund o
kilala rin bilang pork barrel.
• Ayon sa mga lumabas na ulat at pag-iimbestiga,
nakipagsabwatan diumano ang mga ito kay Janet
Napoles sa pagtatayo ng mga bogus na NGOS.

• Bagaman napakaraming mga ebidensiyang iniharap,


makalipas ang ilang taon ay pinawalang-sala ang ilan sa
kanila.

• Tumakbo pa ngang muli sila bilang senador sa


nakaraang eleksyon 2019 at nanalo pa ang isa sa kanila.
• Bagaman pinakapopular ang mga kasong ito, marami pang kaso ang
katulad sa nasyonal at lokal na antas.

• Patuloy ang akusasyon sa maraming lokal na opisyales ng pangungurakot


sa kaban ng bayan. Ngunit, hindi lamang mga politiko ang nasasangkot sa
korapsyon kung hindi maging ang ibang ahensya ng pamahalaan.

• Halimbawa noong 2011, ilang matataas na opisyal ng militar ang


napabalita at naimbestigahan dahil sa pabaon scandal.

• Tumutukoy ito sa pagbibigay ng milyong-milyong halaga ng pera sa


pagreretiro ng mga matataas na opisyal ng militar.

• Naging matunog at naibulgar ang ganitong kalakaran na nagbunsod sa


mga kaso at imbestigasyon sa ilang personalidad sa militar.
• Makikita rin bilang halimbawa ng ilang ahensya ng gobryerno ang maling
paggastos o paglalaan ng sa mga 'di tukoy na proyekto ng pondo
ahensya.

• Ayon noong 2018, ang tatlong pinakakorap na ahensya ng pamahalaan


ay ang DPWH, BIR at BOC (Desasupil, 2018).

• Lohikal kung iisipin sapagkat sa mga ahensyang ito napakalaking halaga


ng pera ang umiikot. Isa halimbawa ang DPWH sa may pinakamataas na
taunang badyet.

• Maaaring sa proseso pa lang ng bidding sa mga proyekto nito, daang


milyong halaga na ang maaaring mapunta sa kamay ng mga
mapagsamantala.
• Sabi nga sa prinsipyo' ng TQM o total quality management, upang
mapaghusay ang isang sistema, mahalagang matanggal ang proseso ng
bidding sapagkat magdudulot lamang ito ng karagdagang gastos at sa
kaso ng mga ahensya ng pamahalaan ay pagkontrol at pagbubulsa ng
malaking bahagi ng mga pondo rito.

• Kapansin-pansin din na napakaraming mga tulay at kalsada ang hindi


tapos samga probinsya ayon sa mga investigative documentaries gayong
ang isang proyekro bago pa man simulan ay may nakalaang badyet na.

• Sa mga pangunahing lungsod naman, kabi-kabila ang pagbabakbak sa


mga matitino pang daan upang pilit na palitan o ayusin gayong hindi
naman kailangan.
• Ang huling gawain ay maiiugnay kasi sa pangangailangang gastusin ang nakalaang
pondo at dahil sa kabalbalan sa sistema,nagkakaroon ng oportunidad ang mga nasa
katungkulan upang makapagkamkam sa kaban ng bayan.

• Sa kabilang banda, talamak naman ang suhulan sa Bureau of Customs at Bureau of


Internal Revenue.

• Makikita ito sa mga sa ulat ulat sa midya at mga non-governmental organizations na


nagbabantay sa estado.

• Talamak diumano sa BIR ang panunuhol upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis


at makakawala sa mga tax evasion case.

• Nakapagpapasok naman ng mga di rehistradong produkto dahil sa pagtanggap ng


suhol sa BOC.
• Lahat ng mga kasong ito ay nagdudulot ng pagkawala ng kita ng bayan sa
kapakinabangan ng iilang personalidad na nagsasamantala sa umiiral na
sistema.

• Ngunit hindi lang ang mga sitwasyong najlahad ang maaaring maging
porma ng korapsyon.

• Maaaring nagbabalatkayong makatao o pro-people ang korapsyon. Isa sa


pinakalantad dito ang pribatisasyon ng mga pag-aaring pampubliko ng
bansa gaya na lamang ng mga korporasyong pag-aari noon ng gobyerno
ngunit ngayon ay isinapribado na.

