You are on page 1of 5

FINAL PAPER SET A

Ang pagkakalap ng buwis ay isa sa maraming aspeto na nagpapaandar sa isang bansa. Sa

buwis ng taumbayan nagmumula ang pag-unlad ng isang nayon. Ngunit kung ang buwis na ito

ay ibinubulsa lamang ng mga nakakataas at binibigyan ng mas magagandang oportunidad ang

mayayaman kaysa sa mga nasa laylayan na pilit nagpapakahirap, ang kasalukuyang sistema sa

pagkalap ng buwis ay karapat-dapat lamang ireporma.

Pagdating sa politika, hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao kung gaano kagarapal ang

mga nakaluklok dahil sa kanilang walang-awang pagbubulsa ng pera ng bayan. Ayon sa inilabas

ng Corruption Perception Index (CPI) noong nakaraang taong 2023, ang Pilipinas ay nasa ika-34

sa 100 na bansa. Ang mga bans ana nasa ika-50 pababa ay isang indikasyon na nakakabahala na

ang pagkalat ng korapsyon. Ang nakakabahalang patuloy na paglaganap ng kurapsyon sa ating

bansa ay nagbunga rin sa mahinang sistema sa ating hustisya, hindi napapatawan ng

karampatang kaso o parusa ang mga taong nagdudulot ng kurapsyon dahil sa kanilang

impluwensya o kapangyarihan at sumasang-ayon rito ang Corruption Perception Index, na dapat

ay mas lalong magkaroon ng linaw at pagpapakatotoo pagdating sa kung saan napupunta ang

pera ng bayan.

Ating talakayin kung bakit tila ba mas nakikinabang ang mga mayayaman sa

kasalukuyang sistema ng buwis. Konektado ang inekwalidad na ito sa neolibrealismo na

sinimulang isagawa sa Pilipinas noong panahon ng dating presidente na si Cory Aquino. Kung

ating titignan ang kasalukuyan, mas pumapabor ang neoliberalismo sa mga pribadong kompanya

o korporasyon na siyang sumasalo ng mga serbisyo na dapat ay hawak ng gobyerno, ngunit dahil

para sa mga malalaking korporasyon na ito ay mas gustong kumita, ang mga serbisyong dapat ay

libre na lamang sa ilalim ng gobyerno ay nagkakaroon ng bayad na nagreresulta sa mas lalong


pagpapahirap sa mga taong nasa laylayan. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA),

nagkakaroon ng pagbagal sa pag-unlad ng ating ekonomika, isa sa mga dahilan nito ay ang

patuloy na kontraktwalisasyon ng mga pribado at malalaking korporasyon pati na ang mababang

pagpapasahod na nagreresulta sa malawakang pagkukulang ng trabaho. May magandang

pagbabago man na dulot ang neoliberalismo sa Pilipinas, mahina pa rin ang pundasyon ng

ekonomika ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pagawaan na nagmumula sa ibang

bansa at pagkiling ng sistema sa mga namumuhunan at kapitalista. Nagreresulta ang mga ito sa

mas lalong kahirapan dahil hirap na nga ang mga nasa laylayan mamuhay at kumita, hindi pa

makatao ang sahod pati na ang sistema ng buwis sa Pilipinas. Hindi maikakaila na ang mga nasa

laylayan ang nahihirapan sa inekwalidad na pinapairal ng ating sistema, lalo na ang sistema ng

ating buwis.

Ang kasalukuyang sistema ng ating buwis sa bansa ay hindi makatao at imbis na maging

daan ang buwis sa pag-unlad ng ating bansa, dahil sa pansariling kagustuhan ay mas

pinapanigann lamang nito ang mayayaman sa pag-unlad at hinahadlangan ang mga mahihirap na

umasenso dahil sa mga patong-patong na bayarin at bilihin ngunit binubuhay ang kanilang

pamilya sa maliit lamang na halaga. Kung ang mga nakaluklok sa itaas ay tunay na

nagseserbisyo sa bayan, sana ay makita nila ang tunay na sitwasyon sa kabila ng pekeng pag-

unlad. Mas mainam kung ang sistema, hindi lang ng buwis, ay mareporma o kahit man lang

maging makatao, sana ay walang naiiwanan sa pag-unlad ng ating bansa.


REFERENCES

Mateo, J. (2024, February). Philippines ranks 115th in corruption index. Philstar.com;

Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/02/2330352/philippines-ranks-

115th-corruption-index

Rehashed neoliberal policies: One year of Dutertenomics. (2017, June 28). Rehashed neoliberal

policies: One year of Dutertenomics. IBON Foundation. https://www.ibon.org/rehashed-

neoliberal-policies-one-year-of-dutertenomics/

Gonzalez, M. (2017, January 21). The problem with our tax system and how it affects us.

RAPPLER. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/159027-philippine-tax-

system-problems-effects-filipinos/
FINAL PAPER SET B

Sa labas ng paaralan at pagiging estudyante, ako ay isang panatiko ng mga museo at

historikal na pasyalan. Tila ba ibinabalik ka nito sa nakaraan at nagkokonekta ang noon at ang

kasalukuyan. Ngunit kung ganito lamang natin titignan ang mga museo, bilang mga pasyalan

lamang, hindi natin nasusulit karanasan ng pagkonekta sa nakaraan. Bilang isang estudyanteng

dumaan sa asignaturang Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas, aking obligasyon

na makita ang kahalagahan ng mga museo at dambana na ito at kung ano ang kanilang papel sa

kasaysayan ng ating bansa.

Ang mga museo at mga dambana na ating p’wedeng bisitahin ay nagsisilbing tunay at

nahahawakan na alaala ng nakaraan. Buhay na alaala ito sapagkat ilang daang taon ang

pinagdaanan ng mga ito upang sa kasalukuyang panahon ay magsilbing instrumento sa paggunita

ng ating nakaraan. Pagdating naman sa paghahanda sa pagpunta sa isang museo o dambana, ang

unang-una na dapat dalhin ay ang perspektibong malawak o perspektibong makasaysayan, tignan

natin ang mga relikya, artifacts, o mga makasaysayang lugar gamit ng konteksto ng nakraan.

Para saan ba ang perspektibong makasaysayan na ito? May mga kuwento ang nakaraan na

tanging ang konteksto noong panahon na iyon lamang ang makakapagpakahulugan, sa tinagal ng

panahon ay may mga pagbabago sa ating paligid, pananalita, mga ginagamit, sibilisasyon, at

marami pang iba, kaya naman mas maiintindihan natin ang mga makasaysayang lugar o relikya

kung ating isasakonsteksto ang panahon kung kailan ito naging makasaysayan.

Sa pamahon ngayon, maraming mga museo at dambana na ang naging parte ng ating

kultura at kasaysayan, ang kinagandahan pa nito ay ang karamihan ay libre at bukas para sa mga

taong nagnanais maranasan at makita ang mga ito. Imporante na ating balikan ang nakaraan

upang ang mga matalinhagang kuwento ay ating maintindihan at matuto tayo sa paraan ng
kanilang pamumuhay noon, matuto man tayo sa kanilang pagkakamali o mga tagumpay, ang

mahalaga ay may napupulot tayo sa ating pinagmulan.

You might also like