You are on page 1of 2

SA PAGITAN NG PAG-UNLAD AT KARALITAAN

(Federalismo: Nararapat Ipatupad sa Pilipinas - positibo)


JOSH MIGUEL B. LITON
10-Euler|Mayong Payong

Ang daan tungo sa kaunlaran ay makitid at nangangailangan ng pagtutulungan


natin na mga mamamayan.

Sa pagtakbo ni Presidenteng Duterte sa pagkapresedente, siya ay nagmukod


tangi pagkat kanyang ipinapangarap na magkaroon ng panibagong uri ng pamahalaan
para sa ating bansa na kung saan ay ang federalismo. Sa simpleng salita, ang
federalismo ay ang pagpapamahagi ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan sa
halip na nasa sentral na pamahalaan ang lahat na kapangyarihang ito. Mahalagang ito’y
mapagusapan marahil mahigit limang daang taon na tayo na nasa sentraliadong
pamahalaan at naniniwala ako na ang federalismo na ang susi sa matagal nang
pagbabago na inaasam nating mga Pilipino.

Sa loob ng sentralisadong pamahalaan, ang nababalik lamang na pondo para sa


mga lokal na pamahalaan ay 40% mula sa kabuoang buwis na nalikom ng pambansang
pamahalaan. Ngunit sa loob ng federalismo, ito ay mababaliktad pagkat magagamit ng
lokal na pamahalaan ang 70% ng kita nito at 30% lamang dito ang kailangang ibigay sa
federal na pamahaalan. Sa paraang ito, mas mapapaunlad ng bawat local na
pamahalaan ang kani-kanilang mga lugar dahil sa karagdagang pondo. Masusulusyonan
na rin ang mga problema ng local na pamahalaan na hindi pa rin nalulutas hanggang
ngayon. Isa na rito ay ang kakulangan ng pondo para sa mga paaralan at mapapababa
rin ang antas ng kahirapan sa isang lugar.

Sabi nga, ang bawat lugar ay may kani-kaniyang mga pangangailangan. Sa


pamamagitan ng federalismo mas magkakaroon ng kontrol ang bawat local na
pamahalaan sa pagbibigay serbisyo para sa mga mamamayan nito. Maaari ring
magpanukala ang mga lokal na pamahalaan ng kani-kaniyang batas na umaaayon sa
kultura, paniniwala, at kaugalian na napapaloob sa isang lugar. Isa nang halimbawa ay
ang pagpapatupad ng death penalty ng local na pamahalaan sa mga lugar na kung saan
may mataas na kriminalidad. Mas madirinig at masosolusyonan rin nang madalian ang
mga hinaing ng mga mamamayan pagkat sila ay mas malapit na sa pamahalaan.
Sa pamamagitan ng federalismo, masosolusyonan na rin ang matagal nang
problema na nagsisilbing linta sa ating lipunan na kung saan ay ang korapsyon. Ayon
nga kay Presidenteng Duterte, bababa ang korapsyon sa loob ng ferderalismo pagkat
ang kapangyarihan na dapat ay sa pambansang pamahalaan na papagsamantalahan ng
mga namumuno ay mapupunta sa bawat lokal na pamahalaan. Isa nang halimbawa nito
ay ang manila na lubhang maunlad dahil karamihan ng pondo ay napupunta rito pagkat
ito ang sentro ng pamahalaan. Sa Federalismo, mas mabibigyang pansin ang kalagayang
pang-ekonomiya ng bawat lokal sa halip na sa buong bansa. Ayon nga sa isang ulat,
kung sa oras na may umusbong na katiwalian sa isang lokal na pamahalaan, madali itong
masusulusyonan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga batas na may istriktong
pagkilos ukol sa korapsyon.
Nararapat lamang na magkaroon tayo ng bukas na isipan pagdating sa mga
pagbabago, lalo na kung ito ay para sa ikabubuti n gating inang bayan. Tunay ngang
mainam ang sistemang federalismo para sa ating bansa ngunit ito pa rin ay nakasalalay
sa paraan ng pagpapatupad nito. Laging tandaan na kahit ano man ang sistema ng ating
gobyerno, ang pinakaimportante sa lahat ay ang ating pagiging aktibo, responsable, at
disiplinado na mamamayan ng ating sariling bayan.
PAMANTAYAN/RUBRIKS SA PAGMAMARKA

PANIMULA

PAGPAPALIWANAG SA LAYUNIN

TIBAY AT LAKAS NG ARGUMENTO

KAISAHAN AT KALINAWAN NG IDEYA

PANGWAKAS (PAGBIBIGAY NG LAGUM/KONKLUSYON)

MEKANIKS
Itinalumpati ni:

KABUOAN JOSH MIGUEL B. LITON

LAGDA NG MAGULANG

You might also like