You are on page 1of 2

Think, Pair, Share

Pair: Cailo John D. Umpoc & Yzabelle Ann Rio

1.Nagkakaroon ang isang mamamayan ng mga saloobin,


paniniwala, at pag-uugali ukol sa politikal, sa paraan kung
saan ang isang mamamayan ay nakakasagap o
nakakatanggap ng iba't-ibang kaalaman at impormasyon
na may kinalaman sa ating lipunan lalo na sa mga usaping
politika. Isa din sa rason ay naiimpluwensyahan sila ng
politika sa mga malalapit sa kanila katulad nalang ng
kaibigan, pamilya, paaralan, relihiyon, at media. At sa
puntong masagap nila ang mga impormasyon at kaalaman
na ito, dito na papasok sa isipin ng isang mamayan na
makielam at gamiting ang kanyang boses sa mga usapan at
gawaing politikal.Natututo naman ito sa mga bagay na
may kinalaman sa isyung politikal sa pamamagitan ng
pagsagap niya ng mga impormasyon at kaalaman. Itong
mga impormasyon ito ay maaari niyang gamitin para din
makapag-impluwensya ng iba pang tao na bukas ang
isipan sa gantong mga usapan. Ngunit ating siguraduhin na
ang mga impormasyon at kaaalaman na ito ay totoo at
walang bahid ng kasinungalian.

2.Base sa aming pagkakaunawa sa aralin, Ito ay binubuo ng


iba't ibang epekto. Unahin na natin ang mga positibong
epekto at ito ay ang mga sumusunod: Una na dito ang
magkakaroon ng kamulatan sa kalagayan ng bansa at
maaaring makapag-isip ng paraan upang ito ay umunlad.
Pangalwang epekto nito ay magagawang masanay ng isang
tao ang kaniyang karapatan kapag lumalahok sa mga
gawaing politikal. Ang pangatlo naman ay kung tatakbo at
mananalo, makapaglilingkod ang isang mamamayan sa
kanyang bayan. Ang pang-apat na magandang epekto nito
ay sa pangangampanya naipapahayag ng isang kandidato
ang kanyang mga plano o ang tinatawag na plataporma. Sa
pang huling positibong epekto nito ay maaaring
magkaroon ng sense of belonging o relatedness ang mga
mamamayan. Bukod sa mga positibong epekto nito, ito din
ay binubuo ng mga negatibong epekto at ito ay ang mga
sumusunod: Isa sa mga negatibong epekto ay maaaring
makapaghalal ng mga opisyal na hindi kuwalipikado at
hindi tapat kapag hindi nagiging maingat sa pagkilatis ng
mga politiko. At ang panghuling negatibong epekto ay may
mga pagkakataong nagkakaroon ng kaguluhan sa mga
kampanya para sa eleksiyon. Para sa aming pansariling
opinyon nais din namin magdagdag ng epekto. Isa din sa
maaaring epekto nito ay mapapanatili natin ang pagiging
demokratiko ng ating gobyerno sa ating bansa at ito ay
magreresulta ng isang maganda, malinis, at maayos na
lipunan.

You might also like