You are on page 1of 2

Debate Script:

1st (Debater Side-A) Sese, Edrene: Ako ay sumasang-ayon sa pagpapatupad nito. Dahil sa
aking palagay, kung aaralin at susubukin din ito sa bansa natin ay posibleng magresulta rin ito ng
ganu’n sa atin. Dahil sa totoo nga nama’y kung kinaya ito ng bansa nila, bakit hindi natin ito
kakayanin? Mas masisiguridad nito ang magandang hinaharap ng bansa gaya na lamang ng mas
mapapangalagaan ang bawat lokal na nahuhuli sa sistemang mayroon tayo ngayon. Sa madali,
mas maipapamahagi ng maayos ang pondo ng bansa, hindi lamang sa iisang lugar. Hindi ba’t
mas magandang pamamalakad ang priyoridad ang bawat isa? Sa pamamaraang ito, baka dito na
madiskubre ang bagong hinihintay sa bansa.

2nd (Debater Side-B) Lacsamana, Yna Mikaella: Hindi ako papaborr. Kung uusisain maigi ang
mga batas, pamamalakad at sistema ng ating bansa simula pa noon, mas lumalala lamang ang
mga problema na kinakaharap natin. Bakit? Unang-una na roon ang corruption. Kahit si Senator
Miriam Defensor-Santiago ay minsan na ring tumutol sa pagpapatupad nito sa bansa dahil sa
mga congressong hindi mapigilan ang kamay sa pagnakaw ng pera sa bansa. Hindi nawawala at
nauubos ang mga ‘yan, ngayon pa nga lang na ang PhilHealth 15bil na isyu ay hindi nila
mabigyan ng pokus, paano pa sa bawat lokal na posibleng magkaroon nang ganitong kaso? Hindi
ako sasang-ayon sa sistemang ito. Sapat na ang higpit na dinaranas ngayon ng bansa.
Pagkakaroon ng pantay, tama at tapat sa batas na sistema ang kailangan, hindi bagong sistema.

3rd (Debater Side-A) Edrene: Gayunpaman, mas marami pa rin itong mas may ikakagandang
resulta sa bansa natin. Kung iisipin ay halos ng mga corrupt sa nakaluklok ay bahagi ng silangan,
hindi na napapakinggan ang ibang ng bansa, kapag napatupad ang pederalismo, mas
mapagtutuunan ng pansin ang karapatan ng bawat-isa. Sang-ayon ako sa pederal sapagkat dito
natin makikita kung ang mamumuno sa atin ay karapat-dapat at may kakayahan mamuno sa
nasasakupan. Hindi puro lamang sisi sa gobyerno ang makikita, lalo na sa pangulo.

4th (Debater Side-B) Lacsamana, Yna Mikaella: Kailanma’y hindi makikita ng mga taong
sarado ang mata sa hindi pantay na sistemang ang bansa na mayroon tayo. Ang biglaang
pagbabago ng sistema ay posibleng mag-resulta ng isang malaking gulo sa buong bansa. Bakit
gagawa ng pagbabago kung ito ay nagdudulot lamang ng pagkabalisa? Bukod dito, bakit gagawa
ng pagbabago sa isang bagay na subhetibo? Kahit pa sabihing mayroong mga batas ang
magtatanggol sa kung sa 42 political dynasties na may potensyal na abusuhin ang pederalismo,
kung ang walang hustisya sa Pilipinas ay hindi pa rin naaayos, walang usad pa rin ang
mangyayari. Gaya na lamang sa nangyayari ngayon, hindi na nakakapagtaka kung bigla na
lamang lulubog sa utang ang bansa sakali mang mapatupad ito. Lalong maghihirap ang
magsasaka, manggagawa, maralitang taga-lungsod, at mga katutubo. Hindi natin ito dapat
payagan. Hindi man perperkto ay sapat na ang 1987 Constitution upang paginhawahin ang buhay
ng mga Filipino. Kailangan lamang nito ng tamang taong hahawak. Wala sa porma ng gobyerno
ang problema kundi nasa korupsyon at kapabayaan ng mga namumuno na inuuna ang mga
interes ng mga dayuhan kaysa sa sariling pinamumunuan.

Closure (Debater Side-A) Nucom, Reslie: Sang-ayon ako sa federalismo dahil dito uunlad ang
ating bansa at papayapa din ang bansa natin mula sa pananakop ng ibang bansa. Ang
pederalismo ay maaaring maging isang napaka-kapaki-pakinabang na solusyon sa isyu ng
namamahala sa isang malaking bansa. Ito ay isang paraan ng pagtugon sa bawat rehiyon ng mga
pangangailangan ng bansa nang hindi pinapayagan ang mga rehiyon na mawalan ng ugnayan sa
gitnang gobyerno. Dahil sa pederalismo, ang mga nabubulsang pera ay maaari nang
maipamahagi sapagkat ang mga taong niluklok ng bawat lokal na ang mamamahal dito, at doon
ay mas katiwala sila. Hindi na rin magiging hulihan ang Visayas lalo na ang Mindanao na halos
hindi na maabot ng sistemang mayroon ang Pinas.

Closure (Debater Side-B) Garcia, Vanessa: Hindi ako pa-pabor sa pagpapatupad ng


Pederalismo sa ating bansa dahil karamihan sa mga Pilipino ay walang sapat na kaalaman sa
pagpapaandar nito, paano ipatutupad ang Pederalismo kung ang mga ibang mamamayan ay
walang ideya sa kung ano ang mga maaaring gawin at kung makakabuti ba ito o makakasama sa
ating bansa? Kahit pa’y kilala ito sa mga mayayamang bansa, hindi sapat na kaalaman iyon para
sabihing gagana itong sistema sa bansa natin. Kaya’t hangga’t maari, hangga’t kaya pang
pakinggan ang masa, depensahan ang kalayaan sa pananalita. Hindi maganda ang maidudulot ng
pederalismo para sa bansang kagaya natin na hindi well-developed.

You might also like