• Ayon nga sa IICG (2007):


Privatization of the public area or commons constitutes a form of
systematic corruption even where governing elites went through the
appropriate World Bank- advised steps to legalize the transfer of resources
and abdication of regulatory powers. Systematic corruption occurs where
governments and organizational procedures are compromised in a way
that permits or even feeds individual and state-sanctioned transfer of
public property and resources to private hands. Shrinking government
capacity to control corruption (regulation) forms part of the systematic
picture, reflecting and interpreting the grip of international structures and
entities on national entities. Regulations and control of corruption is still, in
principle, a governmental matter, but the principle is weakened when
government is ideologically and functionally stripped of supervisory power.
• Pangkabuuang epekto ng korapsyong ito ay ang
tinatawag na kahirapan.Bagaman ang kahirapan ay
nagmumula sa iba't ibang sakik, isa sa pinakaugat nito
ang iba't ibang anyo ng korapsyon sa bayan at lipunan.

• Sa pinakasimpleng pagbibigay-kahulugan, tumutukoy


ang kahirapan sa kawalan ng kakayahang tustusan ng
isang tao o isang pamilya ang pangunahing
pangangailangan niya upang mabuhay.
• Sa Pilipinas, sinusukat ito sa kita ng isang indibidwal na tumutustos sa
sarili o sa pamilya. Ito ang basehan at panimulang pagtaya sa kahirapan
o poverty incidence sa bansa.

• Ayon sa ulat ng PSA sa opisyal na estado ng kahirapan sa bansa base sa


2015 Family Income and Expenditure Survey (FIES), 16.5% ng pamilyang
Pilipino o 21.6% ng kabuuang populasyon ng bansa ang namumuhay
below the poverty line.

• Ang bahagdang ito ay tinatayang aabot ng 3.8 milyong pamilya o 21.9


milyong katao. Sila ang bahagi ng populasyon na kulang ang kinikita para
sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
• Napakalawak na usapin ang kahirapan at upang higit itong maunawaan, kailangang
himayin ang paksa at busisiin ang puno't dulo ng mga ito.
• Gayon pa man, mahalagang makita ang mga salik na siyang nagdudulot nito at ilan
pang mga bagay na nakakaapekto sa ekonomikong kalagayan ng mga Pilipino at ng
bung bansa.

• Ayon sa ulat na Current Situation: The Challenge of Philippine Poverty noong 2017,
mauugat ang kahirapan at kawalang kaunlaran ng Pilipinas sa mga sumusunod:

1. Ang ekonomiya ay nananatili sa siklo ng underdebelopment;


2. Hindi makaigpaw sa paurong na agrikultura at 'di pag-usad ng industriyalisasyon;
3. Prioritisasyon ng mga dayuhang mamumuhunan at lokal na organisadong interes-
negosyo sa pagbuo ng mga polisiya;
4. Di sapat at 'di epektibong panlipunang polisiya at proteksyon;
5. Mubigat na impak ng mga kalamidad sa mga mahihirap; at
6. Pag-uugnay sa pag-unlad sa mga 'di maasahang batayan.
• Ayon sa ulat, nanatili ang Pilipinas sa siklo ng kawalang pag-unlad at maiuugnay ito
sa 'di pagbibigay prioridad sa agrikultura at industriyalisasyon na siya namane
naududulot ng kawalan ng sapat na trabaho para sa mga mamamayan.

• Dahil dito, hindi rin sapat ang kita ng marami sa mga Pilipino na nagpapahina sa
paglikha ng mga suplay at pangangailangan. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapanatili
sa paurong na estado ng agrikultura at industriyalisasyon at pumipigil sa ekspansyon
ng paglikha ng mga produkto.

• Dahil ang dulot nitoy kakulngan ng sapat na trabaho at kita, hindi maibaba-baba ang
antas ng kahirapan sa bansa. Sa kasamaang palad, pinalalala pa ito ng pokus na uri
ng ekonomiya ng bansa, ang ekonomiyang tuon-serbisyo na walang kakayahang
solusyonan ang kahirapan sa bansa.
• Gayon din, ang pagbaba sa produksyon sa sektor ng agrikulktura at
manupaktura ay lalo pang nagpapalala sa kahirapan ng bansa.

• Umaasa ang bansa sa kita mula sa sektor ng serbisyo.

• Ang 'di estratehikong Ollatera hakbang na ito ay lalong naglulugmok sa


bansa sa paghihirap sapagkat ang pinakamahahalagang pundasyon ng
pag-unlad ng isang bansa ay ang mga sektor ng produksyon.

