You are on page 1of 1

FEDERALISMO: PAGBABAGO PARA SA LAHAT

Pagbabago. Lahat ay nagbabago dahil ito ay ang tanging permanente sa


mundo. Sa pagdaan ng panahon, madaming pagbabagong nagaganap sa ating
bansa. Maaaring ito ay positibo at maaari din itong negatibong paraan. Subalit sa
nakaraang pamahalaan, ay dumadami ang problemang kinakaharap ng ating
bansa; isyung koruption, pag-aagawan ng teritoryo at ang lumalaking bilang ng
gumagamit ng illegal na droga. Nawawalan ng kompiyansa ang mga tao at
dumadami ang diskriminasyon sa atin ng ibang bansa dahil wala tayong binibigay na
karampatang tugon. Ang gobyerno ang sinisisi ng taumbayan sapagkat sila ang may
kapangyarihang magdesisyon at umaksiyon. Subalit sapat na ba ang pagsisi at
pagbubulag-bulagan sa kinakaharap na problema ng ating bansa. Dapat ba nating
kuwestunin ang pamamahala at ang uri ng gobyerno o tayong mamamayan ay
makipagtulungan upang masolusyonan ang problema at pagbabago upang tayo’y
umunlad at umusbong pa.
Nang makaupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay isinulong niya ang
federalismo upang maging solusyon sa mga problemang kinahaharap ng bansa. Ito
ay ang inaasahang pagbabago sa uri ng gobyerno sapagkat sa nakalipas na taon
ay walang gaanong kaunlarang nararamdaman ang mga Pilipino. Marami ang
pabor ngunit marami rin ang hindi pabor sa kagustuhan ng pangulo. Tulad ng
karamihan, ako ay pabor sa federalismo sapagkat gusto kong maramdaman ang
isang mahusay na demokrasya at pamamahala na magbibigay ng tinig at
kapangyarihan sa ordinaryong mamamayan upang maipahayag ang sariling hinaing
at magbigay ng oppurtunidad na makilahok sa desisyon na maisulong ang
demokratikong pananagutan. Ang kinakaharap nating problema ay dapat na
pagtuonan ng pansin tulad ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa na
naranasan natin tulad ng pag-atake ng terorista sa Mindanao, pag-agaw ng
Scarborough Shoul ng China at ang extrajudicial killing sa bansa. Ilan lang ito sa mga
problemang kinakaharap ng ating bansa, subalit paano kung may darating pang
mas mabigat at komplikado. Magiging handa ang isang federal na gobyerno sa ano
mang bagay at panahon. Ito’y magtataguyod, magpapa-unlad, at makabuo ng
magandang pamamahala na tutugon sa pangangailangan ng mga tao.

Tayo’y may iba’t ibang kultura, pananalita, paniniwala at kaugalian ngunit


tayo’y magiging isa tungo sa pagbabago at makamit ang karapatan ng bawat tao,
kapayapaan, at katarungan na ninanais natin sa nakalipas na taon. Tulad ng
kantang ito’y, “Tayo na Pilipinas... Tayo na at magbago para sa pag-asenso”. Tayo’y
may isang bandila at isang sagisag at ito’y gagamitin upang makamit ang
pagbabago sa tulong ng federal na gobyerno.

You might also like