You are on page 1of 17

Uri ng

Karapatan at
Kategorya ng
Karapatang
ayon sa batas

Inihanda ng: Grupo 1


Uri ng Karapatan:
1. Karapatang Likas o Natural
• Ang bawat tao ay may karapatng
mabuhay. Ang karapatang ito ay at
wagas para lahat. Halimbawa nito ay ang
mabuhay nang puspos; ang magkaroon
ng sariling pangalan, identidad o
pagkakakilanlan, at dignidad; ang
paunlarin ang iba't ibang aspekto ng
pagiging tao gaya ng pisikal, mental, at
• Espiritwal.
• Ayon rin sa aming nahanap na
impormasyon ang ibig sabihin nito ay
ang mga karapatan na ito ay may
kinalaman sa Diyos. Halimbawa:
karapatang magmahal at mahalin
karapatang mabuhay
2. Karapatang Ayon sa Batas

•Mauuri pa rin sa
dalawa ang ganitong
mga karapatan:
• 2.1 Constitutional Rights
– ito ang mga karapatang kaloob at
pinangangalagaan o binibigyang-
proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa.
Maaaring baguhin, dagdagan, o alisin
ang mga ito sa pamamagitan ng mga
susog sa Konstitusyon.
• 2.2 Statutory Rights
• lto ang mga kaloob ng mga pinagtibay
ng Kongreso o Tagapagbatas.
Halimbawa nito ang karapatang
tumanggap nang naaayon sa
pinakarnababang sahod, karapatang
magmana ng mga pag-aari, at
karapatang makapag-aral nang libre.
• Ayon rin sa aming nahanap ay ang
statutory Rights ay tumutukoy sa isang
batas na nagbibigay sa iyo ng isang
karapatan. Ang isang halimbawa ay mga
batas sa diskriminasyon.
Kategorya ng Karapatang ayon sa Batas

• Binubuo ito ng mga personal na


karapatan at karapatan ng mga
grupo ng indibidwal o kolektibong
karapatan na pinoprotektahan ng
pamahalaan at institusyong
panlipunan.
• 1. Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil
Liberties/Rights)
– Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon
ng matiwasay at tahimik na pamumuhay,
kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-
oorganisa, pamamahayag, malayang
pagtitipon, pagpili ng lugar na titirhan, at
karapatan laban sa diskriminasyon. Kabilang
din dito ay ang maging malaya at
makapaglakbay.
• 2. Karapatang Pampolitika
– Kinaka-tawan nito ang karapatan na
makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon
sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa
bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa
eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng
pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging
kasapi ng anumang partidong politikal.
• 3. Karapatang Pang-ekonomiya o
Pangkabuhayan
– Nagpapatungkol ito sa mga karapatan sa
pagpili, sa nais, nakahiligan, at
nagustuhang karera. Naglalaman ito ng
karapatan na magkaroon ng ari-arian,
maging mayaman, at gamitin ang yaman at
ari-arian sa anumang nais basta't ito ay
naayon sa batas.
• 4. Karapatang Pangkultura
– Naka-paloob dito ang karapatan na
makibahagi at lumahok sa pagsasa-
buhay, pagpapatuloy, at pagpapa-
lawak ng sariling tradisyon, gawi, at
pag-uugali. Karapatan ng tao na
ipakita sa iba ang katangian ng
kinalakihang kultura bilang bahagi ng
• isang grupo, tribo, o Iahi na iniingatan
ang mga tradisyong nakagawian
hangga't ang mga ito ay sakop ng
saligang batas.
• 5. Mga Karapatan ng Akusado/ Nasasakdal
(Rights of the Accused)
– Pinangangalagaan nito ang mga taong
akusado o nasasakdal sa anumang paglabag
sa batas. Ang ilan sa mga karapatang ito ay
ang karapatan sa pagpapalagay na siya ay
walang sala hangga't hindi napatutunayan
ang kasalanan at may karapatan laban sa di-
makataong parusa.
Maraming
Salamat!

You might also like