• Sa mga sektor na ito, gaya ng agrikultura at manupaktura, masisiguro ang


matatag na paglikha ng trabaho, paglikha ng kita, paglikom ng puhunan
at pag-unlad-teknolohikal.
• Samantala, lalong ibinabaon sa paghihirap ang bayan ng mga polisiyang binubuo at
ipinapatupad sa bansa.

• Sa estrukturang politikal ng Pilipinas, makikita ang mahigpit na ugnayan ng mga


politiko. at ng mga malalaking negosyante.

• Ang kalagayang into ay lubos na nakaaapekto sa kalagayang ekonomiko ng mga
ordinaryong Pilipino sapagkat mas nagkakaroon ng paborableng bentahe ang mga
polisiya sa mga negosyante kaysa sa mga ordinaryong, mamamayan.

• Mas higit na napapaboran ng polisiya ang interes ng mga negosyo kumpara sa mas
malawak na pampubliko at panlipunang pangangailangan. Sa isang ulat nga ay
sinabing:
The tendency of policies and laws is to favor oligarchs or
foreign capital in general and, often, specific business interests at
the expense of the poor majority, domestic capital, and smaller
enterprises, and national development. The over-determination of
the country's economic agenda by an elite of rationally self-
interested stakeholders further concentrates wealth and
entrenches inequality.
• Nakapagpapalala rin sa kahirapan ng bansa ang mga’di
epektibong panlipunang polisiya at proteksyong ipatutupad.
• Isa sa pinakamalalang isyu ay ang mga pagsasakomersyo at
pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo na hindi
kumikilala sa mga karapatang konstitusyonal sa kalusugan at
kalidad na edukasyonal ng bawat Pilipino.
• Sa pagpapaliwanag pa rin nina Africa, et al, (2017) sa ugat ng
kahirapan, binaggit nilang kasama sa mga ito ang kalamidad na
pinakamalala ang impak sa mga mahihirap at ang pag-uugnay
sa mga ekonomikong pag-unlad sa mga maling prinsipyo.
Sinabi nila sa kanilang ulat na:
The poor are in greater proximity to hazards than higher
income groups and the most vulnerable to the impacts of
environmental degradation. Farmers, fisher folk, and indigenous
communities are the ones most dependent on the natural
environment and ecosystems for their homes and livelihoods.
On the other hand, the recent episode of rapid economic
growth has been stimulated by easy credit, growing debt,
overseas remittances, a real estate boom, and infrastructure
spending. Local agricultural and industrial activity, domestic job
generation, and decent work are notably lagging behind visibly
rising corporate profits and growing oligarch wealth.
• Tulad ng malawakang kahirapang nakikita sa ngayon, ang
lalong pagyaman ng mga lubhang mayayaman ay magpapalaki
sa agwat ng buhay ng mga ito sa mahihirapb na Pilipino.

