You are on page 1of 2

“Kapatid, di ka ba nagsasawa?

” Isang linya sa kanta ni Ely Buendia na nagpa-isip sa akin


kung ito na ba talaga ang kayang gawin ng kasalukuyang administrasyon ng ating bansa.
Papalapit na ang halalan, at alam kong mainit na usapin na naman ang politika. Makikita na natin
ulit ang mga datihang mukha na gustong pukawin ang ating mga puso, pati na rin ang mga
baguhang gustong may patunayan na baka sila ang pag-asa ng bansa. Ngunit bago ang lahat, ano
nga ba ang politika at bakit mahalaga ito? Sabi ni Heywood (2015), ang politika ay isang activity
o gawain na kung saan ang mga tao ay gumagawa, binabago, o pinapanatili ang mga batas na
nakasaad sa isang komunidad na tinitirhan nila. Alam naman natin na dahil sa mga tuntunin na
nagawa ng pamahalaan, nababase natin doon ang mga aksyon na hindi nating puwedeng gawin
sa pupuwede. Halimbawa na lang dito ay ang paglabas ng walang face mask ngayon, kapag
nakita kang nakababa o walang suot maari kang ipakulong ng awtoridad (Aranda, 2021).

Ang politika ay kulang kung walang konsepto na estado. Dahil dito, napapagusapan natin
ang mga ideya kagaya ng teritoryo, relasyon niyo sa ibang estado, pati batas, ito ay pag-uusapan
muli. Ang estado ay malawak na konsepto kaya’t sabi sa Britannica (2019), sila ang mga taong
gumawa ng kasunduan para masolusyunan ang pag-aaway sa pamamagitan ng paggawa ng batas.
May mga pamantayan na sinusunod sa pagkikilala kung kayo ba ay estado (Sens, 2012). Una ay
ang pagkakaroon pagitan o border. Dito mo masusukat kung hanggang saan lang parte mo sa
lupa o dagat na ito. Dito mo rin makikita ang teritoryo na kung saan ka nakapaloob. Ang susunod
naman ay ang pagkakaroon ng mga tao o populasyon dahil kung walang mamayanan na
maninirahan, isang parte lang iyon ng pagmamay-ari ng gobyerno. Ang pangatlo naman ay ang
pagkakaroon ng sentrong gobyerno na namamahala sa teritoryo na mayroon sila, at ang nakasaad
kanina, ang mga taong gumagawa ng batas. Pumapasok din dito ang soberanya na sinabi din ni
Sens (2012) ay pagbabatay sa ideyolohiya nito, ay kayang pamunuan ang teritoryong iyon ng
walang paggambala ng ibang estado. Ang susunod na katangian ay ang pagkikilala sa ibang
estado. Nang sa gayon, walang gulo ang mangyayari, at pagkakaibigan ang mamuo dito. Ang
pagkakaibigan na puwedeng mabuo dito ay isang benepisyo sa isang estado dahil puwede kang
makabuo ng alyansa dito. At sa pinakahuli, ang mopolyo sa paggagamit ng pwersa o dahas, ang
gobyerno lang ang mayroong kakayahan na gumamit ng dahas, o pagpaparusa sa mga tao sa
kanilang nasasakupan.

Kung dahas at pwersa ang paguusapan, maiuugnay mo ang konseptong kapangyarihan.


Sa politika, hinding hindi mawawala ang salitang kapangyarihan. Malamang sa malamang, pag
naiisip natin ang kapangyarihan, agad itong nababaling sa mga taong korap at madaming
nakuhang salapi sa kaban ng bayan. Maipapasok natin ang ideya ni Hobbes na ang soberanya
(ang taong namumuno, iisa o madami man, na kayang ireprisenta ang tao) ay may kakayahang
parusahan tayo, ngunit may pataw na malaking responsibilidad na magdesisyon para sa atin
(Runciman, 2014). Sa Pilipinas, tayo mismo ang pumipili ng gusto nating mamumuno, kaya
dapat tayo ay maging mabusisi sa pagpili ng taong ilalagay sa pinakamataas na posisyon. Malay
ba natin kung ang kandidatong iyon ay sa una lang magaling; grabe kung mangako, pag nasa
puwesto na, wala nang ginagawa o pansarili lang na interes ang iniisip. Makikita din natin ang
kapangyarihan ng isang soberanya nung panahon na nasa simula palang ang pag-usbong ng
pandemya, may takot at pangamba na naramdaman ang sambayanan, ang mga taong
pinaghihinalaang may COVID-19 idinadala agad sa ospital para maobserbahan kung meron ba
silang sinasabing sakit. May mga taong umayaw at agarang pinagdesisyonan ng Kagawaran ng
Kalusugan (DOH) na ilabas ang kapangyarihan ng polisya para sa kapakanan ng bansa (Hallare,
2020).

Sa mga konsepto na napag-usapan sa papel na ito, lahat ay pag-aaralan ng agham


pampulitika. Madaming depenisyon ito ngunit ang pinapahalagahan nito ay ang sistematikong
pagaaral ng pamamahala (Roskin, 2020). Dahil sa pagsusuri nito, makikita mo kung ano ang
mga pilosopiya at mga metodo kung papano napapalakad ng mga dating namumuno sa isang
estado o bansa. Makikita mo kung ano ba ang mismong pilosopiya o paniniwala ng isang
namumuno, kung ginagamit ba niya ang mga ideya ni Hobbes, Machiavelli, o si Webber sa
pamamalakad ng kanyang estado. Mapapansin mo din kung epektibo ba ang taktika ng isang
soberanya, kung dahil sa mga prinsipyo at pagpaplano niya, minahal ba siya ng bayan?
Kinatakutan ba siya? Lumago ba ang bansa daahil sa kanya? Madami-daming mga pag-aaralang
larangan na nakapailalim sa agham pampulitika, kailangan mo ng dasal, sipag, at tiyaga.

You might also like