You are on page 1of 1

Veloria, Adam Zachary 4-D Inaasahang Pagganap # 1 (Filipino / AP)

“Karapatang Konstitusyonal”
(Pagsulat ng Iskrip)
Karapatang Sibil (Civil Rights)

Ito ay ang karapatan ng mga mamamayan na lumigaya at mabuhay nang matiwasay. Likas na karapatan
(Natural Rights) ito na bigay sa atin ng Diyos tulad ng karapatan nating mabuhay. Kahit hindi likha ng
anumang batas, pinangangalagaan pa rin ito ng ating batas. May kalayaan tayong maglakbay at malagi
saan mang lugar sa ating bansa. Malaya tayong pumili ng sariling relihiyon at ng gusto nating
paniwalaan.

Karapatang Politikal (Political Rights)

Ang mga mamamayan ay may karapatang mamili ng mga pinunong mamamahala sa bansa. Bawat
mamamayan na nasa edad 18 taon pataas ay maaring bumoto ng mga mamumuno sa ating pamahalaan.
May kalayaan tayong magpahayag ng ating mungkahi na makakatulong sa namumuno. Maari din tayong
magsampa ng kaso kung may paglabag sa ating karapatan para ito maituwid. May kalayaan din tayong
sumali sa matahimik na asembliya at bumuo ng mga samahan.

You might also like