• Gayundin, kung lalong apektado ang mga mahihirap sa mga


kalamidad na bunsod ng pagkasira ng kalikasan dahil sa mga
negosyong walang pakundangan, mas lalong malulugmok sila
sa abang kalagayan. Sa mga gantong sitwasyon, higit na
lumalawak ang kahirapan sa bansa.
• Kaugnay ng kahirapan ang dislokasyon ng marhinalisadong
sector ng lipunan.
• Sila ang grupo ng mamamayan na ipinagwawalang-bahala ang
estado kung kaya lalong nalulugmok sa abang kalagayan.
• Kabilang sa maharnalisadong sector na ito ang grupo ng mga
magbubukid, mangingisda, arawang manggagawa, mga
manggagawang mabababa ang sahod, mga katutubo at
marami pang iba.
• Lantad ngunit kadalasan ay ipinagsasawalang-kibo ang pang-
aabuso sa mga pangkat na ito.
• Isang halimbawa nito ang kinakaharap ng mga mangingisda sa
Pilipinas.
• Kabilang sa mga isyung lalong nagpapahirap sa kanila ang mga
ordinansa sa pagsosona, multipol na pagbubuwis, intrusion ng
mga komersyal na bangkang pangisda, pagdami ng mga
fishpond at mga kasunduan sa pag-okupa sa mga baybayin,
demolisyon ng mga lugar pangisdaan, malawakang
importasyon ng mga isda at mababang presyo sa mga huli ng
mga local, mataas na gastusin sa produksyon at polusyon.
• Lahat ng ito ay nag-aambag sa lalo pang paghirap ng kalagayan
ng mga mangingisda sa bansa.
• Sa ulat na inilabas ng Pambansang Lakas ng Kilusang
Mamamalakaya ng Pilipinas noong 2008, ang mga nabanggit sa
unahan ay reyalidad na kinahaharap ng mga mangingisda.
• Pahirap sa kanila ang pagpayag ng mga local na pamahalaan sa
pag-upa ng mga kapitalista sa mga baybayin at paglalagay ng
fishpen para sa kanilang mga komersyal na pangisdaan.
• Dahil dito, nawawalan ng lugar upang pangisdaan ang mga
maliliit na mangingisda.
• Ang ganitong mga pangyayari ay laganap sa mga probinsya ng
Camarines Norte Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Manila Bay,
Batangas, Cebu, Bohol at sa mga isla ng Negros
• Maliban sa mga fishpen, dagdag gastusin din sa mga mangingisda ang
iba’t ibang buwis na ipinapataw sa kanila. Kinokolektahan sila ng mga
local na pamahalaan ng bayad sa lisensya, permiso sa pangingisda,
buwis sa mga kagamitang pangisda at bayarin sa pagdaong.
• Ang multipol na pagbubuwis na ito ay makikita sa Bikol, Batangas,
Quezon, La Union, Negros, Bohol at Davao City.
• Isa pa, nakalilikha rin ng kaliyuhan at komplikasyon ang probisyon ng
Fisheries Code of 1998 na nagbibigay karapatan sa mga maliliit na
mangingisda sa 15 kilometrong layo mula sa dalampasigan upang
mapangisdaan. Subalit ang batas ding ito ang siyang nagbibigay-laya sa
mga komersyal na bangkang pangisda na mangisda rito kung umaabot
ang katubgan sa itinakdang lalim ng batas..
• Dahil dito nagiging madalas ang mga awayan at nagiging kaagaw ng mga
maliliit na mangingisda ang malalaking mga bangkang pangisda.
• Nakalulungkot ding isipin na bagaman may kakayahang magsuplay ng
isda ang local na produksyon, pinapayagan ng pamahalaang nasyonal
ang patuloy na importasyon ng mga produktong isda mula sa USA, Peru,
China, Mauritania, Taiwan, Thailand, Indonesia, Japan at Chile.
• Dahil dito, lugi at bagsak presyo ang mga isda lalo na ang huli ng mga
maliliit na mangingisda.
• Napakataas din ng gastusin para sa produksyon.
• Dahil ito sa patuloy napagtaas din ng presyo ng mga pangunahing
materyales para sa operasyon ng pangingisda.
• Tulad na lamang ng gasoline, langis, gaas at iba pa.
• Kalaban din ang polusyon ng mga mangingisda dahil pinapatay nito ang
mga isda sa katubigan.
• Pinakamalaking nag-aambag dito ang mga dumi mula sa mga komersyal
at industriyal na establisyimento na walang sapat na kakakayahan at
pasilidad upang madispose nang tama ang kanilang mga dumi o basura.
• Panghuli ngunit isa sa pinakakrusyal na isyung kinahaharap ng bayan
ang kalagayan ng kalikasan nito. nasabing krusyal ang usaping ito
sapagkat may impak ang kalagayan ng kakilakasan sa buhay at
kabuhayan ng mga Pilipino.
• Dahil napakalaking bahagdan na rin ng kapaligiran ang nasira na, mas
malulubhang mga kalamidad naman ang nararanasan ng bansa na
nagdudulot ng ibayo pang pagkasira ng mga pananim at mga ari-arian
ng mga mamamayan.
• Nagiging sanhi ngbagyo, lindol, lubos na pag-ulan o tagtuyot.
• Dahil din sa pag-abuso sa kalikasan at kaapaligiran, nasisira ito at
nagiging dahilan ng pagkaubos ng mga likas na yaman tulad na lamang
ng pagkain mula sa katubigan, kapatagan o mga kabundukan.
• Sa pagkasirang ito ng kapaligiran na siya nating likas na sanggalang sa
mga kalamidad, mas nakapag-aambag din tayo sa climate change na
konserna ng maraming mga bansa sa mundo.

• Sa pagsusuri sa kalagayan ng kapaligiran ng bansa, makikita ang iba’t


ibang suliranin sa estado ng mga kagubatan, sakahan at iba pang
anyong tubig.
• Sa ulat ng Ibon Foundation on the State of Philippine Environment noon
pa lamang 2000, makikita na ang malaking problema.
• Sa mga kagubatan, pangunahing suliranin ang pagkakalbo sa mga ito
dahil sa illegal na pagtotroso at kombersyon ng mga ito bilang mga
komersyal na lupang sakahan.
• Sa katunayan, noon pa mang taong 2000, 5.4 milyong ektarya na
lamang sa dating 20 milyong ektarya ang kagubatan.
• Kalunos-lunos ito at nagdudulot ng tinatawag na chain reaction.
• Dahil sa pagkasira ng mga kagubatan, nagiging sanhi naman ito ng iba
pang suliranin tulad na lamang ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagkawala
ng mga endemic na halaman at mga ilang na hayop, pag-init ng
panahon at iba pa.
• Sa mga lupang sakahan, ang pagkasira sa kalidad ng lupa dahil sa
erosion at sa kemikal dahil sa walang pakundangang paggamit ng mga
pestisidyo sa pagsasaka ay ilan lamang sa mga kinakaharap ng bansa.
• Mas Malala pa sa suliraning ito ang pagkawala na mismo ng mga
sakahang lupa sapagkat nagiging mga komersyal na espasyo na ito tulad
n alamang ng pancovert sa mga ito sa mga subdibisyon, sentro ng
negosyo at turismo.
• Samantala, sa mga karagatan, napakalaking bahagi ng mga coral reef
ang patuloy na nasisira.
• Sa pagkasirang ito, nawawalan ng tahanan ang malaking populasyon ng
mga isda na nakaaapekto naman sa laki ng produksyon para sa mga
mangingisda.
• Nagdudulot din ito ng pagkaubos ng mga chemical substance na
ginagamit sa paggawa ng mga gamot na mahalaga para sa patuloy na na
pagbuti ng kalagayang pangkalusugan ng mga tao.
• Gayon din, ang coral reefs ang nagsisilbing breakwater ng mga
dalampasigan upang maiwasan ang beach erosion.
• Subalit dahil sa patuloy na pagkasira ng mga ito, nanganganib tayong
maranasan ang mga nabanggit.
• Suliranin din sa mga baybayin ang kumbersyon sa palaisdaan ng mga
kabakawanan ng bansa.
• Sa mga nakalipas na dekada, nasa 3500-5000 ektarya ng mga bakawan
taon-taon ang ginagawa na lamang mga komersyal na palaisdaan.
• Taliwas ito sa natural na siklo sa mga baybayin kung kaya
nakapagdudulot ito ng masamang epekto sa kapaligiran.
• Bumababa rin ang kalidad ng tubig ng mga karagatan dahil sa polusyon.
• Pinakamalaking kontribyutor nito ang mga industriya,minahan,
agrikultura at mga kompanya ng mga barko.
• Nagiging sanhi din ang polusyon na ito ng nakalalasong red tide.
• Nararanasan din ang polusyon ng ating mga fresh water sources. Dahil
dito, maraming mga lugar sa Pilipinas na hindi maaaring inumin ang
mga tubig mula sa kanilang mga bukal at balon.
• Maaaring ang polusyon ay galling din sa mga kabahayan, sa mga
industriya sa paligid, o sa mga minahang malapit sa mga katubigan.
• Nagdudulot, kung gayon, ito ng krisis sa malinis na tubig na
nagpapahirap sa mga tao.m
• Ngunit, maliban sa krisis sa malinis na tubig, mayroon pang krisis sa
suplay mismo ng tubig.
• Kamakailan lamang ay nagkaroon ng krisis ang Metro Manila at mga
karatig na lalawigan. Ayon sa naunang mga ulat, resulta daw ito ng
penomenang El Nino na siyang dahilan ng kawalan ng tubig-ulan kaya
nagkulang ang suplay.
• Lahat ng mga nailahad na suliraning kinahaharap ngayon ng bayan ay
patuloy na binabaka ng bawat Pilipino.
• Naghahangad ang bawat isa na sa pamamagitan ng isang kolektibong
pagkilos na naghahangad ng pro-aktibong pagbabago ay malulunasan
ang kalikuan ng sistemang umiiral.
• Hangad ng bawat mamamayang nagmamalasakit sa bayan na mapuksa
ang kahirapan, matigil na ang korapsyon at mapanagot ang sinomang
umabuso at umaabuso sa kapangyarihan, mabigyang-pansin ang mga
marhinalisadong sector sa lipunan at mapangalagaan ang kapaligiran.
• Gayon din, marhinalisadong sector sa lipunan at mapangalagaan ang
kapaligiran. Gayon din, tinatanaw na ang iba pang kaugnay na mga isyu
ay malulunusan sa hinaharap dahil sa sama-sama at nagkakaisang
hangarin ng pagpapabuti sa kalagayan ng bansa.
MARAMING SALAMAT!

You might also like